"P-po?" Tanong ko sa kanila, hindi ko kasi narinig 'yung buong sinabi, 'yung pangalan ko lang ang narinig ko. Hindi ko nga alam kung sino 'yung nagsabi no'n eh, basta ang alam ko lang, may nagtumawag sa pangalan ko.

Napabuntong-hininga si mama. Mukhang nauubusan na ng pasensya sa akin.

"Ang sabi ko, iakyat mo na 'yang mga pinamili niyo ng Tito Lucio mo roon sa kwarto mo. Kung saan-saan na naman kasi lumilipad 'yang isip mo. Naku, Renon, kapag nalaman kapag na nalaman ko talagang may kalokohan kang ginagawa, 'yang mata mo lang ang walang latay--" napangiwi naman ako sa sinabi niya. Kung ano-anong lumalabas sa bibig. Hindi ko lang narinig 'yung sinabi niya, nanermon na.

Kakaiba rin talaga 'tong nanay ko. Ako lang yata ang may gan'tong nanay eh.

Hindi ko na pinatapos 'yung sinasabi niya. Tumayo na ako at kinuha ang mga pinamili naming nasa sahig. Mabilis akong tumakbo patungo sa hagdan at iniwan silang dalawa. Narinig ko pang tinawag ni mama ang pangalan ko pero hindi ko 'yon pinakinggan.

Ayoko na! Tama na ang sermon, Mama!

Dumating ako sa kwarto ko nang hinihingal. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Gan'to talaga ang walang ehersisyo, mabilis mapagod ang katawan. Mukhang kailangan ko ng mag-exercise ah. Ang alam ko kasi may sariling gym si Tito Lucio rito sa bahay, hindi ko nga lang alam kung saang parte dahil hindi ko pa nalilibot ang kabuuan nito. Malibot nga mamaya.

Ipinatong ko sa kama ang mga dala kong paper bag at umupo. Isa-isa kong nilabas ang mga ito. Iba't ibang brand ng mga pants, shorts, at mga damit ang nakita ko. Nanuot sa ilong ko ang amoy nitong bagong-bago.

Halos malula ako nang makita ko ang mga price tag na nakalagay sa mga 'to. Umabot ng halos limang-libo ang mga presyo nito! 'Yung iba ay lumagpas pa. Jusko! Ginto ba ang ginamit na tela rito at gano'n na lamang kamahal ang mga presyo nito. Marami na akong mabibili sa perang 'yon ah. Baka nga makabili pa ako ng bagong cellphone.

Sampung paper bag 'yung dala ko, hindi kasama 'yung gamit sa paraalan. Tanging mga gamit pangsaplot lang ang laman ng mga 'yon at 'yung iba, dalawa o tatlo 'yung laman.

Habang maingat kong tinutupi ang mga bagong damit na binili ay napaisip ako.

Gano'n na lang ba talaga kayaman 'yung nobyo ni mama at nagawa ako nitong bilhan ng ganito karami at kamahal na damit?

Sabagay, hindi na rin ako magtataka na sobrang yaman niya dahil isa pala siyang kilalang engineer at may-ari pa ng isang fancy restaurant na may limang branch dito sa pilipinas.

Hindi na rin ako magtataka na pati ang lahat ng mga gamit dito sa bahay ang mahal ang mga presyo.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang may marinig akong bumukas. Teka, may bumukas? Wala naman ibang pwedeng buksan dito sa kwarto ko kundi ang bintana, 'yung pinto sa banyo at 'yung pinto ng mismong kwarto ko.

Hindi naman bubukas mag-isa 'yung bintana dahil wala namang taong nando'n, wala ring magbubukas sa pinto banyo kasi... wala ring tao ro'n, pero 'yung pinto mismo ng kwarto...

Halos mabali ang leeg ko nang lingunin ko ang pinto ng kwarto ko. Doon ko nakita ang isang lalaking nagmistulang isang diyos ng griyego, na bumaba rito sa kalupaan, upang ihasik ang kakisigan nito. Nakasuot lang itong isang itim na sando kaya naman kitang-kita ang maskulado nitong katawan, mas lalong lumitaw ang kaniyang kaputian sa suot niyang itim na sando. Bumaba ang tingin ko sa katawan nito at doon ko napansin ang bukol sa suot nitong boxer shorts.

Nakasandal pa ito sa gilid ng pinto na tila isang modelo. Nagmumukha tuloy siyang isang modelo sa ibang bansa. Nasabi ko na ba sa inyo na kamukha ni Tito Lucio ang isang italyanong modelo at aktor na si Micheal Morrone. Kung gaano kakisig ang aktor na 'yon ay gano'n din 'tong si Tito Lucio. Mas bata nga lang siyang tingnan do'n sa aktor.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now