Medyo kakaiba ang kilos ni Rayden ngayon. Ano kayang meron sakaniya? Nababaliw na yata ang isang 'to.

Hindi ko na malayan na nasa harap na kami ng gate kaya bubuksan ko na sana ang pinto ngunit pinigilan niya ako.

"Ako na, stay here." Lumabas siya at umikot at pinagbuksan ako ng pinto.

Halos mapunit na ang mga labi ko sa kakangiti sa kaniya.

Inalalayan niya akong pumasok sa loob ng bahay.

Nagulantang ako ng biglang may pumutok na confetti.

"SURPRISE!!!"

Nakita ko sila Zaniah, Jack at Owen na naka pajama ang suot.

Isa isa silang lumapit sa akin at yumakap.

Naalala ko na kung anong meron ngayon. "Happy anniversary!!" Masayang bati ko sa kanila at nag group hug kami.

This is our 7th friendship anniversary. May 28.

May binigay sila sa amin ni Rayden na pajama.

Ngayon ay mag cecelebrate kami with pajama party.

"Don't worry nagpaalam na ako kay tita." Kinindatan ako ni Zaniah at tinulak sa cr para mag palit na ng damit.

Kaya pala iba ang pakikitungo ni Rayden kanina dahil dito. Na guguilty tuloy ako na hindi ko naalala. Napansin ko din na makakalimutin na ako.

Pagkalabas ko ng cr nakita ko silang nag aayos ng higaan sa sala harap ng tv.

Nilapitan ko sila para tumulong, kumuha ako ng mga unan sa guest room at inilagay doon, dalawang kama rin ang nilagay nila para mag kasiya kaming lima, ang  isang kama daw ay kami lang ni Zaniah at ang isa ay silang tatlo nakita ko din ang mga pinamili nila sa kusina mga snacks at drinks.

"Movie marathon mamaya!" Sigaw ni Owen.

"Five feet apart!" Masayang Sagot ni Zaniah sa kaniya.

"For the go!" Sigaw naman ni Rayden.

"Let's play a game!" Umupo si Jack sa harap ko at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What game?" Tanong naman ni Zaniah at umupo sa tabi ko.

"Spy game." Sagot namn ni Jack. Na-excite ang dalawa kaya umupo na rin sila sa kama.

Ang laro na ito ay bubunot ang mga players at idedescribe kung ano ang nabunot nito may tatlong magkakaparehas at ang isa ay hindi kapag ang spy ay hindi nahalata na iba ang nabunot niya sa tatlo ay panalo siya kapag naman ang players na magkakaparehas ang nakuha ay nahulaan ang spy sila ang panalo.

Kumaha ni Jack ng ballpen at papel at may isinulat doon. Marami siyang isinulat at pinunit.

"Game?" Muling sabi niya.

Pumwesto ng maayos sina Owen at Rayden at humarap sa amin ni Zaniah.

Pinabunot niya kami sa sinulat niya.

LOVE.

Tinuro ni Jack si Owen para mag describe ng nakuha niya.

"Boy and girl." Masayang sabi niya.

Sunod naman ay si Zaniah.

"Commitment."

Sunod naman akong tinuro ni Jack.

"Feelings." Tipid na sabi ko.

Sunod naman ay si Rayden.

"Emotion." Ngumisi siya pagkatapos sabihin iyon.

Stay With MeWhere stories live. Discover now