Inayos ko na ang aking kama bago kumuha ng damit, sports bra at jogging pants.

"It's going to be fun Zani don't over think, I'm gonna hang up, see you tommorow!" Pagkatapos mag paalam ay pinatay ko na iyon at chinarge.

Pagkatapos ko maghilamos ay umalis narin ako, wala parin sila mommy at daddy.

Nag jogging ako papuntang gym.

"Goodmorning!" Bati sa akin ng manager ng gym pagkapasok ko. Bumati ako pabalik at dumaretso sa loob.

"Xia!" Kumaway sa akin si Rayden habang nag tetreadmill.

Lumapit ako sa kaniya habang ineestretch ang mga braso habang siya naman ay tinigil ang treadmill at tumingin ng deretso sa akin naka ngisi siya habang nakatayo.

"Goodmorning!" Masaya kong bati.

Ngumiti lang siya at kumindat dahilan para mapangiwi ako.

"Ray, may bagong guy?" Habang nag sstretching ay may nakita akong bagong lalaki dito sa gym halos 4 years na rin kami dito sa gym at ngayon ko lang ito nakita dito.

Kitang kita ko ang nag lalakihang braso niya habang nag pupush up.

"Huy! Matunaw yan." Saway ni Rayden.

"Baliw!" Sinimulan ko ng mag workout.

Okay naman ang hugis ng katawan ko ngunit nasanay na talaga akong nag ggym lalo na kapag madaming iniisip o di kaya ay nag-iisa sa bahay.

Madalas ko lang makasama sila Mommy at Daddy kaya halos sila Zaniah, Rayden, Jack at Owen ang lagi kong nakakasama.

Pagkatapos ko ay nag yoga naman ako habang si Rayden ay nag pupush up, ang kaninang lalaki naman ngayon ay nag tetreadmill.

Ang ganda ng hugis ng katawan niya.

Pagkatapos ko mag yoga nag paalam ako kay Rayden na magshoshower, may locker na dito sa gym kaya hindi ko na kailangan mag dala pa ng damit pang palit.

Medyo inaantok na ako pagkatapos kaya inaya ko nalang si Rayden sa paborito kong coffee shop ang Sunrise Cafe at dahil si Rayden yon ay hindi siya tumanggi. 

Naka white t-shirt, maong shorts at rubber shoes ako white t-shirt, khaki  shorts naman si Rayden.

"Two Cappucino and Two pancakes, thank you." Nag order na ako para sa amin ni Rayden.

"Musta?" Nakangiting tanong ni Rayden.

"Okay lang? Ano ka ba magkasama lang tayo kahapon e."

"Ahh oo nga pala, sorry nakalimutan." Diretso lamang ang tingin niya sa aking mga mata kaya tinitigan ko rin siya.

Naputol iyon ng dumating ang order namin.

Ilang oras kaming nag stay sa Coffee shop bago nag ayang umuwi si Rayden.

"Hatid na kita Xia." Tumayo siya at hinawakan ang likod ng upuan ko.

Anong meron?

Tumayo na ako at nauna na siyang maglakad patungo sa pintuan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at dumaretso sa kararating na sasakyan.

"Is this your car?" Nagtatakang tanong ko.

Kailan pa siya nagkaroon ng kotse?

"No, kay dad." Tumaas ang kaniyang isang kilay. Natawa ako sa inasta niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat bago umikot sa driver's seat.

Nagsimula na siyang paandarin ang kotse tahimik lang ako sa buong byahe dahil sa pagod.

Stay With MeWhere stories live. Discover now