"Salamat sa pag sama mo sakin iho ah." Pagpapasalamat ni Kathlyn kay Ken na bitbit ang mga gamit at pagkain na binili nila.

"Wala po yun." Mahinhing tugon ni Ken.

"Hindi kaba namin naaabala? Wala ka bang ibang kailangang gawin? Pumupunta ka lagi pagkatapos ng school mo." Nahihiyang sambit ni Kathlyn.

"Wala naman po akong masyadong ginagawa sa bahay." Nakayukong sambit nito habang buhat buhat ang mga plastic bag.

"Sigurado ka? Baka naman pinipilit ka ni Zoe na pumunta dito? Haynako yung batang yun jusko." Iling iling na sambit ni Kathlyn.

Agad naman napaangat ang ulo ni Ken. "Hindi po. Hindi niya po ako pinipilit. It's my choice po na bisitahin siya." He frantically shakes his head.

"Hindi mo naman kailangang pumunta at bisitahin si Zoe palagi." Pagpapaalala ni kathlyn.

"I know naman po. I just want her to have someone who she can hang out with. Besides I'm her friend po so it's fine." Kamot batok niyang tugon.

"Hay, kabait mong bata. Maraming salamat ah? Dahil sayo nagkaroon si Zoe ng kaibigan dito sa hospital. Buti nalang talaga nagkakilala kayo." Nakangiting sambit ni Kathlyn while patting his shoulder kaya napatango nalang si Ken.

"Hayss.. ang swerte swerte ni Zoe at may naging kaibigan siya na katulad mo."

Napatingin naman si Ken sa kaniya at napaisip ng malalim. "Actually, I'm the one who's lucky." Tugon niya.

Naningkit naman ang mga mata ni Kathlyn at ngumiti ng nakakaloko. "At ang swerte rin ng magiging boyfriend ng anak ko."

Natigilan naman si Ken. "Lucky indeed.." bulong niya.

"Swerte mo" nakangiting sambit ni Kathlyn.

"H-huh? Ako po?" Nauutal na tugon ni Ken na mukhang nabigla sa sinabi niya.

"Wala wala.. Tara na baka hinahanap na tayo ni Zoe." Ngumiti ng nakakaloko si Kathlyn at binilisan maglakad.

Napatigil naman sa paglalakad si Ken at natulala. Parang siarang plakang paulit ulit na pumasok sa kaniyang utak ang sinabi ni Kathlyn.

He muttered something under his breath while looking down as he spaced out for awhile.

He snaps out when he heard kathlyn calling him kaya naman dali dali siyang naglakad while blushing slightly.

Nagpatuloy silang maglakad hanggang marating nila ang kwarto ni Zoe. Nang makapasok sila naabutan nilang nagdadrawing si Zoe. Mukhang focus na focus siya sa ginagawa niya at hindi niya napansin ang pagdating nila.

"Dito mo nalang ilagay yan." Pagtutukoy ni Kathlyn sa mga plastic bag na bitbit ni Ken.

Tumango si Ken at dahan dahang binaba ang mga ito sa lamesa. Maglalakad na sana palapit si Ken kay Zoe ng mapansin niya itong focus na focus sa ginagawa niya. Hinintay niyang mapansin siya nito at nang hindi niya siya maabala.

He continued to stand there for awhile at napansin naman ito ni Kathlyn kaya pagkatapos niyang ayusin ng mga gamit at pagkain ay naglakad na siya papuntang pintuan. Nabaling ang atensiyon ni Ken ng makita niyang paalis si Kathlyn. Tumingin naman si Kathlyn sakaniya at ngumiti ng nakakaloko.

Dahan dahan niya binuksan ang pintuan at lumabas pero nanlaki ang mga mata ni Ken ng pabalibag na sinara ni Kathlyn ang pintuan causing Zoe to flinched and looked at the door. She then noticed Ken standing, staring at her.

Fear To Eternity Where stories live. Discover now