Siargao

138 5 0
                                    

Dion Jeazca Del Fuego's POV

"Ma'am settled na po ba lahat"? Tanong ng driver nitong bus na sasakyan namin. Dalawang bus ang pupunta at bawat bus ay may nakatalagang tatlong magbabantay which include us professors and the President of the SSO and her V.Pres. I checked all the students who are in this bus at nang masigurong kompleto ang mga ito ay tumango ako sa driver.

"Yes po manong we may go". Sagot ko dito na agad nya namang tinanguan. Naupo ako sa likod ng driver tabi ni Mr. Alonzo at nakita ko naman ang pulang pula nitong mukha kaya nakatanggap ito ng mga panunukso sa mga kaibigan nya,
-𝘐 𝘨𝘶𝘦𝘴𝘴 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯.

98 ang bilang lahat ng estudiyante sa buong 5th year department and six professor including me and the two officers ang bilang naming pupunta.

Kalahati sa bilang ng mga estudiyante ay nandito sa bus na ito at yung iba ay nasa kanila. Nang isasarado na sana ni manong yung pintuan ay may biglang sumulpot na animo'y sumabak sa isang marathon. Humihingal syang napasandig sa pintuan habang ang isang kamay nito ay nasa tuhod, tsaka ito nagtaas ng mukha ang tiningnan yung driver.

" Manong pasabay ako". Hingal nitong sabi tsaka pumasok na sa loob. Tiningnan nya muna ako bago tumingin sa kabuoan ng bus at nang makitang wala ng ibang bakante ay kumunot ang noo nito.

"Ayy ma'am pasensya na po dahil puno na, kung gusto nyo po ay meron pa sa- she cut him off at lumapit sa kinauupuan ko.
"Move" utos nito sa katabi ko kaya itong isa ay dali daling umalis sa kinauupuan nya at nakisiksik sa tabi ng mga kaibigan nito kaya itong si gaga ay ngiti ngiting naupo sa tabi ko. She's so mean my goodness.

"What are you doing here, I thought nauna kana kahapon and why did you do that" naka taas kilay kong taong dito habang hinaharap sya. Ngumiti ito nang pagkatamis tamis sabay kindat sa akin na syang dahilan ng pag karerahan ng puso ko, pakiramdam ko pulang pula narin ako dahil dito kayat inirapan ko sya at umiwas ng tingin maitago lamang ito sa kanya. Ngunit itong gaga ay mas lallong natawa pa na may kasamang sundot sa kabilang pisngi ko.

" Ang cute mo mag blush ma'am, kinilig kaba hihihi". Asar nito

"Kinikilig...Are you serious? I don't even like you". Pag susungit ko sa kanya ngunit baliwala lang ito.

" Weh talaga ma'am".

"Yes and so shut up, and answer my question". Sagot ko dito, hmm kung wala lang kaming ibang kasama ay titirisin ko talaga ito ng pinong pino para manahimik na, nakakainis.

"Eh kasi misis ko gusto ko sabay tayong pupunta sa Isla natin tsaka mamaya may umaaligid aligid na naman sayong tukmol ' Mga TUKMOL". Sagot nya habang itinataas baba nya ang kilay inirapan ko sya ulit . Tsaka ano yung pinag sasabi nyang island namin, eh hindi ko nga sya kaano ano.

" Tumigil tigil ka Miss Monterey at baka may makarinig sa mga sinasabi mot baka iba ang isipin nila, tsaka ano yang pinagsasabing island natin huh eh ni hindi kita kaano ano".

Tumawa naman ito ng mahina bago sumagot. " Naku si ma'am Akala ko ba matalino kayo, syempre magiging sayo na rin yun kapag ikinasal tayo at magiging asawa na kita. Ang lahat ng sakin ay magiging sayo kung sakaling papayag ka tsaka hayaan mo silang isipin kung anong gusto nilang isipin para hindi narin sila magbalak pang magkandarapa sayo". Mahabang lintaya nito habang ngumingisi.

" In your dreams stupid, can you at least shut up or I'll throw you outside the window". Nagbabantang sagot ko sa kanya kaya nginitian nya ako bago umayos ng upo. Akala ko ay hindi na ito magsasalita ngunit ang bunganga nyang singingay ng mga chismosa nyong kapitbahay ay nag umpisa na naman.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now