Chapter 8

3 1 15
                                    

I didn't bother to look at Liam, pretending that he isn't here.

Lumapit ako kay guard na kasalukuyang kausap ni Miss Ella. "Tatanungin ko lang po sana kung pwedeng hingin yung mga bala nitong baril?" marespeto kong tinanong dito. Agad naman nyang hinubad ang belt na nagsisilbing lagyanan ng mga bala at iba pang parte ng baril, pati na rin ang posas.

Ibibigay nya na sana ito ngunit pinigilan ito ni Ma'am Ella. "Miss Kyeda, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You are not capable of this kind of stuff. Student kapa lamang, hindi ka marunong gumamit nyan" pagsermon nya saakin.

"My dad taught me how to shoot back when I was 10. I'm a licensed shooter, I also have firearm license" I stated.

"Lies" she said.

"May tiwala ako sakanya" wika ng Guard habang inalis ang kamay ni Miss Ella, tsaka ibinigay ang belt na may mga bala. Kinuha ko ito at nagpasalamat.

Pumunta ako sa pwesto ko tsaka umupo. Inalis ko ang ilang bala na nasa belt at linapag ito sa armchair.
I checked if there's any bullets left inside the gun. Two bullets were found. I inserted 8 bullets hence the capacity is 10. It was hard to handle because it wasn't used in a long time.

Putting the string back to its place really got me focused. While gently putting it back in, Lorraine came out of nowhere. "Nuyan Yuri?" biglang pagsulpot nya, na ikinagulat ko...ARGH! Now I have to do it all over again!

"Baril, di mo ba nakikita?" naiinis kong pagpilosopo.

Inagaw nya ang baril mula sa kamay ko, "Ambigat, meron din si lolo nito sa bahay, minsan hinihiram ko pa. Nakagamit nako nito eh" pagmamalaki ni Lorraine habang tinututok ito sakin.

"Weh? Baka gawa-gawa mo lang yan" sarkastikong wika ko.

"Promise, nakagamit nako nito" sagot nya habang nakataas ang kaliwang kamay nya.

"Akin na yan. Di ko pa tapos ayusin yan" tugon ko sakanya. Binigay nya ito at inayos ko. Pinanuod nya lang akong ayusin ang baril.

After finally fixing it, I handed it over to Lorraine. "Here, aim the board" I instructed. "Huh?" Lorraine was confused.

"Sabi mo nakagamit kana nito? Bilis, balirin mo yung board" wika ko habang pilit na inaabot ito kay Lorraine.

"U-uh, d-dati na yun" pagtanggi nya.

Sinasabi ko na nga bang story maker to. Napansin ko rin na ginagaya nya ako, pati na rin style ko...how pathetic.

Pilit ko paring ibinibigay ito sakanya, "Kaya mo yan! Marunong ka naman, naka-kasa na yan" pagkumbinsi ko.

"Ayaw ko! Baka marinig pa ng mga zombie" muling pagtanggi nya.

"Sus! Di naman yan makakapasok dito" sarkastikong wika ko.

"Marunong ako, sadyang ayaw ko lang. Ikaw nalang, marunong kaba?" wika ni Lorraine.

I shot the board and it made everyone cover their ears and screamed, including Lorraine. Zombies went slamming once again. "Sorry di ako marunong" I told her sarcasticly.

Kita ko sa mga mata nya na gulat na gulat siya at di makapaniwala sa ginawa ko...syempre nasa tapat nya lang yung baril. Sino di magugulat non?

"Miss Kyeda! What was that for?!" asked by Miss Ella looking so angry.

The SchoolrageWhere stories live. Discover now