KABANATA TATLO

19 9 0
                                    

Yoshiko P.O.V

HABANG pinipindot ni Ayen ang doorbell sa pinto ng condo unit ni sienna ay patuloy na nanlalamgi ang palad ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni sienna pag Nakita ako. Maalala pa kaya niya ako?

Bumukas ang pinto . Tumambad sa paningin ko ang isang babaeng naka suot ng malaking t-shirt, may hawak na vacuum, pansin ko naman ang long lengs nya na halatang walang suot na short."

' Sie? Bakit ganyan ang itsura mo? Puna ni ayen. Binitawan ni sienna ang hawak na vacuum. " Nagkasakit ang house cleaner ko. Hindi niya nalinisan ang condo ko habang wala ako. At ayaw ko maka kita ng alikabok kaya naglinis na ako.

Natawa naman ng malakas si ayen. " marunong karin palang maglinis ng bahay.

" No choice, eh. Saka ako na pansin ni sienna.

Hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko kay sienna. Parang imposible na ang sienna na kilala ko noon ang sienna na kaharap ko ngayon. Dahil ang babaeng nakikita ko ngayon ay malabong pag aksayahan ng panahon ang isang tulad ko. Sa kabila ng walang kaayusan niyang itsura nang mga sandaling ito ay kitang kita parin ang kagandahan niya. She was almost perfection.

Ang ganitong klase ng babae ay hindi mangangailangan pang gumastos nang malaki para lamang makakuha ng babae. Kusa ng magkakandarapa ang mga babae sa kanya. Baka nga ang ibang babae pa ang gumastos at magbayad para lamang makapiling nya.

I'm sorry kung naabala ka namin." Mahinang sabi ko. Nagkamali lang ako.

May pagtatakang napatingin sa akin si ayen. Hindi siya iyong " sienna ortiz na hinahanap ko, imposibleng maging siya iyon ayen, " paliwanang ko.

" Tungkol ba saan ito, ayen? Usisa ni sienna

" Akala kasi niya ay ikaw yung sienna ortiz na tumulong sa kanya para mapaoperahan ang mga mata niya six years ago.

Nakita ko ang pagkabigla ni sienna. Muling tumutok ang magandang mata niya sa akin.

" Y-yoshiko.." sambit niya.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ang tono ng boses niya. Ganoong ganoon ang madalas kong marinig sa tuwing inaangkin niya ako.

" So, it is you!' Bulalas ni ayen kay sienna. Sabay dampi ng palad niya sa balikat ni sienna.

Marahang tumango si sienna. Nanatiling nakatingin parin ako sa kanya. Wala naman akong masabi pa. Hindi ako makapaniwala kung paanong nagkaroon ng interes sa akin ang isang tulad nya.

Inakala ko noon na may edad na sya. Na alaga lamang niya ang katawan kaya nanatiling maganda ang kurba. At kahit na isang beses ay hindi niya sa akin pinahawak ang kanyang mukha, dahil pangit sya o may kulubot na ang mukha.

Ilang sandali ay namayani ang katahimikan .

"Okay. I'll be going now! Biglang sabi ni ayen at mabilis na sumibat paalis.

"Sinundan ko ng tingin si ayen. May isang bahagi ng pagkatao ko ang Tila gustong sumunod sa kanya. Natatakot akong maiwang mag isa kay sienna. Ayaw ko marinig ang anumang sasabihin niya sa akin o ang pagtawanan ako.

" Sa loob tayo mag usap yoshiko" anyaya niya sabay bukas ng pinto nang maluwang.

" H-huwag na gusto lang naman kita makita ".

" Iyon lamang ba ang dahilan kaya mo ako hinanap? Makahulugang tanong niya sa akin.

Nag iwas ako ng tingin. Napapitlag ako nang hawakan niya ang isang Braso ko at hilahin ako papasok ng condo nya. Hindi ko na nagawang maglaban nang isara niya ang pinto ay tila nakulong ako sa isang patibong.

'Kamusta kana?

"Mabuti." naupo ako sa sofa. Para kasing nanghina ang tuhod ko .

" Hindi kita agad nakilala kanina. You changed your hairdo and ang ganda ng hugis ng body mo by the way. Ano nga pala ang gusto mong inumin?

"K-kahit ano."

Iniwan niya ako sa sala. Iginala ko ang tingin ko sa buong sala. Sa kabila ng mga appliances at iba pang kagamitan ay maluwag parin ang espasyo. Halatang mamahalin ang lahat ng mga bagay na naka paligid sa akin.

Maganda, mayaman, edukada at nagtatrabaho sa isang malaking kumanya si sienna. Tiyak ako na hinahabol siya ng kalalakihan at kababaihan . Bakit siya nag ka interes sa isang tulad ko?

Nang magbalik si sienna ay may dala na itong tray na kinapapatungan ng bote ng coke at dalawang baso. Sinalinan niya ng soft drink ang isang baso at iniabot sa akin.

" Buti na lang at coke ang nasa ref ko naalala ko na coke lang iniinom mo. Natatandaan pa pala niya na hindi ako umiinon ng ibang soft drinks.

"Nagtatrabaho ka parin ba sa hotel bilag masahista?

"Umiling ako. Nang makabalik ang mga paningin ko ay nag- aral ako. ' Ngayon ay nakapag trabaho ako bilang secretary ng mayor sa davao city."

'Married?

No".

"Boyfriend?

"Wala. Nagtataka ako kung bakit nagtatanong siya sa akin ng ganto.

"Nakikitira ka parin ba sa tiyahin mo?

" Hindi nila nagustuhan ang ginawa kong pakikisama sa iyo noon. Kaya pagkatapos ng operasyon ay na pasyahan kong magsarili na kaysa bumalik sa kanila. " bakit mo tinatanong ang mga ito sienna?

Naupo siya sa kabilang dulo ng sofa." Magre- resign na Kasi yung secretary ko ngayon. I would need a replacement. Kung interesado ka, ibibigay ko sa iyo ang trabahong iyon. Natitiyak kong higit na malaki ang susuwelduhin mo kung sa akin ka magtatrabaho. But you would also need to move here at imposibleng magyari iyon kung sa davao ka parin titira.

"Wala karin poproblemahin sa titirhan mo. Dalawa ang kwarto rito sa condo ko. Ipapagamit ko sa iyo nang libre ang isang room. Free board ang lodging.So, are you interested, yoshiko?.

LOVE IS AN ILLUSION Where stories live. Discover now