S I M U L A

39 11 0
                                    

JADE P.O.V

ILANG oras na lang at isasagawa na ang aking operasyon, muling magbabalik na ang aking paningin. Sa loob ng anim na taon kong nabuhay sa kadiliman. Ang huling bagay na nakita ko ay ang duguang katawan ng aking pamilya mula sa car accident.

Ngayon muli na akong makakakita. Tiniyak iyon sa akin ng mga doktor. Ngunit ang operasyon na iyon ay binayaran ng aking katawan. Sa loob na apat na buwan ay naging pagmamay ari ng isang babae. Isang babae na interesado lamang sa aking katawan.

Napalingon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Natitiyak ko kung sino iyon base sa mga yabag na papalapit sa akin.

"Akala ko ay umalis ka na."

"Inaayos ko lamang ang lahat ng mga bayarin dito para hindi kana magkaroon ng kahit na anong problema." Hinawakan niya ang isang kamay ko. Ipinatong niya sa akin ang isang bagay na nababalutan ng papel." After your operation, alam kong hindi ka agad makakabalik sa trabaho mo. So, ito ang pera para sa mga expenses mo.

"H-hindi ka na dapat nag-abala pa." May tilang umiipit sa aking lalamunan.

"You gave me the best four months of my life. Isa iyong karanasang mahirap kalimutan." Kahit na sa umpisa ay duda ako kasi virgin ka pa.

"Hindi ko napagilan ang aking sarili at mahigpit akong yumakap sa kanya. " Higit pa roon ang kaya kong ibigay sa iyo kung mananatili ka lamang sa akin sena.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

Hon jade, sa simula pa lamang ay alam mong sandali lang akong mananatili dito. Kailangan ko ng bumalik. Besides, wala na akong maibibigay na kapalit pa sa serbisyo mo."

"I don't care! Kung gusto mo, ibabalik ko rin ang lahat ng nagastos mo sa akin. Hindi na rin ako magpapa opera pa. " Huwag mo lang akong iwan sena." I love you. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko sayo.

Napaiyak ako ng kumalas siya sa pagkakayakap ko."

"Noon pa man ay sinabi ko na sa iyong hindi ko kailangan ang pag-ibig. Ang kailangan ko lang ay kasama dito sa condo ng apat na buwan pati na din ang katawan mo. Pumayag ka sa mga kondisyon ko dahil sa labis mong paghahangad na muling makakita. Ngayon malapit nang magkatotoo ang pangarap mo ay saka mo iyon babale- walain dahil lamang sa sinabi mong pag-ibig? Love is not real, jade. It is only an illusion. Anuman ang nararamdaman mo ngayon ay mawawala rin maniwala ka sa akin.

"Nagkakamali ka sena. Hindi lamang ako pumayag na ibigay sa iyo ang sarili ko para sa operasyon ko. Akala mo ba ay ikaw lang ang taong nag- offer sa akin ng ganitong pagkakataon? Marami sila, pero binale-wala ko sila. Ngunit nang ikaw na sena _ _.. diko pa natatapos ang aking sasabihin ng magsalita sya.

' Babae tayong dalawa jade ." At mali ang ginagawa natin. "Anuman yang nararamdaman mo ngayon, hindi mo maitatawag iyan na pag ibig . Hell, how you even love a girl you haven't even seen at buwan mo palang nakikilala?

"Mahal kita sena. Sigurado ako sa aking sarili."

"But i cannot love you,jade. Hindi ako na niniwala sa pag ibig . Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi. " try to forget me . Iyon ang pinakamabuting bagay na mangyayari sa iyo.

"Hindi ko kailanman magagawa iyon sena.

Hinalikan niya ako sa noo."Sa paglipas ng panahon ay makakalimutan mo rin ako jade, and i will also forget you." Pagkatapos ay narinig ko na lamang ang paglakad niya palayo sa akin.

"Sienna!" Sigaw ko.

Ngunit hindi niya ako pinansin. Unti-unti ay hindi ko na rin marinig pa ang mga yapak nya. Tuluyan nang nawala sa buhay ko si sienna ortiz.

LOVE IS AN ILLUSION Where stories live. Discover now