KABANATA DALAWA

19 9 0
                                    

Yoshiko P.O.V

MAGKAHALONG nerbiyos at excitement ang nararamdaman ko,  nang bumaba sa taxi na sinakayan ko.  Mula davao to manila  ay isang oras at fifty five minuto ang naging byahe ko sa ireplano.

Ngayon ay nasa tapat ako ng Newon incorporated ang pinaka malaking company building dito sa manila.

Huminga ako ng malalim. Simula ng mabasa ko sa isang newspaper ang pangalan ni sienna ortiz"  marketing manager ng newon nung isang buwan ay hindi na ako napakali pa. Mula nang umalis siya sa buhay ko ay pilit ko siyang hinanap. Ngunit dahil wala akong sapat na pera para magbayad ng private detective ay walang pinatunguhan ang paghahanap ko.

Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Naniniwala ako  na darating ang araw na mikikita ko siya. Iyon lang ang gusto kong mang yari ang makita kung ano talaga ang itsura niya. Gusto kong mabigyan ng larawan ang mga alaalang iniwan niya sa akin.

Hindi na ako umaasa pang muli ay magkaroon kami ng relasyon o isiping mahalin niya din ako.

Masyadong matagal ang anim na taon , at sa klase ng pagkatao niya , ay natitiyak kong marami ng babae ang pumalit sa akin.

Nilakasan ko ang aking loob at pumasok sa salaming pinto ng building. Dumiretso ako sa receptionist na naroroon.

" I  would like to make an appointment with Ms. Sienna ortiz this week. It's important that I talk to her."  Sinadya kong mag english . Sa pagtatrabaho ko bilang sikretarya sa loob ng apat na taon ay natuklasan Kong, kapag nag eenglish ang isang tao ay nagiging importante ang dating  nito kaysa sa nagtatagalog.

I'm sorry ma'am, but she's currently on vacation, just comeback after three weeks.

Three weeks? Dalawang linggo lang ang paalam ko sa boss ko. Kung mag eextend ako ng isa pang lingo ay baka masesante na ako.

Wala man lang ba siyang na iwang contact number?

"Mabuti pa ma'am, iwanan mo na lamang ang pangalan at contact number mo at ipapaalam ko sa kanya  na nagpunta ka rito.

Nagdalawang isip ako. naroroon ang posibilidad na oras na gawain ko iyon ay baka lalong lumabo ang pag asang makita siya, sure akong hindi magpapakita sa akin si sienna at isipin pa niyang naghahabol ako sa kanya.

"Bago pa ako makaisip ng idadahilan ay nakuha ang atensyon ko sa tatlong taong dumating. Isang tall, attractive girl na mukhang modelo ang tantiya ko ay five six ang height niya,  at ang isang babae naman ay mukhang fashionista. Kulay gray ang buhok. Ang isa naman ay attractive man na matikas ang  tindig.

"Good morning ma'am and sir." Magalang na bati ng receptionist sa kanila. Tumango lang sila at dumiretso na sa elevator ang dalawa. Nanatili namang sa tabi ng receptionist ang babaeng may kulay gray na buhok.

Hello, fatima. Kaibigan mo?" Usisa nito na tumutok ang paningin sa akin.

"Humingi lamang siya ng appointment kay sienna."

Natawa ito. " Ibang klase talaga ang babaeng iyon. Mula nang magbakasyon siya ay naha haras ka na sa sangkatutak na babaeng nagpapa appointment sa kanya. Ang tindi talaga ng epekto n'on sa babae.

Pakiramdam ko ay ako ang pinariringgan niya. Nakadama ako ng pagkapahiya.  Lumayo na lamang ako sa kanilang dalawa.  Nag aaksaya lamang ako ng oras sa lugar na ito. Isa pa, hindi rin naman ako sigurado na ang sienna ortiz" na nagtatrabaho dito sa Newon ay ang babaeng nakilala ko noon.

Nasa labas na ako ng building nang mapansin ko na sumunod sa akin ang babaeng may gray na buhok. Sa malapitan ay nalaman kong mas matangkad ako sa kanya.

Excuse me," nakangiting sabi nya. Ako nga pala si ayen. Kaibigan ni sienna ikaw? Girlfriend ka ba niya? Ex? Or future? Diretsong tanong nito sa akin.

Umiling ako.

" Pero mukhang inlove ka sa kanya."

Nakaramdam ako ng pag iinit ng mukha. Ganoon ba ako ka obvious na maski sa diko kilala ay hindi ko kayang itago ang damdamin ko.

Bumugtong hininga si ayen. " pwede ba tayong mag usap? Mag meryenda. Treat ko. Hindi kasi ako nakapag almusal kanina.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Hinawakan niya ako sa isang kamay at hinila ako pabalik sa building, dinala niya ako sa canteen.

Sa pagitan ng pagsubo at pag nguya ko ay sinimulan na siyang payuhan ako.

" I know na sasabihin ng marami na wala akong karapatan na gawain ito. But it's just that as Sienna' s friend. I know her. Hindi ang klase ng kahit na sino ang binibigyan niya ng halaga at anumang relasyon niya sa babae. Hindi siya ang klase ng babae na naniniwala sa pag ibig. She doesn't believe in that emotion. Since I am also a girl, kahit paano ay apektado rin ako kapag nakikita ko ang kapwa ko babae na nasasaktan dahil sa kanya. By the way, ano nga pala ang pangalan mo?"

" Yoshiko."

" Well, yoshiko you are young and very pretty.hindi mo dapat aksayahin ang panahon mo sa paghahabol sa isang tulad ni sienna. She's not the faithful girl.

" Ayen, gusto ko lamang siya makita, malaman kung ano ang hitsura nya. Kung may maipapakita ka sa aking picture niya, tama na iyon sa akin.

Napatigil siya sa pagkain." Are you saying na hindi mo pa nakikita si Sienna? Na hindi mo siya kilala?

Six Years ago, nang magkakilala kami ay bulag pa ako ayen. Siya ang gumastos sa operasyon ko. Pero umalis siya bago natapos ang operasyon, at hindi ko na siya nakita pa.

" Oh, myy goshh." Napatakip siya ng bibig. Sorry! Akala ko talaga ay isa ka roon sa mga babaeng in love na inlove at habol nang habol sa kaibigan ko." Ganoon naman kasi palagi ang nang yayari, eh. i never thought na iba ang story nyo.

May picture ka ba niya ayen?

Picture? I can do more than that yoshiko, sasamahan kita sa condominium nya. That's my way of saying I'm sorry dahil sa maling akala ko at sa ginawa kong panenermon sayo.

" Pero ayon sa receptionist ay nasa bakasyon si sienna."

" Kagabi ay dumating na siya mula sa pagbabakasyon. " Nasa condo lang iyon ngayon, at kukunin ko rin naman iyong pasalubong niya sa akin. So, pagkatapos nating kumain ay pupuntahan natin siya, tiyak na magugulat iyon pag Nakita ka. Pero  medyo mag ingat ka rin sa babaeng iyon, may pagka fuckgirl. Baka kaya nakaligtas ka sa kanya ay dahil nakukonsenya sa lagay mo. Pero ngayon, just be careful, okay? Ayokong ako pa itong magpapahamak sa iyo sa pagdadala sa kanya.

LOVE IS AN ILLUSION Where stories live. Discover now