Nasa Huli ang Pagsisisi

11 1 0
                                    

"Nay! May nakita ka bang pera dito sa ibabaw ng lamesa?" Galit na tanong ni Athena sa kanyang ina na abala sa pagluluto ng agahan. 

"Wala akong napansin anak. Itatanong ko sa Papa mo mamaya. Halika't kumain ka na muna habang mainit pa ito." ang malumanay na tugon ng kanyang ina. Masamang tiningnan ni Athena ang kanyang ina na para bang sya ang kumuha ng nawawala niyang pera.

Nag-iisang anak lamang si Athena nina  Linda at Bert. Lumaki itong spoiled at lahat ng luho at gusto ay nasusunod kaya ganun na lamang nya kung tratuhin ang kanyang mga magulang. Labing pitong taon pa lamang ito ay natuto na itong uminom at manigarilyo. Paulit ulit din itong huminto ng pag-aaral dahil madalas itong nagka-cutting classes at pumapasok ng lango sa alak kaya palagi ring pinapatawag ang kanyang magulang sa paaralan upang kausapin ang mga ito. 

"Anak, ano bang nangyayari sayo? Tatlong taon kana sa 2nd year high school. Puro ka lang simula. Pano nalang pag nawala na kami ng Papa mo. Pano kana? Lahat naman ng gusto mo nabibigay namin. Ano pa bang kulang? May problema ka ba? Bakit ka nagkakaganyan? Hindi ka naman ganyan nung maliit ka pa." Maluha luhang saad ng kanyang ina habang nakatingin sa anak.

"Pwede ba Ma, huwag mo akong pakialaman dahil kahit kailan hindi ka nagpaka nanay sa'kin. Ni hindi ko nga maramdaman yung presensya niyo sa panahong kailangan ko kayo. Bakit? Kasi wala kang kwentang ina. Inuna mong mag alaga ng ibang bata kaysa ang manatili sa bahay at alagaan ako tapos ngayong malaki na ko saka ka eeksena na parang walang nangyari? Anong akala mo sa'kin? Bata? Na kaya mong uto utuin at bilugin ang ulo. Tama na Ma, matagal na kitang binura sa buhay ko!" Ang sigaw na sambit ni Athena sa kanyang namumutlang ina habang nagaayos upang makipagkita sa mga kaibigan nito. 

"Anak, kung hindi ako umalis at nag alaga ng ibang bata, hindi tayo mabubuhay. Baka hindi ka pa makapagaral kung mananatili ako dito sa bahay. Hindi tayo mabubuhay sa kakarampot na kinikita ng iyong ama sa pangangalakal. Tiniis kong malayo sa iyo para sa kinabukasan mo. Lahat ng ginawa ko para sayo iyon." ang sagit ng kayang ina na humahagulhol dahil hindi niya sukat akalain na ganoon ang isasagot sakanya ng sarili niyang anak. 

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at lumakad palayo. Napayakap ito sa kanyang asawa habang walang tigil sa pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Tila ba binuhusan siya ng malamig natubig dahil hindi nya lubos akalain na ganun nalang ang isasagot sakanya ng kanyang nagiisang anak. 

Tatlong taon pa lamang noong iwan niya si Athena sa kanyang ama  upang lumuwas ng Manila para makipagsapalaran. Sa tindi ng hirap ng buhay nila pinilit nyang umalis at nag tiis upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang anak. Ngunit hindi mawaglit sa kanyang isipan kung anong nangyari sa kanyang anak at ganun na lamang sya nito lapatanganin.

~~~~~

Kriiiing! kriiing ! Kriiiiing !

"Okay guys let's go na. By the way, kumain muna tayo ng lunch bago tayo magshopping." sabi ni Georgina na kaibigan ni Athena na isa ring maldita. 

Agad namang sumang ayon ang mga kaibigan nito. Sa kanilang paglalakad, nakasalubong nila ang tatay ni Athena na animoy gutom na at hindi pa nagtatanghalian. Sa kanyang postura, makikita sa kanyang mga mata ang layo ng kanyang nilakad at pagod na nararamdaman. May dala itong isang sako na punong puno ng kalakal at isang styrofoam na kung titngnan ay pagkain ang laman nito. Akmang lalapit ito kay Athena ngunit biglang nagsalita si Georgina.

"Hoy Athena, andito pala yung hampaslupa niyong katulong. Ang kapal ng mukha para magpakita pa dito. Eh hindi naman siya nababagay sa lugar na to" sambit ni Georgina sabay tulak sa balikat  na nagpaluha sa kanyang ama. 

"Anak heto dinalhan kita ng pananghalian, alam ko kasing gutom kana atsaka sabi rin ng nanay mo may nawawala ka daw na pera kaya naisip ko baka gipitin ka at di ka makabili ng pagkain ml kaya dinaanan kita dito" masayang sabi ng kanyang ama na tila nauutal dahil alam niyang magagalit nanaman sakanya ang kanyang anak. 

Moment by MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon