Late lunch together

139 5 0
                                    

Keen Elishie Monterey's POV

"Are you really out of your mind, how come you lost that  book !" Hindi makapaniwalang sabi nito habang tinatampal ang noo at umiiling pa.

Nandito kami ngayon sa office nya dahil oras na naman ng pagturo nya sa akin. Matapos ang klase ko kanina kay tukmol ay dumaretso muna akong cafeteria upang bumili ng makakain dahil alam kong uutusan nya na naman mamaya akong bumili  at tsaka nakakapagod kayang magpabalik balik.

Nasa second floor kasi ang office nito at medyo may kataasan ang building nila.
Yung ipinuputok naman  ng budhi nito ay yung librong ibinigay nya two weeks ago, na miss place ko kasi ito at hindi ko na maaalala kung saan ko nilagay.

Sinubukan kong  ipahanap sa bahay pati na rin sa condo ko pero wala. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanya.

"Eh misis k- este ma'am sinubukan ko  naman talagang  hanapin  kaso wala eh. Wala sa bahay pati sa condo at loob ng mga  sasakyan ko pero wala parin" paliwanag ko dito habang nilalabanan ang matatalim nitong tingin sa akin.

"Ang sabihin mo tatanga tanga ka, you know how that book cost huh, binili ko pa yun sa Greece and  limited edition! At kahit ayaw kong ipahiram sayo ay ginawa ko parin !" Madiin na pagkakasigaw nito sa akin dahilan upang makaramdam ako ng inis mula dito.

"Okay ma'am...I'll get it, bibili na lang ako ng pamalit ko so no need to shout it in my face" Mahinahong sagot ko rito. She place her hands in her chest and look directly at my eyes and sigh.

"Make sure you get another one dahil kung hindi ay  makakalbo na talaga kita". Sabi nya at tumalikod na papuntang upuan nito habang  ipinagpatuloy ang pagkalikot sa laptop nya.

Nang wala na akong matanggap na salitang dito ay  dumaretso na akong umupo sa sofa at ginagawa na din ang dapat kong gawin. Ilang oras din na walang umimik sa aming dalawa hanggang pinagpasyahan ko na itong basahin.

Tumikhim ako rito. " Ahmmm... Nagugutom kana ba? May binili akong pagkain kanina baka kasi hindi kapa kumakain, kain muna tayo". Aya ko sa kanya kaya bumaling ito sa akin. Nag isip muna ito ng ilang  sandali bago ito tumango kaya napangiti ako dito at ang inis na bumabalot sakin kanina ay biglang nawala.

"Come, eat here". Sagot nito habang inaayos ang mesa nya   kaya tumayo ako at kinuha ang pagkain sabay lapit dito. Inilapag ko duon yung mga pinamili ko  at inilabas mula sa paper bag na lalagyan nito.

Bumili ako ng  beef steaks, iced tea and a strawberry pie for the dessert, pansin ko kasi mahilig din sya neto bukod sa buko pie na ipinabili nya sakin noon. Dba may mga alam na ako sa mga hilig nya.
Inilapag ko ito sa harap nya at pinunasan yung mga plastic spoons na gagamitin namin

-syempre para safe dba .

" Let's eat na Miss- Professor"  pag iiba ko sa sasabihin ko dahil masama na naman ang tingin nito sa akin. Habang kumakain kami ay panay ang nakaw ko nang tingin dito, magkaharap kasi kami ng upo.

Ngayon  ko lang din napansin ang maliit na nunal nito sa tungki ng kanyang ilong which I find it attractive too, ang kinis ng kanyang mukha halos wala kang makikitang bahid ng pores and pimples dito -hmm ano kayang face cream ang gamit nito. I was busy mesmerizing her beauty ng tumikhim ito.

" You know it's rude staring in someone's face miss Monterey especially when your mouth is open. Baka mamaya pasukan yan ng flies" Sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin kaya agad agad kong tinakpan ang bunganga ko at kumuha ng tissue pamunas rito.

Nakita ko naman  ang bahagya nitong pag ngiti dahil sa naging reaksyon ko. Oh holy God, okay lang na araw araw akong magmukhang katawan tawa sa harapan nya makita lamang ang nakaka adik nitong ngiti.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now