Expensive Talent

144 8 6
                                    

Eli' s POV

Nandito ako ngayon sa bar ni Sachiel at umiinom. Matapos kasi ang nangyari kanina ay pinauwi ko na yung Cassandra dahil naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Nakakahiya kasi yung ginawa nya kung tutuusin lalo nat kay Miss Del Fuego nya pa inilabas ang sungay nya, without her knowing na mas mahaba sungay nong isa kaya ayan tuloy naputulan sya ng wala sa oras.

Wala ngayon si Maui dahil inaayos atta nila nina tito yung arranged marriage nya sa anak ng kompare ni tito kaya ayun yung gaga hindi nakasama, ganon talaga atta kapag anak ka ng mayaman pati aasawahin mo papakeelaman ng mga magulang mo. Buti na lang hindi ganon ang parents ko.

While si sachiel ay nasa bar counter inaasikaso yung nga drinks ng costumers, nya oh diba sya yung amo tapos tumutulong parin, palibhasa minana nya ang pagiging business minded nya sa mga angkan namin.

Samantala,hindi ko naman nakakalimutan yung nangyari kanina lallo na yung imahe ng babaeng gumugulo ngayon sa utak ko.
Grabe sobrang ganda nya sa suot nya kanina, para syang pinag halo halong version ng mga greek goddess na sila Athena, Aphrodite at Venus all in one face.

Ash blonde hair, Cupids arrow plump red lips na sobrang sarap sigurong halikan, her dark brown captivating eyes na well fitted sa baby face figure nito. Clear and white skin din sya arghhh sobrang pretty gorgeous nya. Kaya nga lang sobrang sungit.

Hindi ko namang maiiwasang maiinis at mainggit sa mokong na kasama nya kanina dahil nahahawakan sya nito at nginingitian.
Usap usapan kasi sa university na ishiniship daw silang dalawa dahil bagay sila yuck mukha nga syang tatay neto eh.

Habang umiinom ako ay may mga lumalapit sa akin parehong mga babae at lalaki pero mas madami yung mga kepyas ngunit tinanggihan ko lang ang mga ito. May isa pa ngang nag aya sa lugar nya jusko anong gagawin namin duon mag eespadahan, parang mas bet ko pa yung maglagari kung kepyas lang tong dala ko.

Dahil sa sobrang boring ko na dito sa usual table namin ay hinanap ko ang pinsan ko sa may bar counter at hindi naman ako nabigo. Nakita ko pang may mga lumalapit dito at nilalandi sya kaya wala sa oras akong napapatawa satwing ngumingiwi ito sa mga haplos sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit wala syang taste lumandi ngayong malapit na itong mag bente. Minsan napapaisip kami ni Maurice na baka balak talaga nitong mag madre o talagang madre na sya noong past life nya kaya ganyan. Lumapit ako dito at umupo sa upuang katapat ng pinaghahaluaan nya ng mga drinks .

"Hellow mah dear cousin, penge naman ako ng vodka". Sabi ko rito at ang gaga inirapan lang ako.

" Last mo na yan ah malulugi ako sayo eh. Sa susunod kapag hindi pa kayo mag bayad ng Maui na yon ipakakaladkad ko na kayo ". Sabi nya sabay abot sa hinihingi ko.

" Grabe toh...ikaw pa malulugi eh sako sako yung nakatagong kayamanan nyo, holdapin kaya kita para mabawas bawasan naman yang yaman mo". Kako habang natatawa sabay tungga sa baso ko. Umiling naman ito at hindi na nag salita.

Well ganito naman talaga itong pinsan kong ito, masyadong tahimik hindi tulad namin ni Maurice. Ulilang lubos na kasi ito at sila lolo na ang nag alaga sa kanya mula high school sya. Namatay kasi sa isang plane crash ang parents nya kaya ayun naiwan sila ng mga ito kasama ang kapatid nya. Noong matapos ang burol noon ay nagpasyang umalis ng bansa sikuya Dancel para maka move on at pamahalaan na din nila yung mga naiwang business nila tito and tita at si sachiel lang ang natira dito at ito nag pasyang magtayo ng sariling negosyo.

Malalaman nyo yung storya ng buhay nya kapag naiisipan ni author na gawan ito ng sariling kwento.

"Bakit ba lukot na naman ang gurang mong face ha?". Tanong ko rito habang patuloy parin sa pagtungga ko sa baso.

Match Made in HeavenWhere stories live. Discover now