Mag-isa lang din daw siya rito sa malaking bahay nito, maliban sa mga kasambahay na kasama, dahil ang pamilya nito ay nasa ibang bansa. Bukod pa ro’n ay nalaman ko rin na tatlumpu pa lang ang edad niya. Mas bata pa siya kay mama ng tatlong na taon.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung bakit si mama ang napili niyang maging girlfriend. Ibig kong sabihin, halata kasing galing siya sa marangyang pamilya at mukhang maraming nakakakilala sa kaniya. Halata rin na marami siyang pera kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit si mama ang napili niya.

Mahilig siguro siya sa mas matanda sa kaniya. Hehe.

Ilang sandali pa ay natapos na nga kami sa pagkain. Si mama pa sana ang magliligpit ng pinagkainan namin pero sinabihan siya ni Lucio na may kasambahay na magliligpit no’n kaya naman walang nagawa si mama.

Nasanay na kasi si mama sa gawaing bahay kaya siguro gano’n.

Tumungo na kami sa sala upang kunin ang mga gamit naming naiwan do’n. Sasamahan daw kami ni Lucio sa kwarto namin.

Habang naglalakad sa loob ng bahay ay hindi ko maiwasang mamangha. Lalo na nang makarating kami sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. Kulay puti ang hagdang ito. Napansin ko na dalawang kulay lang ang makikita sa loob ng bahay. Puti at itim. Pati mga kurtina ay kulay puti at itim.

Nang makaakyat sa taas ay mas lalo akong napanganga sa paligid. May mga painting na makikita sa pader at may apat na pinto akong nakita.

Huminto kami sa unang pinto at iyon daw ang magiging kwarto ni mama--nila. Iniwan muna namin do’n si mama dahil mag-aayos lang daw siya ng gamit kaya kami na lang ng boyfriend niya ang magkasamang maglakas sa pasilyo ng kaniyang bahay.

Huminto lang kami sa huling pinto. Binuksan niya iyon at pinapasok ako. Ito siguro ang magiging kuwarto ko.

Tumungin ako sa kasama ko at nakita kong nakangiti ito. Napansin naman siguro nitong tinitingnan ko siya kaya nagsalita ito.

“Ito ang magiging kuwarto mo simula ngayon,” nakangiti nitong sabi. Nagkatinginan pa kami kaya agad akong umiwas at nagsimulang halungkatin ang dala kong bag upang ilabas ang mga gamit ko.

“Enjoy your stay here, Ren,” rinig ko pang sambit nito pero hindi ko na lang pinansin. Nagmumukha akong walang galang pero hayaan na. Naiilang din naman ako sa kaniya. Narinig ko na lang na sumara ang pinto ng kuwarto ko kaya napatingin ako ro’n. Umalis na siya.

Hindi ko maiwasang mapahinga ng malalim at hinayaang bumagsak ang aking katawan sa malambot na kamang kinauupuan ko. Ngayon ay nakahiga na ako sa kama, nakatingin sa kisame.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano hanggang sa pumasok sa isipan ko ang nakangiting mukha ng lalaking iyon. Napakaguwapo talag--hindi!

Erase! Three times!

Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko upang mawala iyon sa isipan ko. Pero hindi pa rin mawala ang nakangiti niyang mukha kaya naman agad akong tumayo at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nilibot ko ang buong kuwarto. Kumpleto ito, ibig kong sabihin, may cr ang kwarto, may walk in closet--yayamanin talaga. At kung ano-ano pang mga anik-anik na sa loob ng isang kwarto. Pero iba talaga ‘yung loob ng banyo, may nakita kasi akong bath tub. Siyempre alam ko ‘yon.

Mukhang masarap maligo ro’n kaya naman napagpasyahan kong maligo. Inihanda ko ang sarili kong pampaligo at damit na pampalit.

Agad akong lumusong sa bath tub at nagsimulang paglaruan ang mga bula ro’n. Nagmumukha akong bata pero wala akong pakialam. Kung ano-ano ang ginawa sa bulang nasa tubig. Haha! Hanggang sa hindi ko namalayan na tumatagal na pala ako ro’n. Umahon lang ako nang mapansin kong kumukulubot na ang balat ko dahil sa matagal na pagbabad sa tubig. Agad akong nagbanlaw at nagbihis.

His Forbidden DesiresHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin