Maliban ngayon.

Ayaw ko sanang mag-asawa ulit siya kaso naaawa na ako sa kaniya kasi matagal na panahon na rin nang makita kong inuna niya ang sarili niya kaysa sa 'kin. Lagi kasi ako ang inuuna niya, mula bata hanggang ngayon. Alam kong masaya siyang kasama ako pero iba pa rin may nag-aalaga sa kaniya, Alam ko namang iyon talaga ang gawain ng isang ina-ang alagaan ang kaniyang anak. Pero kasi naaawa na ako sa kaniya dahil hindi na niya naasikaso ang sarili niya at isa pa, malaki na rin naman ako kaya hinayaan ko na.

Gusto ko rin naman siyang maging masaya eh.

At ngayon, lilipat kami sa bahay ng boyfriend niya. Ayaw ko sana kaso nagdesisyon na si mama eh, kaya ayon wala akong nagawa.

"'Ma naman kasi, bakit kailangan pa nating lumipat ng bahay kung pwede namang hindi--Aray!" Agad naman akong napahawak sa braso kong hinampas at kinurot ni mama. Hinimas-himas ko pa ito dahil bahagyang namumula. Nadouble kill ako ro'n ah. Ang hilig talaga ni mama'ng saktan ako. Huhu sakit kaya.

"Ikaw bata ka tigil-tigilan mo 'yang pag-iinarte mo, hindi ka babae. At isa pa, maganda na rin 'yon dahil malapit ang bahay na lilipatan natin sa paaralan na lilipatan mo." May point siya.

Grabe si mama, babae lang ba ang pwedeng mag-inarte? Mukhang may diskriminasyong nagaganap sa aming mga kalalakihan.

Tama si mama, lilipat nga ako ng bagong school dahil masyado namang mahirap kung mag-aaral ako sa dati kong paaralan tapos nakatira ako sa siyudad. Masyadong hassle 'yon.

Taga probinsya kasi kami dati. Sa probinsya na ako lumaki at nag-aral hanggang senior high. May paaralan naman kasi ro'n hanggang senior high at ayaw ko sanang lumipat kaso wala naman akong magagawa dahil si mama na ang nagdesisyon na ilipat ako sa ibang school. Kesyo, maganda raw mag-aral sa siyudad dahil advance raw ang tinuturo ro'n at lahat ng kinakailangan sa pag-aaral ay naroroon na. Tama naman siya. Hindi naman sa minamaliit ko ang paaralan sa probinsya pero kasi nahihirapan din akong mag-aral do'n dahil minsan walang ang librong kinakailangan kong pag-aralan kasi nga kulang sila mga school materials. Tapos mahina pa ang internet kaya minsan hindi ako nakakapagpokus sa pag-aaral.

Napanguso nalang ako sa sinabi ni mama at tumahimik na lang. Hindi na ako nagreklamo pa dahil wala naman na akong magagawa sa gusto niya. Alam ko namang magbebenefit kami kapag lumipat kami sa siyudad.

Hmp. Malaman ko lang talaga na masama ang ugali ng boyfriend ni mama ay hindi ako magdadalawang-isip na bumalik kami sa probinsya. Ang totoo hindi ko pa talaga nakikita ng personal ang kasintahan ni mama. Pero ang sabi niya mabait daw ang lalaking iyon. Pero siyempre kailangang kilatisin natin ang lalaking 'yon, hindi pwedeng basta-basta na lang tayong magtiwala. Idagdag pa na sa facebook lang ni mama nakilala 'yon at sa video call lang sila nagkikita.

Malay mo isa pala 'yong mafia boss edi lagot na.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang maramdaman ko ang paghawak ng katabi ko sa balikat ko at narinig kong nagsalita ito.

"Anak, alam kong nag-aalala ka sa akin at sa boyfriend ko. Pero anak, kilala mo naman ako, hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko--natin, kaya h'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano r'yan. T'saka mabait naman 'yon si Lucio at sigurado akong magkakasundo agad kayo." Ang litanya nito at binigyan ako ng isang ngiti. Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng ngiwi nang marinig ko ang huli nitong sinabi.

Naniniwala naman ako sa sinabi niya, alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikakasakit niya. Maliban do'n sa huli niyang sinabi, hindi ako siguradong magkakasundo kami nung Lucio'ng iyon. Hindi ko pa nga 'yon nakikita sa personal

Lucio pala ang pangalan ng kasintahan ni mama. Pangalan pa lang yayamanin na 'di ba? Magaling din si mama pumili ng lalaki--charot lang.

Sinuklian ko rin siya ng isang ngiti at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa braso ko bago nagsalita, "Alam ko naman 'yon, 'Ma, nag-aalala lang ako kasi tanga ka pa nama--Aray ko!" Agad akong napalayo kay mama nang hampasin ulit ako nito sa braso. Hobby na siguro ni mama ang paghampas sa braso ko. Hilig niya kasi akong hampasin sa braso, akala niya yata manhid ako sa sakit.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now