PART I: REUNION

100 6 4
                                    

BUM AT BONG

PART I: REUNION

WARREN

"Booong!"

"Bongbong, anak! Pakibukas ang pinto!"

Kanina ko pa naririnig na may tumatawag sa pangalan ko. Kanina ko pa rin naririnig ang pangangalabog sa pinto ng kapitbahay. Pero kung sa kapitbahay, bakit ako ang tinatawag?

Humilata ako. Nakapikit at inaantok pa. Nawala 'yung ingay ngunit sandali lamang at muli ko na namang narinig ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ko. Napadilat ako ng mga mata nang mabosesan ko 'yon.

Bumalikwas ako sa pagkakabangon at mabilis na bumaba sa salas. Nakahawi na ang kurtina habang nasa likod ng mga binata ang nakasilip na sina mama at papa. Dinouble-lock ko pala ang pintuan no'ng umalis sila kaninang umaga matapos kong mag-almusal. Tinanggal ko agad ang pagkakakandado at binuksan ang pintuan.

"Ano ba naman, Warren! Bakit naman kailangang i-double lock ang pinto?!" Si mama kong angry at pawisan na. Maliit lang at may katabaan ang mama. Maikli rin ang kanyang buhok na nagdikitan na sa kanyang nanglilimahid na pisngi dahil sa init.

Pumasok na ito na sinundan naman ng aking papa. Si mama ay may mga dalang malalaking plastik na alam mong galing Divisoria dahil sa red and white strips nito. Si papa naman may dala rin pero mas malaki ang plastik at isang malaking kahon. Ano na namang pinagpapamili ng mga ito?

"'Wag mo na kaming panoorin d'yan, Warren. Pahingi nga kaming tubig at ang init!"

Napatulala pala ako sa gilid at nakapasok na si papa. Bitin na bitin ako sa pagtulog. Pumunta ako sa may kusina kung saan naroon ang aming water dispenser. Kumuha ako ng dalawang baso na sinalinan ng malamig na tubig. Hinatid ko na rin ito sa dalawang nakasalampak sa sopa habang nakatutok ang electric fan sa kanila at nagse-cellphone.

"November na pero napaka-init sa labas!" Si mama pagkatapos uminom ng tubig. Nagpakawala pa ito ng hininga na parang pagod na pagod sa ginawa.

"Ano bang mga pinagpapamili niyo—" Napatingin ako sa kahon na nasa sahig. Pahaba ito at may mga drawing ng maliliit na Christmas tree. "Christmas tree?"

Tumango-tango ang papa nang bumaling ako sa kanya na nasa aking kanan.

"Gusto lang namin i-level up 'yong Christmas tree natin. Ang luma-luma na no'ng nand'yan." Sabi ng papa.

Ako naman ay napasimangot na lang. Iyan pala ang kanilang pinamili. Tinignan ko ang laman ng mga plastik at naroon ang kanilang mga dagdag na ornaments at may parol pa nga na malaki!

"Luma?!? Kabibili lang no'n two years ago!" Kontra ko naman. Nagpipigil ako kaya tumalikod na ako. Gumastos sila ng pagkalaki-laki para lang sa mga ganyan, eh, mayroon pa rito sa bahay na taon-taon kung gamitin nila.

"'Wag ka nga d'yan. Gusto lang namin na mapaganda ang bahay natin ngayong magpa-Pasko na ulit. Ikaw naman, anak." Ani ng mama.

"Bahala nga kayo r'yan." Nilayasan ko ang dalawa at dumiretso sa kusina.

Kumukha ako ng plato at binuksan ang kawali. Buti na lang nakapagluto na ako ng ulam kanina bago ako matulog. Nagsalok na ako pati ng kanin. Ipinatong ko muna ito sa may lamesa. Naalala ko ring kagigising ko lang at may panis na laway pa nga yata kung kaya umakyat muna ako. Bumaba akong nakapagshorts na, sandong puti pa rin, dala ang cellphone, at nakapaghilamos na.

Nakabukas na ang TV na binuksan no'ng dalawa. Nagsoscroll ako sa phone na sinasabay ko sa pag kain. Mula sa kinauupuan ko, katabi na ang salas. Inaalis na nila sa mga plastik ang pinamili. May mga pinamili rin pala silang mga damit. Mukhang nakapagpadala na ang ate at kuya sa kanila.

Bum at Bong (An LGBTQ+ Christmas Short Story Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon