Mukhang dahil nagdududa ako agad na tinaas ni Fabian ang kamay at tinawag ang manager ng shop.

"Ah! Fabian! Hindi! Hindi," taranta na sambit ko at hinawakan ang isang kamay ni Fabian sinabi na hindi na kailangan.

Pinilit ko na lang hindi pansinin tingin ng mga tao doon at pumili ng mga damit na susuutin ko.

Uunahin ko dapat iyong kay France kaso sabi ni Fabian siya na daw ang bahala kay France at pumili ako ng dress na susuutin ko.

Ang daming magagandang damit at sinukat ko lahat ng iyon. As expected— walang bumagay sa akin.

Napatitig ako sa mukha ko habang may suot na red dress. Kahit gaano kaganda ang damit kung may ganito mukha ahg susuuot— kahit pa palibutan ko ang sarili ko ng ginto imposible na ma-satisfy ako at gumanda pa.

May ilang babae ang napadaan at diretso ako tiningnan. Nakikita ko sila sa reflection at pinagtatawanan ako.

"Hey miss. Saan mo ba susuutin 'yan? Tapos na halloween," ani ng isang babae at agad ito hinampas ng kasama habang nagtatawanan.

"Babe, nakapili ka na ba ng dress?"

May dumating na dalawang lalaki at nilapitan iyong babae na nagtanong sa akin kung a-attend ako ng holloween party.

"Babe ano ba naman ito shop ng sister mo. Nagpapasok kayo ng ganiyan na tao. Nakakasira ng ambiance ng shop."

Napatingin sa akin ang lalaki then napataas ng kilay then tiningnan ang girlfriend niya.

"Costumer siya bakit hindi papasukin?" tanong ng lalaki. Agad na napatigil ang babae then tinanong nito kung kinakampihan ba nito iyong panget na tulad ko.

Gusto ko tumawa dahil doon. Napaka-nonsense naman kasi sinasabi ng babae. Nagawa pa nito awayin ang boyfriend niya.

"Pumili ka na lang ng susuutin mo tapos umalis na tayo. Huwag mo pakialaman iyong mga tao na nanahimik," ani ng lalaki. Lumingon na ako this time at lumapit sa babae.

"Bakit ka lumalapit?"

Agad ito nagtago sa likod ng boyfriend niya. Naginarte din mga kasama nito nga babae sinabi na huwag lalapit baka mahawaan sila.

"Masyado kasi malabo ang mata ko. Tsini-check ko lang kung tao ka ba talaga or bubuyog. Ang ingay mo kasi," ani ko. Namula ang babae at sasagot ito nang may sumigaw ng mommy.

May maliit na mga kamay ang bigla yumakap sa mga hita ko at nilingon ko ito.

"France?"

Agad ko kinuha si France at binuhat. Nakasuot ito ng cute na suit.

"Mommy look! I'm so handsome na ba?" tanong ni France at pinakita ang suit niya. Napangiti ako sinabi na walang pagbabago. Gwapo pa din si France.

Napatingin si France sa mga tao na nasa harapan ko. Bigla ito sumigaw ng uncle.

"France?" ani ng lalaki at napatingin ako. Tinawag nito na uncle iyong guy na kasama ng girl kanina na nilalait ako.

"Sonia? Nakapili ka na ng dress?"

Lumapit si Fabian na nakapamulsahan at napatingin din sa mga tao na kaharap ko.

"Lance? Nandito ka pala."

Lumapit sa amin si Fabian then nakipagkamay sa guy kanina.

"Long time no see. Ngayon na lang ulit kita nakita. Anyway—"

Tiningnan ako ng  guy na tinawag ni Fabian na Lance. Agad na pinulupot ni Fabian ang isang kamay sa bewang ko.

"Natanggap niyo naman yata mail ko hindi ba? Ito pala si Sonia siya iyong future wife na sinasabi ko."

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now