Chapter 7

85 0 0
                                    

MIARA never imagine this day will come, nakakain siya sa isang sikat na restaurant kasama ang kanyang gwapong boss pero heto siya nakaupo sa harap ng lalaki habang mayroong mga mamahaling pagkain nakahain sa kanilang harapan.

"Shall we?" basag ni Dion sa katahimikan. Napa-angat siya ng tingin sa kanyang boss at nahihiyang tumango. Ito ang unang beses na kakain siya sa isang mamahalin na restaurant at may kasama pa siyang lalaki, hindi lang simpleng lalaki kundi ang boss niya pang babaero.

"You should stop judging him, Miara. He is kind, kung hindi ay baka nawalan ka nang trabaho ngayon, na tulog ka ba naman sa oras ng trabaho. You should be grateful to him. Hindi ka na nga niya inalis sa trabaho, inaya ka pang kumain—"

"Miara, are you okay? Bakit na tulala ka?"

Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng kanyang boss. Mabilis siyang tumuwid ng upo at tumingin sa mga mata ng lalaki.

"Ahmm, ayos lang ako, may iniisip lang," mahinang sagot niya at tinuon ang tingin sa pagkain.

Narinig niyang nagpakawala ng malalim na hininga ang lalaki. "Mabuti kung ganun, akala ko ay hindi mo na gustuhan ang pagkain."

Mabilis na umiling siya. "No, I like the food. Thank you so much for bringing me here," maagap na aniya sabay subo. Alinlangang ngumiti pa siya sa lalaki habang ngumunguya.

"That's good to hear," parang nabunutan ng tinik sa lalamunan na sabi ng lalaki. Bahagya lang siyang ngumiti at hindi na nag-abala pang magsalita, mas pinili niyang ituon na lamang ang kanyang pansin sa pagkain. Ilang sandali pa ay tapos na silang kumain ng main course kaya't sini-serve na sa kanila ang dessert. Pigil niya ang sailing mapanganga ng makita niya kung ano ang inilagay ng waiter sa kanilang mesa. Ice cream iyon avocado ang flavor, Maganda ang paglagay ng chef sa ice cream, maging ang baso nito ay kakaiba.

"Naku, kung nandito lang mga kapatid ko siguradong magtatalon ang mga iyon sa tuwa—"

"Kung gayon ay bilhan mo sila."

Napabuka-sara ang kanyang mga labi, hindi niya kasi inaasahang napalakas ang kanyang pagkasabi sa iniisip niya. Nahihiyang tumawa siya at sumadok ng ice cream at dinala sa kanyang bibig, napapikit pa siya dahil ang sarap ng lasa ng ice cream na para bang nanunuot sa kanyang dila ang tamis at pagka-creamy nito.

"Parang gusto ko bumili nito, magkano kaya ito?" mahinang aniya pagkatapos niya lasapin ang sarap ng ice cream.

"Magkano kaya ito" tanong niya sa sarili at pinaikot-ikot ang baso para makita niya ang kabuan niyon.

"It's cost only 500 pesos," boses iyon ng kanyang boss.

"5-500?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya at nabitiwan ang hawak na baso ng ice cream.

"Ang mahal naman, dalawang araw ko nang baon iyan 'a," mahinang sabi niya na hindi man lang iniisip na nakikinig ang kanyang boss na si Dion sa kanya.

NAKATAYO na siya malapit sa exist ng restaurant, hinihintay niya kasi ang boss niya na tumungo pa sa counter mukhang may bibilhin pa ito. Hindi niya maiwasang ilibot ang kanyang tingin sa kabuan ng restaurant.

"Ang ganda ng ambiance, masarap ang mga pagkain, hindi na ako magtataka kung binabalik-balikan ito ng mga mayayaman. Ako kaya, makakaroon din kaya ng chance na bumalik ulit dito at kumain na ako lang? O mas mabuti kung may ganito din akong restaurant in future," mahinang aniya sa sarili habang nakatingin sa paligid. Naayos siya ng tayo ng magtama ang mga mata nila ng boss niyang naglalakad patungo sa kanyang kinaroonan may bitbit itong paper bag sa magkabilang kamay nito. Ngumiti ito sa kanya, kung siguro hindi niya lang alam na babaero ang lalaki at mahilig mangwasak ng pagkababae at puso ay baka nahulog na ang loob niya dito. Gwapo ito, walang duda, makasig din na gugustuhin mong makulong sa mga bisig nito kapag magkakalapit kayo. Mayaman, masarap kausap at mabait. Napailing siya bakit ba niya iniisip ang mga bagay tungkol sa boss niya? Para namang posibleng magustuhan siya nito, kung magustuhan man siya nito ay hindi pa din sila pwede, langit ito lupa lang siya.

"Here, take this home with you."

Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang sinabi ng kanyang boss at napatingala dito.

"A-Ano ito?" nauutal na tanong niya sa gulat nang binigay sa kanya ng lalaki ang mga dala nito.

"Cupcakes and ice cream for your family," sagot ng lalaki at tumititig ng diretso sa kanyang mga mata.

Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na tinaas ang dalawa niyang mga kamay.

"Hala, sir, huwag na po, ibalik ninyo na lang iyan. Sobra-sobra na pong kabaitan ang pinapakita ninyo sa akin. Hindi ko po iyan matatanggap, ako nga hu itong may atraso sa inyo 'e, dapat ako hu ang bumibili ng pagkain para sa inyo—"

"It's alright, just think that, I'm doing this because I admire your independence, good worker, student and a sister."

"Pero—"

"Just take it or else, I will be mad at you," seryosong sabi ng lalaki. Bumuntonghininga siya at tinggap ang paperbag.

"Salamat po dito, pangako babawi hu ako mamaya," mabilis na sabi niya.

"You're welcome, Miara."

Muntik na siyang matumba sa kanyang kinakatayuan ng narinig niyang tinawag siya ng lalaki sa totoo niyang pangalan. Mabilis na yumuko siya, takot na baka makita nito ang pagpula ng kanyang pisngi.

"Umayos ka, Miara! Boss mo iyan, hindi kung sino lang na lalaki kaya't kalimutan mo iyang kabaliwan mo!" kastigo niya sa sarili.

"So, uuwi ka pa muna sa inyo"

"Opo, mamaya pa namang ala una ang swimming class ko," sagot niya at tumikhim.

"Kung ganun ay hatid na kita sa inyo—"

"Ay huwag!" medyo tumaas ang boses na giit niya. Napalunok siya ng makita niyang umangat ang isang kilay ng kanyang boss.

"I mean, hindi po ba't babalik pa kayo sa opisina? Malayo po ang bahay ko rito at baka ma-late pa kayo sa mga meeting niyo. Sasakay na lang hu ako ng dyip—"

"No, I insist. Huwag ka mag-alala, I can postpone my meeting tomorrow­-"

"Hala, sir, huwag na hu. Masyado na kitang nabala—"

"No, it's okay. I want to make sure that you will come home safe."

Parang gusto niyang paikutin ang mga mata niya sa narinig. Hindi din pala makulit itong boss niya. Bumuntonghininga siya at hinayaan na lamang ito sa gusto dahil baka gabihin lang silang dalawa sa pagtatalo 'e hindi siya mananalo, mukha pa namang hindi magpapapigil ang lalaki.

A/n: Hello, its been a while, I'II be starting updating this, thank you so much sa paghihintay hoping samahan ninyo ako hanggang sa katapusan ng kwentong ito.

My Boss, My Teacher, My LoverWhere stories live. Discover now