Chapter 1

430 15 1
                                    

Paalala
Ang kwentong ito ay hindi angkop sa batang mambabasa lalo na sa nga mambabasang hindi open sa ganitong usapin. Kaya't kung maari ay inyo itong laktwan para hindi kayo makasala sa langit, salamat. -Ang inyong inosenteng manunulat, Binibining Mary.

Chapter 1

NAPA-ANGAT ang mukha ni Miara sa pagkayuko nang siniko siya ng kaibigan niyang si Erin. 

"Bakit?" walang buhay na tanong niya.

Gumiwi ito. "Hayy, para kang nalantang gulay diyan, ano ba kasi pinag gagawa mo at parang pagod na pagod ka?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa kanya.

Bumuntonghininga siya. Paano ba kasi, malapit na ang finals nila, kaya tambak na ang mga projects, outputs at kaliwa't-kanan rin ang quizzes at exam kaya heto siya ubos na ubos ang lakas pero hindi siya pwede mag-absent sa trabaho niya bilang janitress sa isang malaking company. Ang sweldo pa naman niya ang pamgamit niyang allowance at bayad sa tuition fee niya. Napabalik siya sa katawang lupa niya ng niyugyog siya ni Erin.

"Miara! Miara! Jusko ginoo! Ano nangyari sa iyo? Bakit tulala ka riyan?" natarantang bulalas nito.

Bago pa man siya makasagot na okay lang siya 'e binitiwan na siya ng bruha kaya't muntik na siya matumba buti na lang nakasandal siya sa pader. 

"Naku! Naku! Baka sinapian ka ng masamang espirito!" parang ewan na sabi nito at ng sign of cross pa sa harap niya gamit ang kamay nito.

Napatampal siya sa kanyang noo. Ito ata ang sinapian sa kanilang dalawa 'e. Napailing siya, hindi na siya nasanay sa kabaliwan ni Erin. Ganiyan talaga iyan lagi, parang akala mo nakainom ng sangkatutak na energy drink. 

"Ewan ko sa iyo, Erin, padaan nga may lilinis pa ako roon sa baba," aniya at akmang lalagpasan ang babae pero hinawakan siya nito sa may siko.

"Teka lang naman, ito naman pikon agad, gusto ko lang naman mapangiti ka, mukha ka kasing namatayan sa itsura mo," giit nito.

Bumuntonghininga siya muli. "Pasesnya na marami lang talaga ako ginagawa ngayon kaya pagod na pagod ako."

"Hay naku, lagi ka naman busy 'e." Umirap pa ito.

Hindi siya umimik kasi totoo naman iyon, maliban kasi sa pagiging estudyante at janitress ay isa din siyang Student Council President. Hindi naman kasi magawang tanggihan kasi half ng tuition fee niya'y magiging libre kapag isa siyang student officers. 

"Pero mare, hindi iyan ang concern ko ngayon."

Napatingin siya sa babae. Lumawak ang ngiti nito at kumikinang ang mga mata na animo'y may naiisip na kalokohan at sigurado siyang kalokohan nga ang iniisip nito. 

"Hay naku, Erin. Papagalitan tayo sa ginawa mo 'e. Kung walang kabuluhan rin lang ang chismis na iyan, keep it to yourself na lang at ako'y aalis na dahil may trabaho pa ako–"

"Teka naman, panigurado matutuwa ka rito," hirit pa nito at hinila siya papunta sa gilid.

Bumuntonghininga siya, katatlong beses na niya ginagawa iyon dahil sa babaeng ito.

"Ano ba kasi iyon?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.

Ngumisi ito. "Ganito kasi iyon, nakasalubong ko kaninang umaga si sir," panimula nito.

My Boss, My Teacher, My LoverWhere stories live. Discover now