Chapter 6

271 10 5
                                    

KINAUMAGAHAN, namulat ang mga mata ni Miara nang maramdam niyang tila may masilaw na bagay na tumatama sa mukha niya, idagdag mo pa, tila may matigas at mainit na bagay siyang hinahawakan. Pagtingin niya sa may kamay niya ay napakurap-kurap siya at nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa paningin niya ang gwapong mukha ng kanyang Boss. Nakapikit ito kaya't kitang-kita niya ang mahabang pilikmata nito, matangos na ilong ang mapupulang labi. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansin niyang nag-aagaw ang dilim at ang liwanag sa labas.

"Shit! Nakatulog pala ako?" bulalas niya at bumalikwas ng bangon.

Nang mahagip ng ng mga mata niya ang digital clock sa mesa ng boss niya ay halos mabale ang leeg niya sa gulat at parang gusto niya lumundag.

"Wtf! Umaga na!" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na bulalas niya.

"Ang ingay mo."

Napatingin siya sa lalaki na ngayon ay kinikusot-kusot ang mga mata.

"A-ang unfair! Bakit tila parang hindi siya galing sa pagtulog, gan'yan ba talaga ka fresh gumising ang mga mayayaman, fresh pa rin, ni walang laway o muta!" pagwawala ng utak niya habang nakatitig sa Boss niya.

"Stop staring!" saway nito nakinagulat niya.

Bigla siyang napayuko nang mapagtanto niyang may kasalanan siya rito.

"S-sir, I'm sorry if nakatulog ako kagabi, hindi ako nakapaglinis, hayaan niyo po't hindi ako uuwi ngayong umaga, maglilinis po ako at mamayang gabi maglilinis rin po ako, huwag niyo lang po kaltasan sweldo ko," mabilis na sabi niya na tila ba may humahabol sa kanya.

Matagal siyang pinagmasdan ng lalaki at mamaya ay natawa ito kaya't nanlalaki naman ang mga mata niya habang nakatitig rito.

"B-bakit po kayo natatawa?" nauutal na tanong niya.

Napahawak siya sa kanyang mukha nang mapagtanto niya baka may star pa siya sa mga mata at may laway pa sa gilid ng labi niya. Parang gusto niyang maghukay at dun ilibing ang sarili niya sa sobrang kahihiyan na nadarama niya nang mga sandaling iyon.

"Hey, are you okay?"

Napa-angat siya ng tingin at wala sa sariling tumango.

"By the way, don't feel bad, hindi ko kakaltasan ang sweldo mo, and you don't need to clean my office right now," malumanay na giit ng lalaki.

Lumiwanang naman ang mukha niya. "Totoo, sir?"

Kumurap-kurap ang mga mata ng lalaki at mamaya pa ay umangat ang gilid ng labi nito.

"Yes but on one condition."

Napawi ang ngiti niya at bigla siyang namutla.

"K-kondisyon? A-ano naman po iyon?" kabadong tanong niya.

"Hey, ba't ganiyan na lang ang reaksyon mo animo'y kakatayin kita ng buhay," kunot-noong tanong ng lalaki.

"I'm not that bad, okay? Hindi mo kailangan kabahan ng ganiyan, ganun na ba ako kasama sa paningin mo?" may bahid ng hinanakit tanong nito.

Bigla tuloy siyang na konsensya, napayuko na lamang siya.

"Answer me, Miara. Takot ka ba sa akin?" seryosong tanong ng lalaki.

Hindi siya umimik, ayaw niya magsalita baka kasi sumakit lang lalo loob nito kapag sinagot niya ang tanong.

"Hey, come on, talk to me," tila naiinip nang giit nito at hinawakan siya sa braso, kaagad naman siyang ng angat ng tingin at umatras.

Nakita niyang nasaktan ang lalaki sa ginawa niya kaya mas lalo tuloy siyang na konsensya.

"A-ano po gusto niyong isagot ko?" lakas loob na tanong niya.

My Boss, My Teacher, My LoverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant