Chapter 39

390 11 0
                                    

UNEDITED

Hurricane's POV

Nakahawak lang ako sa isang braso ni Ate Abo habang palapit kami sa kanila dito sa parking lot. Kahit alam kong andito sya hindi ko sya tinapunan ng tingin. Pero syempre nanunuod Ako sa gilid ng mata ko hmp!

Malapit na kami ng makita kong binuksan na nito ang pinto sa passenger sit nya. Nagmadali naman ako sa paglakad papunta sa backseat ng kotse ni kuya Zepro.

"You're not welcome in my car at this moment, Princess"

Masamang tingin ang binigay ko kay kuya ng hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse nya. Pero parang wala lang dito na humalik agad sa noo ni ate Abo.

"Zepro!"

Mahinang suway naman ni ate dito.

"Yes, Love?"

Lalo akong napasimangot ng kinabig lang nito sa bewang si ate Abo. Hmp! Ngumiti lang naman sakin si Ate na parang humihingi ng sorry. Kaya Wala akong choice kundi maglakad sa kotse ni Sebastian.

Nakita ko pa sa likod nya kung paanong patambang binigay ni Chester yung bag nya kay kuya Brix na natatawang sinalo lang ito. Nakakainis talaga silang magkakaibigan pag-alam nilang naiinis na lalo lang nilang iniinis pa.

"Don't touch me, Sebastian"

Nakacross arms na sabi ko dito ng magtangka itong lumapit sakin para humalik sa noo ko gaya ng lagi nyang ginagawa. Hindi ko sya tinaponan ng tingin hanggang makaupo ako sa loob ng sasakyan. Rinig ko naman ang pagbuga ng hangin nito bago umikot papuntang driver seat.

Buong byahe kaming tahimik at buong byahe din akong nakatingin lang sa unahan. To be honest nangangalay na yung leeg ko pero ayoko parin kumilos kahit kunti. Nakikita ko din sa gilid ng mata ko ang maya't mayang pagsulyap nito sakin.

Pagdating namin sa bahay inantay ko parin na pagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. Eh Basta! Galit ako sa kanya pero dapat gagawin nya parin yun. At di naman ako nabigo kase pinagbuksan nya talaga ako.

Aalalayan nya pa sana ako sa siko pero nauna na ako hindi ko rin hinayaang sya magdala ng bag ko.
Tuloy tuloy lang ako hanggang sa room at naupo sa paanan ng kama. Napapadyak pa ako ng paa dahil makalipas ang ilang minuto ay hindi ako nito sinundan. Kaya wala akong nagawa kundi magbihis nalang bago bumaba.

Habang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko sya ginugulo ang magulo na nyang buhok. Agad nagkasalubong ang aming mga mata. He looks tired.

"Sweetheart..."

Mahina at tila nagmamakaawang sabi nito pero sapat lang upang marinig ko. Napabuntong hininga nalang Ako ng tumapat ito sa dadaanan ko. May isang baitang pa man napagitan samin ay yumakap na ito sa bewang ko sumubsob sa bandang leeg ko dahil matangkad naman sya.

"I missed you today... I miss you... I'm sorry..."

Mahinang mga bulong nito sa akin tila ba pagod na pagod sya.  Agad naman akong kinain ng guilt. Pagod na nga sya nagpakachildish pa ako.

"I-I'm sorry din.."

Nahihiya ako sa naging-akto ko kaya naman niyakap ko ang ulo nya at mabagal nasinusuklay ang buhok nito. Nanatili kaming ganun sa loob ng ilang minuto.

" But still I'm nagtatampo..."

Nahinang sumbong ko dito kaya nag-angat ito ng tingin sakin. Lumabas ang ngiti sa labi nya ng makitang nakasimangot ako.

" How's your first day, baby?"

Tipid ngiting tanong nito at kinabig na ako sa bewang kaya naman napababa ako sa isa pang baitang ng hagdan. Automatic na lumapat ang labi nito sa noo ko.

"Ok lang. They're nice naman."

Sagot ko dito at sinagot ang yakap nya na lalong humigpit sakin.

"I missed you so much"

Napangiti naman ako sa bulong nito paano nga naman tatagal yung galit ko sa kanya.

"Let's watch movies later..."

Paglalambing ko dito ng habang pababa ng kami ng hagdang magkahawak ang kamay.

"You have school tomorrow"

Seryosong sabi lang nito at pinauna akong maupo sa sofa.

"Later lang naman eh. And one movie lang promise..."

Paglalambing ko ulit dito at sumandal sa dibdib nya habang nandito kami sa sofa. Pero nagtaas pa ito ng isang kilay sakin

"please..."

Pilit kong sinalubong ang dalwang mata nito at pinagtaasan ko din sya ng dalwang kilay.

"Why so cute hmm..."

Pagsukong sabi nito at bahagya pang pinisil ang ilong ko. Yumakap nalang ulit ako sa kanya kase alam ko ng I won. Tahimik lang kami dun nakasandal ko sa dibdib nya pero ramdam kong nilalaro nya ang dulo ng hair ko. Habang ako pinapakinggan lang tibok ng puso nya.

"Ate Abo!"

Masayang tawag ko dito ng pakitang palabas ito from the kitchen. Tumayo din ako para salubongin sya nagtataka man ay tinanggap nya parin ang dalwang kamay kong nakalahad sa kanya.

"May gagawin ka ba later? Hmmm... Maybe after dinner?"

Full of hope na tanong ko dito para syempre hindi sya makatanggi.

" Eh... Wala naman"

Hindi ko alam pero parang nag-aalangan sya. Pero kahit na gusto ko din sya kasama

"We'll watch movie kase later sama ka na please. Let's watch horror movie! Isn't that exciting?!"

Tumalon talon pa akong habang hawak ang dalwa nyang kamay.

"Horror?"

Nakangiwing tanong nito na tinangoan ko lang ng dalwang beses habang nakangiti.

"Si-sige tanong ko nalang di si Zepro kung gusto nya sumama. Hehe"

NapaYes nalang Ako sa isip ko.

"Ok! See you later."

At saka bumalik na ako kay Sebastian na nakaupo parin sa kamang iiling uling.

"Horror huh."

Nakangiwing sabi nito sakin kaya tinaasan ko lang sya ng isang kilay na bahagya nyang kinatawa at hinatak na ulit Ako paupo sa tabi nya.

Ashley's POV

Dinner na at tumutulong Ako sa paglalagay ng mga plato dito sa mesa ng may biglang humalik sa balikat ko na bahagya ko pang kinagulat.

"It's me."

Malabig na boses galing likod ko kasabay ng pagpulupot ng dalwang braso sa bewang ko. Agad naman akong napatingin sa paligid kung Meron bang ibang tao. At nahiya Ako ng makitang nakangiting masulyap sulyap samin ang ibang sambahay. Kaya naman humarap ako kay Zepro at hinatak sya palabas  sa backdoor dito sa kitchen para walang ibang tao.

"What is it?"

Kunot noong tanong nito sakin.

"Nag-aya kase si Cane manuod ng movie after dinner."

Simulang kwento ko dito nakikinig naman sya sakin pero busy ang kamay nya sa bewang habang bahayang humahakbang palapit hanggang mapasandal ako sa pader.

"Hoy, nakikinig ka ba?"

Pinadyak ko pa ang isa kong paano para makita nyang naiinis ako.

"A movie and?"

Seryoso paring tanong nito bago nagpakabisi naman sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit na labi nitong paulit ulit lumalapat sa leeg ko.

"Sama ka please. Horror daw kase papanuorin"

Sagot ko dito at bahagya pang hinila ang tela ng damit nya sa bewang nitong kinakapitan ko.

"Tsk. That brat"

Malamig na sabi nito sa leeg ko pero ramdam ko ang init ng hininga sa balat ko.

Mr.Grey's ProgeniesWhere stories live. Discover now