Chapter 18

2.8K 87 0
                                    

UNEDITED

Hurricane's POV

"I missed you all so much."

Sabay pa kaming napatingin ni mommy sa pinto mg kitchen dahil sa nagsalita.

"Zy Baby!/ Kuya Zymon!"

Sabay pa naming sigaw ni mommy agad akong tumakbo palapit dito. Si Mommy kase tatakbo na din sana pero pinigilan ni Dad. Patalon akong yumakap Kay Kuya para pati hita ko naka pulupot sa bewang nya.

"I miss you so much Kuya!"

Saka tatlong beses ko siyang hinalikan sa pisngi natatawa tawa lang.

"Awww... Ang sweet naman ng Prinsesa namin"

Agad akong napatingin ulit sa bungad ng pumasok sila Tita Sam at Tito Zyrus. Kaya Naman agad din akong bumaba kay Kuya Zy para yakapin din sila tita.

"Tita Sam Ko!"

Humalik ako sa pisngi nito saka humarap Kay Tito Zy.

"Tito I miss you din po. Karga please.."

Nakapuppy eyes na pakiusap ko dito nakangiting bunuksan naman nito Ang mga bisig nya. Agad naman akong patalon na dumamba dito upang mabuhat nya.

"Bumigat na ang Prinsesa namin ah. Dalaga na kase Hindi na dapat nagpapakarga."

Nakangusong hinarap ko ito habang karga parin ako.

"Si Kuya Zymon nga po Hindi sinabi yan!"

Pagmamaktol ko dito na kinatawa nila pati si Kuya Zy.

"Hi girlfriend."

Pagbati ni Kuya Zymon at humalik sa pisngi ni Mommy kahit masama tingin ni daddy sa kanya.

"Don't mind what your tito Zyrus said Princess, tumatanda na kase Kaya humihina."

Natawa ako sa sinabi ni Tita Sam na di sinangayunan ni Tito na umingos habang buhat parin ako papunta sa sofa. Bumaba din Naman ako agad ng nasa sofa na kami.

"Bakit po andito agad kayo? Dapat po after two hours pa."

Pagtatanong ko sa mga ito at tumabi kay Kuya Zymon.

"Kase Alam kong hindi na magiging surprise ito. Meron kase kaming Prinsesang witch"

Sinamaan ko Naman ng tingin si Kuya Zymon sa pagtawag nito sakin ng witch.

"Pero kahit na po! Hindi po dapat mababago Ang nakita ko!"

Tugon ko dito dahil Yun Ang totoo mangyayari Ang mga bagay na makikita Kong mangyayari at dapat mangyari.

"I'm a vampire Royalty you know."

Lalong sumama ang timpla ko sa sinabi nito.

"But I'm a Royalty too!"

Nagpapadyak pa Ang mga paa ko sa sahig.

"Yes you are, and you're strong it's just that I'm still stronger than you."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nito.

"Don't ruin her good mood Zymon"

Sabi ni Kuya Zepro na kakadating lang saka tumabi sa akin.

"Oh I'm sorry Princess. Ayoko lang na baka pagsinabi naming Alam mo na lahat Hindi kana magpababy samin."

Malambing na Sabi ni Kuya Zymon na agad Kong kina ngiti.

"Ikaw na nga lang nagbaby sakin Kuya Zymon eh. Kase mga kuya ko may mate na Kaya Doon nalang sila lage."

Kunyaring malungkot na Sabi ko saka sinulyapan ko pa sa gilid ng mata ko si Kuya Zepro.

Mr.Grey's ProgeniesWhere stories live. Discover now