Chapter 25

1.9K 69 0
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

"Hmm... Una na po kayo. Kukunin ko lang po yung cellphone ko."

Sabi ko sa mga ito nasa side table kase ni Hurri ang cellphone ko naregalo pa sakin ni Nay Flame noong birthday ko.
Inantay ko muna sila magsimulang maglakad bago ko kunin yung phone ko.

Habang naglalakad sa pasilyo mahigpit ang hawak ko sa phone ko kase sa di malamang dahilan kinakabahan ako. Baka kase pagbaba ko mafeel ko na di pala ako belong. Baka di ko kayang sumabay dito di ko alam bakit ba ang daming imbetago ngayon. Doon kase sa malapit sa garden merong malaking pavillion para sa mga ganitong event. Di ko nga alam minsan kahit walang okasyon ang daming tao dun na parang nagmemeeting sila.

"Ayan na po Kuya."

Napansin agad ako ni Hurri habang pababa ng hagdan. Nasa baba na sila at parang inaantay ako kaya medyo nahiya naman ako. Nagmoment moment pa naman ako bago magpasyang bumaba nag-aantay pala sila.

Hahakbang na sana ako sa unang baitang ng hagdan mula dito sa taas pababa ng hindi ko namalayang kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko ay ganun din kabilis ang bigla nalang pagsulpot si Zepro sa paanan ng hagdan.

Seryosong sinalubong agad nito ang mga mata na parang gusto kong nalang tumakbo pabalik at magkulong sa kwarto. Parang nanghihina bigla ang mga tuhod ko. Hindi naman sa nag-aassume ako pero nakasuot kase sya ng 3 piece suit na Sky blue na bagay sa suot ko.

Pero alam kong masnakakahiya kung babalik ako kaya kahit pa nanlalambot ako pinili kong humakbang nalang ulit pababa. Hindi nya inaalis ang tingin sa akin kaya ganun din ako. Agad nyang nilahad ang kamay nya ng malapit na ako sa kanya.

"He-Hello po... Happy Birthday, Honey"

Kahit nahihiya at kinakabahan dahil subrang lakas ng tibok ng puso ko ay nakuha ko parin syang batiin.

"Thanks. You look beautiful, A"

Walang ngiting sabi nito pero hindi naman sya mukhang nagsusungit at kulang nalang siguro himatayin ako ng halikan nito ang likod ng palad kong hawak hawak nya.

"I knew it. Magugustohan si Kuya ang ayus nya"

Pagmamalaki ni Hurri dahil na rin siguro sya ang bumili at pumili ng suot ko ngayon. Magkakapares kaming pumunta sa malawak nila pavillion kung saan nagaganap ang party. Ang daming taong may iba't ibang suot na magagarang damit.

Inalalayan akong maupo si Zepro sa lamesang nakalaan para sa grupo namin. Pero umalis din sya agad dahil tinawag sya ni Tay Zeus para na rin mawelcome ang mga bisita nya. May naganap ding maiksing program at mga pagbati ng kanyang pamilya sa kanya.

Nagsimula na magkainan pero di ako makatayo sa upuan ko kase ewan ko ba. Naiilang ako parang maynanunuod sa galaw ko. Baka tinitingnan kung magbabalot ako ng pagkain pauwi. Inalok naman ako nila pero sabi ko nalang mamaya na ako. Sa loob nalang siguro ako kakain mamaya nakakahiya sumubo dito.

Hanggang sa tila tapos na kumain yung iba biglang nagplay ng sweet song. Kita kong tumayo si Kuya Zack at inayan magsayaw si Ate Chloe. Hanggang sa nasa gitna na sila ng dance floor nasa kanila lang yung mga mata ko. Ang sweet talaga nila tapos subrang bagay pa sa isa't isa nilalapit pa nila ang mukha sa isa't isa kase may pinag-uusapan yata. Lord naman bakit hinahayaan nyong mainggit ako sa mga magjowa dito.

"Ash, Can I have this dance?"

Nagulat ako nalibang na pala ako kalalaro sa table napkin dito at tapos ng sumayaw sila Ate Chloe at ngayon ay inaaya akong sumayaw ni Kuya Zack. Tumingin ako kay ata Chloe para tingnan kung ok lang ba sa kanya. Tumango naman ito pero parang ako yung may ayaw kaso lang nakakahiyang tumanggi kaya sumama na din ako.

"You haven't eating yet."

Pahayag nito ng nasa gitna na kami at nagsasayaw nilapit pa nito ang mukha nya sa may tainga ko para marinig ko ang sonasabi nya.

"Mamaya nalang siguro kuya di pa naman ako gutom"

Balik na sagot ko dito habang patuloy kaming sumasayaw kahit mataas na ang suot ko ay medyo nag tiptoe parin ako kase matangkad sya. Buong isang tugtug nag-uusap lang kami tungkol sa pag-aaral ko.
After one song akala ko titigil na kami pero tuloy parin si Kuya sa pagsayaw sakin kahit natira na kami sa gitna. Hanggang sa nagpalit na ulit ng panibagong sweet na kanta.

"Do you like me Ash?"

Nagulat ako sa out of nowhere na tanong ni kuya sinalubong ko ang mata nito para sana tingnan kung seryoso sya. At seryoso nga nga.

"Po? Syempre naman kuya. Para ko na kayong kapatid."

Nakangiting sagot ko dito na di kalaunan ay ngumiti din si Kuya at kahit nagsasayaw kami ay nagawa nya paring bahagyang gulohin ang buhok ko gamit ang isang kamay nya.

"Lagot ka kay Ate Chloe ginulo mo buhok ko. Sya nag-ayus nyan"

Nagtawanan nalang kami sa sinabi ko. Kaya ang ending silang dalwa naman ni Ate Chloe ang naging topic ng usapan namin. Iniisip ko nga sana hindi nagseselos si Ate Chloe samin kase nakakadalwang tugtug na kami.

Matapos ang pangalawang kanta naiwan na naman kami sa gitna. Akala ko aalis na kami pero nagpalit na ulit ng panibagong kanta tuloy parin kami. Napayoko nalang ako ng magpalakpakan ang mga tao na nakatingin samin. Rinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kuya Zack. Bakit kinakabahan ako sa tawa nya na yan?

After magpalakpakan akala ko back to normal nalang pero wala ng ibang sumayaw pa. Lahat sila nanunuod nalang samin. Jusko! Baka akala pa nila magjowa kami hindi din ako makatingin sa gawi nila Ate Chloe dahil nahihiya ako sa kanya.

"Do you like my brother?"

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko sa pag-iiba bigla ng tanong nito. Halata ba yung feelings ko? Mukha ba akong malandi nun? Hindi ako makasagot sa tanong nya parang nabarahan yata ang lalamunan ko. Hindi ko na din magawang tumingin sa mata nya dahil alam kong pinag-aaralan nya ang reaction ko.

"Alam mo bang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko ngayon?"

Natatawang sabi ni Kuya Zack habang patuloy kami sa pagsayaw. Ano daw?  Bingit ng kamatayan?

"But it's ok as long as magiging successful ang plano ni Chloe. And I think everythings going to plan naman"

Umiiling iling na sabi nito. Nagugulohan ako sa pinagsasabi nya. Anong plano?

"Anong plano ba- Kuya!"

Di ko mapigilang mapasigaw ng sa isang iglap nakatumba na sa sahig si Kuya Zack. Pumutok ang labi nito sa lakas ng suntok ni Zepro.
Marami ding nagulat at napatayo lalo na si Ate Chloe na di ko alam kung paanong nakapunta agad sa tabi ni Kuya Zack nakaupo parin sa sakin.

"Oh my God, Babe!"

Nag-aalalang sabi nito. Anong nangyayari bakit bigla nalang nanununtok si Zepro?

"F*ck you!"

Sigaw pa ni Zepro sa kapatid nya at susugodin pa sana pero nahawakan ko naman sya sa braso.

"Tama na po. Wala naman atang ginagawa sayo si Kuya Zack"

Pigil ko dito di ko alam kung tunog galit na din ba. Nakakagulat lang kase bigla bigla nalang. Lalapit na din sana ako kay Kuya Zack ng bigla akong hilahin nila.

"I'm so mad right now!"

Subrang lamig na sabi nito habang kinakaladkad ako. Hindi naman sya sumisugaw pero alam mong galit. Sakin ba sya galit?

Mr.Grey's ProgeniesWhere stories live. Discover now