CHAPTER 4

5 2 6
                                    

Eros' POV

"Wala ka pang isang linggo sa academy na-detention ka na.", kanina pa sermon ng sermon si Kuya Silvester samin, wala raw kasi yung Student Council President kaya siya yung nandito.

Nakayuko lang kami ni Jhon habang nagpupuyos sa galit ang Headmaster.

"Sinabi ko na nga ba. Mali na sinama ko sa'yo si Eros, Jhon. Bakit ba kasi ayaw pang pumayag ni Winslet? I-sumbong ko kaya siya kila Mommy. Ay! 'Wag na pala baka panain ako nun sa puso.", parang nababaliw na si Kuya Silvester. Kawawa naman siya.

Napaupo na lang siya saka niya ginulo ang sariling buhok.

"Hay! Ang kukulit niyo. Lumayas na nga kayo sa harapan ko. Hindi ko na maaatim ang pagmumukha niyo sa susunod na mga oras."

"Sige po Headmaster. Mauna na kami.", magalang na pagpapaalam ko saka ko kinaladkad si John patayo.

"Oo at huwag na huwag na kayong babalik dito. Ayoko na ulit makita 'yang mga pagmumukha niyo.", inis na inis na talaga samin si Kuya Silvester.

"Sige po, Headmaster! Babalik na lang po kami dito kapag yung Student Council President na ang bantay sa detention.", malokong sabi ni JD saka ako hinatak palabas dahil sa biglaang paglalabas ni Kuya Silvester ng electric bolt niya. F*ck! Muntik na ko dun.

"Gag* ka talaga! Papatayin mo ba ko?", bulyaw ko sa kanya. Siraulo 'to nakalimutan niya ata na wala akong kapangyarihan. "Nakalimutan mo bang wala akong kapangyarihan?"

"HUH? Eh paano mo nagawa yung sa room kanina? Kung wala kang kapangyarihan hindi mo magagawa yun o tinotalkshit niyo lang ako ng headmaster na wala kang kahit anong ability?", Ano bang pinagsasasabi nito? Wala naman talaga akong kapangyarihan.

"Bobo! Ikaw may gawa nun. Naglabas ka ng watershield diba kaya siguro nagkaroon ng malakas na impact."

"Huh? Anong ako? Ano bang pinagsa-", hindi ko na pinatapos si JD sa sinabi niya kasi hinatak ko na siya papuntang cafeteria. Grabe! Gutom na gutom na ko maglulunch na pala, hindi pa naman ako nag-breakfast.

"Saan ka ba pupunta?", hatak-hatak ko lang siya papunta sa kung saan.

"Caf."

"Tipid mo naman sumagot.", inakbayan niya ko sabay sabing, "Tara na nga bespren, t*nga mo talaga. Sa opposite side yung papuntang cafeteria."

Binatukan ko siya matapos niya akong sabihan ng t*nga. Napaka talaga nito, maka-t*nga wagas.

Namamangha pa rin ako sa cafeteria nila kahit galing na ako dito kahapon kasi dalawang palapag yun. Tapos may countertop sa harap na may iba't-ibang klase ng pagkain. Busy ako sa pagpili ng pagkain nang bigla akong kalabitin ni JD.

"Oh?"

"Sungit mo naman. CR lang ako, Bro."

"Bakit ka sakin nagpapaalam? Hawak ko ba yung inidoro."

"Siyempre baka mag-panic ka kapag nawala ako sa likod mo. Mahal na mahal mo kaya ako.", Yuck! nababading na naman siya.

"Tsk. Lumayas ka na nga.", pagkasabi ko non, kumaripas na siya ng takbo palabas. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng pagkain.

Mayroon sinigang, kanin, mansanas at apple juice sa tray ko. Libre lang pala ang pagkain dito, parang nasa buffet ka pa.

Luminga-linga ako sa paligid at naghanap ng bakanteng mauupuan. Sakto naman at nakita kong may bakante pa kaya lang nasa may pinakagitna katapat ng mesang 'to yung mga maaangas na lalaki.

Habang naglalakad ako papunta sa napili kong upuan para sa amin ni JD, hindi ko maiwasang mailang sa tingin ng mga taong nasa paligid ko. Mayroong masasama ang tingin na galing halos sa mga kalalakihan, may mga malalagkit ang tingin, may mga nagpapantasya at may mga nagtataka pero higit sa kanilang lahat SIYA ang pumukaw ng atensyon ko dahil kagaya sa classroom kanina wala na naman siyang pakialam sa existence ko.

Beyond the Red GateWhere stories live. Discover now