Chapter One

18 4 0
                                    

Chapter One: First Encounter

"Excuse me, pwede kang ma interview? Para lang sa survey."
Napatigil ako at napatingala sa senior high school na nasa harapan ko.

Naka-upo kasi ako.

My jaw dropped. A-ang ganda.

"Excuse?" Pag-uulit niya kaya napatayo na ako.

I cleared my throat. "Oo naman!"

Napangise siya. "Can I have a name?"

"Cade"

"Last name?" Tanong niya at tinignan ako sa mata. Medyo napaatras ako ng kunti dahil kinabahan ako.

"Lopez" sagot ko sa kaniya.

"Nice name" Papuri niya at umupo sa upuan kung saan ako umupo kanina.

Syempre...baka nga lastname mo na Yan sa susunod.

"Anong gusto mong career in the future?" Tanong niya ulit at tumingin saakin.

Ikaw hihi.

"Hindi pa ako sigurado eh" Sagot ko at gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Para yata akong tanga.

"Pero may naiisip ka?" Tumango ako.

"Architect" Sagot ko at ngumite siya.

"Nice one. Personal choice mo ba?"

Tumango ako. "Oo" personal choice naman talaga kita.

"Yun! Thank you!" Tumayo na siya at umalis sa harapan ko. 'Yun na? Tapos na? Naman oh!

Naiwan akong tulala habang siya ay nag-iinterview pa sa ibang istudyante. I sigh upon sitting again in the chair.

Sino kaya yun? I didn't have the chance to ask her name. Tsk.

Pero kung tatanungin ko naman siya, she'll think that I am weird, right?. Kaya kalma muna ang posture ko ngayon. But I will make sure I won't let her out of my hook!.

Pero...

Senior na siya eh. Baka may boyfriend na 'yon? Aish!. Naiisip ko palang parang nanghihina na ang buong katawan ko.

"Cade" Sulpot bigla ni Caroline. Napangiwe ako. Kaklase ko siya at alam kong may gusto siya saakin. Maganda siya pero... Napatingin ulit ako sa babae kanina pero medyo malayo na siya saakin.

"Bakit?" Ibinalik ko ang tingin kay Caroline.

"Para sa'yo nga pala" sabay abot ng isang box.

"Ah. Wag na, sa'yo nalang yan. Salamat" I smiled lightly at kaagad na tumayo.

Maganda ka pero...siya talaga yung gusto ko eh.

Naglakad na ako papaalis doon at pumasok na sa room. I smirked when I saw Lawrence. Patay ka saakin ngayon.

Kinuha ko ang walis tingting at hinagis sa kaniya. Boom! Headshot!

"Cade!!" Inis na sigaw niya at hinabol ako kaya mabilis akong lumabas ng classroom. Tawa-tawa akong lumabas habang tumatakbo siya papunta saakin.

Naabutan niya ako at bigla niyang binatukan. "Siraulo ka talaga"

Ngumise lang ako pero napatigil siya. "Si Caroline...umiiyak yata?" Sinilip niya pa yung kahoy kung saan ako galing kanina.

I shrugged. "Ewan ko"

Sinapak niya ako sa balikat bigla. "Tado! Ikaw may kasalanan no?"

Napanganga ako bigla. "Woah! Umiiyak lang ako kaagad may kasalanan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

He shrugged. "Ikaw naisip ko eh. Tsaka baka isumbong ka niyan sa kapatid niya sa senior high, balita ko kasi nakakatakot yun."

Napakamot ako sa batok ko. "May kuya siya sa senior high? Pake ko naman? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya."

Binatukan niya ako. "Masakit. Nakakadawala kana" banta ko.

"Siraulo. May ate yun sa senior high. Si? Ayon!" Biglang turo niya kaya sinundan ko ng mata ang kamay niya.

Napatigil ako... Yung babae na nag interview saakin? What a small world.

"Si Ate Candid!" Lawrence

I smiled. Candid? Hehe.

"Pero bakit kaba nakiki-ate?!" Singhal ko. Importante bang mag ate sa kaniya dahil Senior High siya?.

"Kasi... Masama daw ugali niyan eh."

"Ano ngayon? Don't judge a book by its cover." Explain ko sa kaniya.

Napakunot ang noo niya. "Kinakampihan mo ba si Ate Candid? Hindi mo pa nga kilala 'yan eh. Hindi mo ba alam na may sinuntok yan sa grade 10?"

Napanganga ako. "May sinuntok sa grade 10?!"

Tumango siya. "Yes!"

Kakaiba talaga yung babaeng 'yon. Maganda na nga cool pa.

"Wag mo siyang kakampihan ha? May sa demonyo daw kasi yang babaeng yan." Nag arte pa si Lawrence na parang kinikilabutan.

"Mukha mo"

Tiningnan ko ulit si Candid pero napakunot ang noo ko ng may kasama na siyang lalaki.

Boyfriend niya ba 'yon? Bakit niya pinapayongan si Candid?

"Pero seryoso, wag kang lalapit diyan." Banta ulit ni Lawrence.

Napatingin ako sa kaniya. "Dahil...crush ko siya eh" tapos ay ngumite siya habang nakatingin kay Candid.

"Siraulo kaba?!" Sigaw ko sa kaniya.

Ngumise naman siya. "Siguro."

"Bakit mo siya gusto?!" Singhal ko.

He shrugged. "Gusto ko siya eh bakit ba? Angal ka? Bakit gusto mo rin ba siya ha?" Sigaw nito saakin at aambahan ako ng sapak.

"Hindi! Hindi ko siya gusto! At wala kang pake kung may gusto ako sa kaniya o wala!" Singhal ko pabalik sa kaniya binatukan siya.

"Good! Dahil gusto ko siya! Kaya maghanap ka ng iba! Doon ka kay Caroline tutal gusto ka naman non! Wag kang lalapit kay Ate Candid dahil girlfriend ko na sa susunod yon!"

Natigilan ako. Anong girlfriend? Siraulo!.

"Anong girlfriend ha?!" Sinapak ko siya sa balikat.

"Wala ka ding pake! Ako lang pwede magka gusto sa kaniya! Period!"

"Tignan mo yon!" Turo ko sa mushroom na naglalakad sa gitna ng field.

"Anak ng... Sino yan?!" Sigaw niya at astang pupulot ng bato. Siniko ko siya dahil sa pag o-overreact niya. Parang bakla. Tch.

"Akala ko ba gusto mo siya?! Bakit hindi mo kilala yan?" Takang tanong ko.

"Si ate Candid naman yung gusto ko hindi yang impaktong yan!"

"..." Sabi ko nga.

"Aish! Nag-ooverthink na tuloy ako! Basta wag kang magkakagusto dun kung ayaw mong lagyan ko ng bato yang bag mo!"

Tinignan ko siya. "Subukan mo nang matapon ko baunan mo sa basurahan!" Singhal ko at umalis na para bumalik sa room.

Ang sakit sa mata ng mga mushroom ngayon. Akala ko ba kung maulan lang lumalabas ang mga yan bakit pati ngayong mainit ang panahon!.

"Hoy, Cade! Bumalik ka dito!" Rinig ko pang sigaw ni Lawrence pero nagmistula akong bingi at bumalik sa room. Dinaanan ko nalang si Caroline na umiiyak sa gilid.

Ang OA talaga ng babaeng to. Umiiyak nang walang dahilan. Tsk tsk. Babae nga naman.

CandidWhere stories live. Discover now