Christening

21.4K 485 6
                                    

Yumi's POV


I think I am blessed for having a loving husband and two cute babies. Bago sumapit ang araw ng binyag ng dalawa naming anak ay umamin sa akin si Raniel na mahal na daw niya ako. Hindi pa ako sumasagot sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya . Humahanap kasi ako ng magandang tiyempo. Hindi ko masabi pero sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon.

Idinaos namin ang baptismo sa simbahan dito sa loob ng subdivision at gaganapin sa isa sa mga hotel nila Shaun ang reception. 

Laking tuwa ko ng dumating din ang Tita Ara ko at ang dalawa kong pinsan na sina Nathan at Samantha from Sweden. Sumunod sila kina Tita Aria, Tito Apolloat Kirsten na nauna lang ng dalawang araw.

Ang isa sa kababata ni Shaun na si River Syndergaard ang nag-sponsor ng mga pagkain ngayon. Isa pala itong kilalang chef at nagmamay-ari ng mga tanyag na restaurant dito sa bansa at sa Asya. 

Si Kaifer naman ang sumagot ng mga inumin . Bukod sa matalik na kaibigan ito ng aking asawa ay isa ito sa nagmamay-ari ng Norton Contruction company at mga kilalang bar sa Pilipinas.

Pumayag naman si Charles na magperform kasama ang banda . Pihadong maraming kababaihan na naman ang kikiligin.

Si Albie naman ang sumagot ng host at mga mangangasiwa sa okasyon. Si Daniel naman ay nagbigay na lamang ng malaking halaga. Wala kasing kahilig hilig sa pagprepara ng ganitong okasyon ang doctor na ito.

Marami kaming kinuhang mga ninong at ninang. Sila ay sina Shaun, Kirsten, Samantha, Nathan, Kaifer, Aerriel, Merriel, Daniel, River, Albie, Charles, Charlotte at Alaina. 

Marami ang nagsipagdalo. Kasama na rin ang mga loyal na tauhan ni Raniel sa Manufacturing company nito at mga kilalang doctor ng Tan hospital.

Lumapit sa aming mag-asawa si Shaun na may kasama na pamilyar na pamilyar sa akin. 

Agad na bumati sa amin si Shaun at pinakilala ang kasama. "Yumi, remember Deaver? " 

Agad akong tumango. Humarap ako kay Deaver at masayang naglahad ng kamay na tinanggap naman nito. "Hi Deaver! Its been a long time. You're still handsome as ever." 

"Thank you Yumi. You're still stunning as ever too." Nakangiti nitong sagot.

"Hmm." basag ni Raniel sa batian namin. 

Nakangiting ipinakilala ni Shaun si Deaver kay Raniel. "Raniel, this is Deaver Holmes . Deaver this is Raniel Tan - husband of Yumi."

Agad na nakipagkamay si Deaver kay Raniel.

"Deaver is owner of Holmes Shipping lines. " wika pa ni Shaun. Maraming kakilalang business magnates si Shaun pero bihira ang kaibigan at kalapit talaga nito. At sina River at Deaver ay kabilang sa mga iyon.

"Wow. The famous shipping lines magnates . Nice to meet you pare. thank you for coming." wika ni Raniel.

Ang mga businessman talaga, kilala ang kapwa businessman.

Ipinakilala din ni Shaun si Deaver sa mga kaibigan at hindi na kagulat gulat na kilala nga ng mga ito si Deaver.

"Mas guwapo naman ako sa Deaver na yun. Wag mo ng sundan ng tingin." bulong sa akin ni Raniel.

Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso kasi ito habang kaharap si Deaver kanina. "Are jealous honey?" tanong ko sa kanya ng pabulong.

"Of course i am. I dont want my wife attracted with another man." mabilis na sagot niya na ikinatuwa ko.

Humawak ako sa braso niya at nagsabi. "Wag ka ng magselos honey. You are the most handsome guy for me." 

Dahandahang lumabas ang ngiti nito mula sa labi. "Talaga honey?"

ONE NIGHT STAND with RANIELWhere stories live. Discover now