Raniel Clark Tan

31.9K 572 5
                                    

Si Raniel ay ang isa sa mga anak nila Claire Yu at Gabriel Tan na kapwa Filipino-Chinese na naninirahan sa Pilipinas.


Si Raniel ay may tatlong kapatid, si Daniel na kanyang kakambal at ang kambal pa na sila Aerriel at Merriel.


Siya ang mas tahimik at may pagkasuplado samantalang si Daniel ay palangiti. Siya ay nagtapos ng Medical Technology sa Oxford University at piniling magtayo ng isang medical equipment manufacturing company. Pinaubaya na niya ang pamamahala ng kanilang ospital kay Daniel na isang surgeon. Dahil tanyag sa medisina ang kanilang angkan ay agad ding nakilala ang RCT Manufacturing company na kanyang pagmamay-ari.


Sa kasalukuyan ay nagsusupply na ang kanyang kumpanya ng iba't ibang medical equipments sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa iba pang parte ng Asia. Isang tagumpay ito sa kanya kaya sa edad na dalawampo't tatlo ay isa na siyang matuturing na bilyonaryo ng Pilipinas.


Pili lamang ang mga naging kaibigan niya at iyon ay ang mga anak ng mga kaibigan ng mga magulang nila na kapwa nakatira sa subdivision na kanilang kinalakhan. Si Kaifer, ang matalik niyang kaibigan (pamangkin ni Mike - TBGS Batch I-3) . Sina Albie (anak ni Liam - TBGS Batch I-2), Charles Andrei (anak ni Mike - TBGS Batch I-3) at Shaun (anak ni Apollo - TBGS Batch I-4).



ONE NIGHT STAND with RANIELWhere stories live. Discover now