Birth

20.5K 501 6
                                    

Yumi's POV


"Ah..." Bigla akong nakaramdam ng sakit. Pero ipinagsawalang bahala ko. Lumakad ako patungo sa may pinto upang pagbuksan ang kumakatok. Nasa kusina kasi si manang. Si Raniel naman ay pumasok sa opisina. Ayaw na sana niyang pumasok pero pinilit ko. Matatambakan kasi ito ng trabaho kung sakali, may bagong tayo pa man din itong branch sa may Cavite atr sa isang lingo pa naman kasi ang due ng panganganak ko .

"Hay sissy mabuti at pinagbuksan mo na ako." nakasimangot na bungad sa akin ni Aerriel. 

"What's with that face?" tanong ko sa kanya. Mukhang badtrip kasi ito. Marahil nag-away na naman sila ni Kaifer.

"That kumag is so nakakainis!" reklamo nito.

Medyo nangiti ako. Hindi kasi alam ni Aerriel na nasa likod na nito si Kaifer. Halatang sinundan ito patungo dito sa bahay.

"Hay Yumi itong hipag mo oh, ako pa ang nakakainis ngayon. Kasalanan ko ba kung marami ang nag-iinvites sa akin sa ginawa niyang facebook?"reklamo sa akin ni Kaifer ngunit nakangiti,

"Aer?" tawag ko sa hipag. Bahagya lang itong lumingon. Tumuloy ito agad sa may living room at umupo. Nakadekwatro ang paa. 

Dahandahan akong lumakad patungo dito at naupo. Nakaramdam ulit ako ng kirot sa aking tiyan.

"You should not accept their friend request , you know!" wika ni Aer kay Kaifer sabay irap dito.

Muling kumirot ang aking tiyan and this time napahawak na talaga ako sa tiyan. 

"Kutong -.......Yumi?" natigilan si Kaifer sa pagsasalita ng mapansing nalukot ang aking mukha. 

"Ahhhh!" daing ko. Habang tumatagal lalong sumasakit. Napatingin na rin si Aer sa akin.

"Yumi? Are you alright?" tanong sa akin ni Aer, nakalapit na ito sa akin.

"KL naman.Nagtatanong ka pa eh kita ng she's in pain. " wika ni Kaifer. 

"I will call an ambulance. I think naglelabor ka na sissy." agad na dinampot ni Aer ang cellphone niya.

Sinaway ko siya. "Get me to the....ahhh, hospi-tal." nahihirapang pakiusap ko sa dalawa.

Narinig marahil ni Manang ang nangyayari kaya lumapit agad ito.

"Naku manganganak ka na ineng.Teka kukunin ko yung hinanda ni Sir Raniel na gamit niyo." paalam ni manang at nagmadaling kunin ang bag namin sa taas.

"I'll get the car. My KL samahan mo muna si Yumi." nagmamadaling wika ni Kaifer. 

Ilang sandali lang ay nasa tapat na ng gate ang sasakyan ni Kaifer. May pagmamadaling binuhat ako nito pasakay sa sasakyan niya. Agad na tumabi sa akin si Aerriel. Isinakay ni manang ang gamit sa harap. Agad na pinaandar ni Kaifer ang sasakyan. 

"Ahhh. It really hurts!" daing ko. Pinupunasan ni Aer ang noo ko na pinapawisan.

"Have you call Raniel already?" tanong ni Kaifer kay Aer na pasulyap sulyap sa amin sa likod.

"Oh Shit I forgot." natatarantang wika ni Aer. Mabilis itong nagdial sa cellphone pero halatang kinakabahan na natataranta. "Hello kuya manganganak na si Yumi - Oh what? Kuya Daniel? Sorry wrong dial .Hay!" Marahil ay nagkamali ito ng dinial.  Nagmamadaling naghanap ulit ito sa contacts. "Kuya Raniel? .........Oh yes. Ikaw na nga kuya.......Si Yumi manganganak na. Dadalhin na namin sa ospital. Sumunod ka na lang."

Pagkarating sa ospital ay sinalubong kami ni Daniel. Nakaduty ito kaya agad na naroon. 

Binuhat na ako ni Daniel at inihiga sa stretcher. "Your water already broke." pahayag nito.

ONE NIGHT STAND with RANIELTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang