“All day?”

“Yeah. Aagahan ko. Promise.”

Kinilig tuloy ako lalo.

We said goodbyes at kung ano-ano pang sweet messages bago ako tuluyang nakatulog.

#

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Si kuya? Ang aga naman niya magising. Tsaka ano topak n’un at tumabi sa akin? Umikot ako para i-hug siya. Hehe, minsan lang naman ako maglambing kay kuya.

“Ikaw talaga, ang aga-aga ako ang gusto,”

Napamulat ako bigla, ang aga nga.

Ang aga-aga ng boyfriend ko dito.

Tinulak ko siya nang malakas. Hala ka! Baka kanina pa siya nandito at nakita niya hitsura ko habang tulog. Aasarin lang niya ako!

“Hoy, Colleen! Pinuntahan na kita nang maaga tapos itutulak mo lang ako!” sabi niya matapos tumayo. Napalakas pala tulak ko at nalaglag siya sa sahig! Gusto ko siyang pinipikon at humalakhak lang ako.

“Ehhhhh. Bastos mo eh! Kita mong tulog ‘yung tao tapos susulpot ka!” sigaw ko sa kanya at nagtakip ng kumot sa mukha. I want to sleep pa!

“Hoy, my loves. Babangon ka ba riyan o pipilitin kita?” sabi niya habang hinahawi ang kumot mula sa mukha ko.

“My loves ano ba? Antok pa nga ako. Tigilan mo nga ako!” sabi kong nakapikit parin. Ang kulit naman nito eh.

“Sige, matulog ka...kung hindi...”

Napamulat ako sa mga sinabi niya at inalis ko ang takip kong kumot. Tinitigan ko siya, evil eyes, weird Dante.

“Kung hindi ano?!” sigaw ko sa kanya.

Dinaganan niya ako. Waah! Ang bigat niya. I want him off me. Baka makita kami ni kuya at kung ano isipin sa amin. Mabilis siya at hawak niya ang pupulsuhan ko. He locked my wrists on the sides of my face. I don’t like his gesture. I don’t like our position.

“Dante , ano ba!!!” sigaw ko.

“Manahimik ka. Kung hindi, hahalikan kita. Sige!”

Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa ako. Hindi bagay sa kanya ang mukhang seryoso. Sino ang tinakot niya?

I transformed my eyes to puppy eyes.

 “Colleen... ‘Wag mo ko idaan sa puppy eyes mo. Bangon ka na kasi,” then he moved his face closer. Errr, ayaw ko talaga ng puwesto namin.

“Sige na, babangon na! Bitawan mo ako!” sigaw ko.

“Ayaw!” sabi niya sabay ngiti na nakaloloko.

“Bilis na, Dan! My loves. Bitaw na!”

He smiled at me. Iyong mean smile niya.

Bumitaw nga siya at habang sinusubukan kong maka-recover, bigla niya akong binuhat! Sa unang attempt ay nalaglag ulit ako sa kama ko, pero nagawa niya noong second time.

He’s carrying me bridal style. OMG, ano na naman trip niya?

“Hoy, Dante! Ano ba'ng gusto mo ha! Kanina ka pa ha! Ibaba mo ako!” sabi ko habang pilit na naglilikot para ibaba na niya ako.

“Ayaw ko nga. Tinatamad ka bumangon eh. May breakfast sa baba,” naglalakad siya palabas ng kuwarto ko.

“Dan, ibaba mo ako! Ibaba mo ako!!!” sigaw ko.

“Hindi ka titigil? Ilalaglag talaga kita? Sige?!”

Kunwari nga ilalaglag niya ako at natakot ako. Napayakap tuloy ako sa leeg niya. Natuwa naman siya sa ginawa ko.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon