"Fine. 'Wag kang lalayo ha? Tsk." hinawakan niya ang kamay ko pababa ng hagdan. Dumiretso kami sa kusina. Nandoon si Tita K saka kanlong niya si Jordan.

"Ma, alis na kami. Ung list po?" mamimili kami ng ihahanda sa pasko. Sabi kasi ni Tita siya na lang daw ang mamimili. Pero itong gwapong nilalang na ito kami na lang daw.

Alam na. Para-paraan din 'to eh. G-in-rab agad ang chance na gumala kaming dalawa. Hindi kasi pwedeng kapag gagala kami ay laging kasama si Jordan. Mapapagalitan kami saka baka mapano pa si Baby.

"Ito na. 'Wag gagastos ng malaki ha. Kath anak, alam kong marunong kang mag-budget. Ingat kaying dalawa. 'Wag muna kayong bumili ng mga frozen goods or foods na kailangang naka ref. Ako na ang bibili nun." nag-bless ako kay Tita at humalik sa pisngi ni Jordan.

"Bye baby. Aalis kami ni Daddy ha?" humalik ulit ako sa kanya aalis na sana ako nang itaas niya ang kamay niya. Nagpapakarga siya. Nagsimula na din siya umiyak.

"Shh. Babalik si Mommy. Mabilis lang.  Shhh Tahan na baby ko." pag-alo ko. Lalo siyang umiyak. Napatingin ako kay DJ.

"Tahan na Jordan. Babalik sina Mommy at Daddy mo. Kakain na lang tayo? Ha? Magpe-play?" kinakausap siya ni Tita kaya nabaling ang atensyon niya dito. Sinenyasan niya kami na umalis na. Kakasara pa lang ng pinto narinig kong umiyak na naman siya. Nalungkot tuloy ako.

"Humahabol si Jordan. Kung pwede lang siyang isama. Isasama natin. Hayaan mo next time na lang. Ha? Smile na." hinapit niya ang bewang ko at niyakap. "Tara na. Para konti pa 'yung mga tao at makauwi tayo ng maaga."

Sumakay na kami sa kotse at naglakbay papuntang market. Medyo natagalan ang byahe kahit malapit dahil sa hindi masulos-sulosyonang traffic.

Kumuha si DJ ng push cart at ibinigay sakin ang list.

"Hindi naman madami 'yung bibilhin natin eh. Gala tayo pagkatapos?" tanong ni DJ habang nalalakad kami papuntang Powdered Milk Station para sa milk ni Jordan. Siya ang taga tulak at ako naman ang taga kuha ng products.

"Sure. Bilisan na natin nang makatapos na tayo." sagot ko.

Habang nag-titingin ako ng mga brand ng fresh milk para sa amin ay biglang humarang si Daniel sa harap ko.

"May nadaanan akong sapatos kanina. Pwedeng daanan natin? Baka kasi mawala pa eh." tanong niya habang nagpa-cute pa sa akin.

Pinagsingkitan ko siya ng mata.

"Diba kakabili mo lang?" may tatlo na siyang sapatos na pang-basket niya eh. Hindi naman na siya nakakapag-laro ngayon dahil sa work niya.

Napakamot siya ng ulo.

"Ehh, hiningi na JC 'yun. Tapos feeling ko kapag suot ko 'yung sapatos swabe lahat ng tira ko." nag-pose pa siya na parang magso-shoot ng bola.

Napa-iling ako.

"Sobra na 'yung gastos mo ah. Tama na muna 'yung dalawa." sabi ko.

Itinulak ko na 'yung cart papunta sa shampoo section. Lumingin ako sa likod, nakita kong naka-simangot siya. Hindi naman kasi ako nag-mamagaling. Siya mismo ang nag-sabi na sitahin ko siya kapag napapagastos na siya ng malaki. Ang mahal naman ng sapatos na binibili niya.

"Tsk. Basta walang sisihan kapag naubusan ka ng pera ha." sabi ko.

Napa-sigaw siya ng malakas na yes.

Pagkatapos naming makuha lahat ng nakalista ay nag-punta na kaming counter buti na lang at hindi mahahaba ang pila. Pero punong-puno naman ang mga cart kaya magtatagal pa din. Ngalay na ako.

"Nangangalay ka na?" ngumuso ako sa kanya. Luminga-linga siya, bigla siyang lumapit sa isang babae at may tinanong ata. Pagbalik niya may dala na siyang isang cube. Ginagamit na tung-tungan para maabot 'yung mga matataas.

"Oh, upo ko muna. Itong panyo, ipantakip mo dyan sa legs mo. Shorts pa kasi." narinig ko 'yung huli nyang sinabi, natawa na lang ako. Alam ko naman na ayaw niya kaming lumabas na ganito ang suot ko.

After 15 minutes natapos na niyang bayaran lahat. 4 bag 'yin at siya ang nagdala sa kotse. Inintay ko siya sa may entrance ng bibilhan niya ng sapatos.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita ko siyang tumatakbo.

"Tara!" sabi niya at hinila ako papasok ng shop.

Hindi na din ako magtataka kung bakit gustong-gusto ng mga lalaki ang mga ganitong bagay. Astig nga daw sabi nila.

Hawak ni Daniel ang kamay ko habang nag-titingin siya ng sapatos. Muka siyang batang excited mabilhan ng laruan.

"Ang daming bago! Gusto ko tuloy bilhin lahat. Mi, bilhan ko kaya si Jordan?" tanong niya habang hawak 'yung isang pang-baby na sapatos.

"'Wag muna. Sabay kayong bumili last time diba? Alin ba ang gusto mo? Gutom na ako." sabi ko sa kanya.

Hinila niya ako sa may gitna ng store kung saan naka-display 'yung mga bagong labas lang. Nakikipag-usap si Daniel sa salesman. Naka-tingin lang ako sa kanya, halos hindi na niya nga tinignan 'yung price eh. Kahit mahal hinayaan ko na, doon siya masaya eh.

"Salamat po." tugon ni Daniel matapos i-abot sa kanya ang paperbag ng sapatos.

Lumabas na kami ng shop.

"Happy ka na?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya saka pinangko ang ulo ko para halikan.

Pumasok na kami sa KFC para kumain.

"Hayy. Kapagod." hingal na hingal siyang umupo sa harap ko.

"Lapit ka. Pupunasan ko 'yang pawis mo." lumipat siya sa tabi ko. Sinimulan kong punasana ang noo at muka niya tapos 'yung leeg niya.

"Ang ganda mo." inihampas ko 'yung panyo sa kanya.

"Gutom ka lang. Order na ako." tatayo na sana ako pero pinigilan ni DJ.

"Ako na. Anong gusto mo?"

"'Yung katulad na lang din ng sa'yo."

"Ok. BRB." nakatalikod na siya pero humarap ulit.

"I love you." nanlaki ang mata ko kasi medyo malakas ang pagkakasabi niya. Plus marami pang tao.

Nagsimula na ulit siyang maglakad.

"Kath." tawag ni DJ.

"D'yan ka lang. Ikakasal pa tayo." pinanlakihan ko siya ng mata para tumigil na. Nakakahiya.

"I love you ulit." pulang pula na ako. Napatakip ako ng muka dahil sa hiya. Naramdaman kong may humalik sa ulo ko.

"'To naman. Haha. Kinilig ka naman! I love you."

Narinig kong nagtilian ang mga kadalagahan sa likod namin. Lalo pa silang umingay ng kawayan sila ni DJ.

Uurrgghh!! So sweet DJ. Lalo akong naguguluhan.

'~'~'~'~'

Votes, comments and being a fan is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon