lagitnit sa langit 15

Mulai dari awal
                                    

""Kahit anak kita hindi kita kukunsintihin sa ginawa mo!! Pero sa mga apo ko gagawin ko ang makakaya ko.."

Makalipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng libing ni aling fely sa kabila ng matinding kaguluhan at kahihiyan inabot ng kanilang pamilya..marami pa rin sila mga kaanak kaibigan at kapitbahay na nakiisa sa libing..nandoon lahat ang mga anak ni Aling fely…
Matinding kalungkutan at hinagpis na naramdaman nila lalo na si Noy dobleng sakit ang dinadala..kaya halos maglupasay ito habang pinapasok sa nitso ang kabaong ng Ina..

""Nanay Inay ko….huhuhu pagbabayaran nilang lahat ang Ginawa nila sayo panloloko magbabayad sila"" matinding poot pa rin ang huling bigkas ni Noy sa nilibing na ina habang pumapatak ang mga luha nito..

Samantala sa hindi kalayuan ay Naroon lang si Mang Silyo sa dulo at nagmamasid mula sa isang malaking puno na walang nakakakita sa kanya..Doon na lamang nya masilayan at nasaksihan ang paghahatid sa asawa sa huling hantungan..Doon halos kahit hindi pumikit ang kanyang mga mata ay kusang bumabagsak ang mga Luha nya..at nakapanuntok ang kanyang mga kamao Matinding emosyon ang kanyang naramdaman na hindi na sya bahagi pa ng kanyang tinayong pamilya..at hindi man lamang nya muli nasilayan si Aling Fely sa huling sandali nito..

""Ehuhuhhuhuhu huhuhu mahabang hagulhol na lamang ang maririnig sa boses ni mang silyo habang nakamasid sa malayo habang nililibing ang kabiyak nya..

Makalipas ang ilang linggo matapos ang libing ni aling fely..kinagabihan ay palihim na pumunta si Mang Silyo sa kanilang lugar..kung saan nandito ang bahay nila luma kung saan nakatira si Noy..gustuhin man nya pumasok ay alam nya hindi pwede..ayaw na nya magkagulo pa ulit kaya patago sya nagpunta pero sa bahay ng kanyang Ina na si
Lola Goria sya nagsadya para kausapin ang ina..

""Inay

""Silyo? Anak huhuhu saan ka nagpunta? Yumakap pa ito kay Mang Silyo.

""Inay nagpunta lang po ako dito para sana makiusap sayo!

""Ano anak ano un?

""Magpapakalayo po muna ako hindi ko na kasi kaya..at walang wala na ako mukha maihaharap sa mga anak ko…at sa iba tao sa sobrang kahihiyan ginawa ko"

""Saan ka naman pupunta?

""Sa ngayon hindi ko pa alam pero ang mahalaga Makalayo po muna ako…alam ko hindi ako mapapatawad ng mga anak ko pero umaasa pa rin ako na sa tagal ng panahon sana maghilom ang sakit na sugat na binigay ko sa kanila.." si Mang Silyo na unti unti na naman naluha

""Silyo kung nabubuhay lamang siguro ang ama mo ngayon..hindi ko alam kung ano magagawa nya sayo dahil sa pambabae mo at sariling manugang mo pa ang iyong inanakan…baka kung nandito lamang ang itay mo siguro papatayin ka nya sa kahihiyan na iyan.. pero ako? Kahit alam ko na malaking kasalanan yan ginawa mo kaya kita Maunawaan at pipilitin ko umunawa sayo..
Anak bakit mo nagawa ito kay Fely? Hindi kami magkasundo Oo inaamin ko..hindi ko sya gusto para sayo..pero sa paglipas ng mahabang panahon..natangap ko sya bilang asawa mo at ina ng mga apo ko! Kahit kailan naging tapat naman sya sayo! Pero bakit sa dinami dami ng naging babae mo bakit kay Mylene pa ha?? Diyos ko huhuhu… napapikit na lamang habang naluha si Lola Goria na kinakausap ang anak na si Mang Silyo…

""Inay inaamin ko natukso ako sa manugang ko..nagpatalo ako sa tukso at sa tawag ng laman..pero kahit paano Inay..sasabihin ko sayo..minahal ko na po si mylene"

""Anong kalokohan mo yan silyo? Bakit mo mamahalin ang babae na asawa ng anak mo?.. por diyos por santo

"" inay mahal ko po ng higit sa lahat si Fely sa lahat ng babae nakarelasyon ko..pero si Mylene ang bukod tangi pangalawa sa asawa ko…
Tila lalong nagulat si Lola Goria sa mga pinagtapat ng anak .at kaya bigla nya nasampal ito ng malakas

Shush Series (Book 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang