"Shut the fuck up, Titus. Walang kuwenta 'yung lumalabas sa bibig mo. 'Wag mo na 'tong sabihin kina Echo at Magnus. Paniguradong makisasali lang 'yon sa 'yo. Hirap sa inyo, naiintindihan ninyo ako pero kung ano-ano lang din sinasabi ninyo," sabi ko at napailing-iling bago siya inunahang lumabas. 

Napalunok agad ako't natigilan nang nadatnan kong nakabukas pa rin ang pinto niya. Huminga ako nang malalim bago mabilis na naglakad. Nilingon ko rin siya nang mabilis at laking pasasalamat ko dahil nakatalikod siya. It just icks me. Hindi ko kayang makipag-eye contact ulit sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako lumingon sa loob. Fuck. This is so messed up. 

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakalabas na kami ni Titus. May mga nakita akong grupo ng babae at lahat sila ay nakatingin sa akin. Gustuhin ko mang matuwa, pero mas nangingibabaw sa dibdib ko 'yung nararamdaman kong bigat at pagkabalisa. Tangina talaga. 

Mas lalo lang akong nabwisit 'pagkarating namin sa dorm faculty dahil wala na raw ibang available na room. Except sa building 105. E, 'yon nga 'yung iniiwasan kong building dahil mas marami ro'ng bading. This is so great. . . just fucking great.

"Tangina naman. Bakit naman wala ng bakanteng room bukod do'n sa building na 'yon? Hindi ko alam kung kaya kong bumalik do'n. Pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya, titibok lang nang titibok ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit," sabi ko at napapikit 'saka hinilit ang pagitan ng kilay ko.

Hindi ko mapipigilan ang sarili kong magalit sa tuwing makikita ko siya. I cannot control my triggers. I cannot control how to project my emotions properly. Kapag nagtuloy-tuloy ang interaction namin, which is mas mataas ang chance dahil kapitbahay ko siya, malamang sa malamang mabubuhos ko sa kaniya 'tong galit ko. 

I'm just hoping for the best. . . But I cannot really assure myself that I won't get triggered. Because just thinking about the fact that he's too close to my space is too much for me. I will really get mad. That's for sure. 

Napangiwi si Titus sa sinabi ko. "Ang OA mo. Bakit ba kasi nire-recall mo pa 'yung nangyari sa 'yo noon. Past na 'yon, pre. Ang gawin mo, mag-focus ka na lang sa ibang bagay na nagpapasaya sa 'yo. Hindi 'yung kung ano-anong nirereklamo mo, e mukhang hindi ka naman gagalawin no'n," sabi ni Titus.

I clenched my jaw. "You don't understand, Titus. Hindi mo maiintindihan kung gaano ako naaalibadbaran sa ideyang may malapit sa aking bading. Kung hindi mo alam 'yung pakiramdam, mas mabuting manahimik ka na lang. Hindi ko alam bakit ganiyan ka magsalita," naiirita kong sabi habang deretsong nakatingin sa kaniya.

Humalakhak siya't hindi pinansin ang sinabi ko. "Chill, man. Paulit-ulit ka ba? Sabi ko nga, 'di ba, baka naman napatingin lang sa 'yo dahil dumaan nga tayo. Iniisip mo agad may balak sa 'yo. Ang OA na kasi, pre. Chill! Malay mo hindi naman talaga 'yon bading," sabi ni Titus.

I hissed. "I know one, when I see one, Titus. Kung paano pa lang nagkatagpo ang mga mata namin, alam ko na. Hindi naman ako mati-trigger kung hindi, 'di ba?" Sabi ko habang nakangiwi sa kaniya.

"Hay nako, Caiden! Kung ako sa 'yo iinom na lang natin 'yan. Sabi ko nga, hindi ka na dapat nagfo-focus sa mga bagay na ganiyan. Mas mag-focus ka sa mga bagay na magbibigay ng saya sa 'yo. Chill, man. Magsisimula pa lang ang semester. 'Wag kang ma-stress," sabi ni Titus 'saka humalakhak.

Bumuntonghininga ako. Ano pa nga ba? 'Yon naman na ang ginagawa ko since that incident. Palagi na lang akong naghahanap ng ways para mas maging comfortable ako. Kailangan kong maghanap ng mga bagay na magbibigay courage sa akin na magpatuloy. Kaysa lugmukin ko 'yung sarili ko, I need to find ways to live. Kahit mukhang madumi na sa iba ang ginagawa ko, if it it makes me alive, then it matters.

"Maybe you're right. Mukhang 'yon na nga lang. Kaysa i-stress ko ang sarili ko. I'll just vent this out somewhere where I can feel myself more, I guess. Hindi ko alam, pero putangina, bahala na. Ganito naman palagi 'yung pag-cope up ko sa mga bagay-bagay na kinaiinisan ko," sabi ko 'saka saglit na napapikit para i-convince ang sarili kong kumalma na at ituon na nga lang sa ibang bagay ang isip ko.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now