Tss.

Pumasok naman ang isang napakapamilyar na babae. Ganun pa rin sya. Todo kung ngumiti.

Napanganga ako. Pati ba naman ditto, sinusundan niya si Kai?

“TIFFANY?!!!” biglang sigaw ng EXO. Lahat naman ng tao ay napatingin sa kanila.

(A/N: Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon lang lumabas si Tiffany, dahil ngayon lang yung araw ng start ng class niya. Natatandaan niyo ba nung araw na pumunta si Tiffany sa school? Iyon yung araw na nag-aapply pa lang sya. Gets?)

Napatingin naman ako kay Kai. Hindi sya nakatingin kay Tiffany. Nakatingin lang sya sa may bintana at nakapamulsa.

Nagulat naman ako nang bigla syang napatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at tumingin na sa harapan kung nasaan si Tiffany.

Nakangiti pa rin sya at parang may hinahanap. Tapos nanlaki yung mata nya at tinuro..

Si Kai. As usual.

“WAH!!~~~ KAI MY LOVESSSSS!!!! OMO OMO OMO!” Bigla syang tumakbo sa direksyon kung saan nakaupo si Kai. Halata naman kay Kai na nagulat sya.

Biglang kumapit si Tiffany sa braso ni Kai. (_ _) Aish. Linta lang teh? Asar ha.

Lahat naman ay nanonood sa dalawa ngayon. Ang iba naman ay nagbubulung bulungan na.

“HA? Tinawag niya si Kai na my loves? Ano ibig sabihin nun?”

 

“Nako, eh pano na si Kylie? Akala ko ba sya yung gf?”

 

“Duh? Syempre, nagsawa na si Kai kay Kylie noh.”

 

“Tama. Di hamak na mas maganda yang Tiffany kesa sa kanya.”

 

Pigilan niyo ko, masasapak ko man kung sino yung nagbubulung bulungan na yon. Aba eh, kulang na lang isigaw eh.

Rinig na rinig ko noh. Asar.

“Aish. Bitiwan mo nga ako. Fvck!” sigaw ni Kai kay Tiffany. Pero ngumiti lang naman ulit si Tiffany kay Kai.

“Wah!! You’re so cute!!” at kinurot niya sa pisngi si Kai. Halata naman ang pagkairita kay Kai.

“Tiffany my sweetie!! Sa akin ka na lang!!!” at bigla namang hinila ni Taemin si Tiffany mula kay Kai. Nahila naman niya si Tiffany.

“EHEM.” Nagulat kami nang biglang magsalita si teacher. Nandito pa nga pala sya. Tss. Bakit kasi kay dami daming section ditto, ditto pa nalagay si Tiffany.

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now