5

3 1 0
                                    

"Pupunta ka pa rin ba sa bahay nina Ada?" tanong agad ni Rye sa akin nang makalabas na kami sa gym.

Ang tagal pa bago sila bitawan ng mga dalagang iyon kaya itong si Soyer sumasakit na naman ang ulo dahil sa kakulitan nila at dumagdag pa si Cari na inaasar pa nang inaasar ang isa.

Kapag talaga magkakasama kami ay wala talagang oras o araw na hindi magulo. Mas nagiging magulo pa kapag nagsama-sama ang circle of friends namin na ang iilan ay may sapak sa ulo. Isama pa na bumabalik na sa rati ang lahat after what happened 6 years ago.

"Kapag nakabalik na ako roon na ako dadalaw. Hinahanap na rin ako ni Adi kaya kailangan ko na ring bumyahe sa probinsya," sagot ko na ikinatigil nina Soyer and Cari.

Mabilis nila akong pinalibutan at sinuri kung may problema sa akin na ikinatawa ko. Tinaas ko ang aking kamay at may pinindot just to open my car. Humarang agad sila nang makita nilang balak kong umalis o tumakas man lang.

"You are not Lis!" Bulalas ni Soyer. "You can't leave without visiting Ada's room!" Turo pa niya sa akin na ikinatawa ko.

I know na ito talaga ang sasabihin nila kaya minabuti kong agahan ang pagpunta roon sa bahay nina Adelburg bago ako pumunta rito sa school para diretso na ako sa byahe. Ayaw ko ring umalis na namumugto ang mata o kung ano man. They didn't know about it since sanay sila na pumupunta ako roon after matapos ang araw ko at bago umuwi sa bahay para magpahinga.

Mukhang nakuha agad nila ang inakto ko nang makita nila ang pagngisi ko. Nahila tuloy ni Cari buhok ko habang sina Soyer ay nakahawak sa dibdib nila na waring naudlot ang pag-atake ng puso nilang dalawa. Natawa tuloy ako.

"Sinasapian ka ba ni Ada? Hindi maganda," nasabi na lang nila kaya tuluyan na akong pumasok sa aking kotse.

Aalis na sana ako nang biglang kumatok si Soyer sa window kaya binaba ko.

"Manong is here. Sabay ka na raw. Iba na raw mag-uuwi ng kotse mo. Sabay na rin kami para makita namin kung saan nga ba kayo nakatira. Bisitahin na rin si Ali." Mahabang sabi pa niya na ikinatango ko naman.

Kinuha ko na lang ulit ang aking gamit sa kotse bago lumabas at tumulong na rin sina Manong na ilipat ang malita ko sa puting van.

Tahimik naman ang buong byahe since parehas na pagod din kami. Galing din sa practice ang tatlo. Gusto lang din mangulit kasi baka matagalan pa bago pa nila kami makita. Also, gusto rin nilang makita si Adi na panay kulit kina Soyer kung nasaan na raw ang sinasabi ni Soyer na pangdagdag collection ng anak ko.

"Ma'am, malapit na ho tayo."

Napatango naman ako at maya-maya ay nagising na rin ang tatlo. Panay linga-linga pa sila at nagsimula na rin mag-usap patungkol sa lugar.

"Ang daming tao kahit saan. Gabi na pero buhay na buhay pa rin. Parang mas maganda gumala kapag ganito, ano? Kung ikukumpara mo sa syudad?" Biglang tanong ni Cari. Tinuro-turo pa ang iilang mga kalalakihan na nagtatawanan sa gilid habang may kaniya-kaniyang dalang baso at bote ng beer.

"Uhaw na uhaw ka lang kaya bumaba ka at makipag-inuman sa kanila." Sabat naman ni Rye sabay pabirong sinipa si Cari na malapit sa kaniya.

Natawa na lang ako habang si Soyer ay parang maloloka na naman sa mga best friend niya.

"Mukhang kailangan ko rin ipaayos ang turnilyo ng mga iyan sa utak. Lumuwag na ata." Naging komento na lang nito kaya pinagtulungan tuloy siya ng dalawa.

Nawala sa kanila atensyon ko nang mapansin ko ang iilang mga kababaehang nakatayo sa gate ng isang malaking bahay. Napasilip pa tuloy ako kung anong meroon at napansin kong may kausap pala sila. Iyong kausap nila ay nasa balcony ng malaking bahay na katabi lang ng bahay nina Mamita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RAVENWhere stories live. Discover now