3

8 0 0
                                    

"Hoy! Ano 'yong chismis na nasagap namin ni Nana? May instant anak ka na pala." Sabay natawa pa siya habang si Nana ay nakangiti lang.

Dinner na pero ang hyper pa rin ni Lulan. Iba rin talaga kapag busog na busog ito dahil dumadaldal nang dumadaldal. Paniguradong marami siyang nakain dahil panay himas niya lang sa kaniyang tiyan na hindi ko kailanman nakitaan ng bump o bilbil man lang. Iba talaga kapag atleta eh.

"Pero in fairness. Sabi ni Granny, mailap ang batang 'yon. It takes years or months before mo siya makapalagayan ng loob. Tapos Mama pa tawag niya sa 'yo. Himala ha? Akala ko matatakot siya sa 'yo." Habang naghihimay na siya ng mga hipon.

Kakain na naman siya. Huwag sana siyang maimpatso.

"Same." Sang-ayon ko sa huli niyang sinabi.

Hindi ko rin naman in-expect. Nabigla rin ako na ganoon din iyong pakikitungo ko sa bata. Siguro dahil sa first time na may batang hindi natatakot sa akin sa unang tingin. Usually kasi sa mga bata rito ay makita pa lang bulto ko, kailangan pang lakasan loob nila para makabili ng pinag-uutos sa kanila or else, mapagalitan ng parents. Hindi naman ako nananakot. Siguro dahil lang sa maskara ko. Minsan naman ay dahil daw sa boses na meroon ako. Anong magagawa ko? Ito na talaga eh.

"Pero teka, mukhang bothered ka." Pansin niya nang bumuntong hininga ako.

"She seems familiar," I honestly said na dahilan para magkatinginan sila ni Nana. "Wala akong anak," sabi ko agad kasi iba iyong reaksyon ng dalawa nang sabihin ko iyon eh.

Nakahinga tuloy sila sa sinabi ko. Hindi ko maiwasan na mapailing na lang. Pero 'yong pakiramdam na parang hindi 'yon ang first time na nakita ko ang bata o nahawakan man lang. Parang matagal ko na siyang kilala, ganoon.

"Usap-usapan ka kaya lalo rito. First time ka rin nilang makitang may kasamang bata," sabi ni Lulan na kuwento pa nang kuwento pagkatapos.

"Takot ang mga 'yon. 'Yon lang na bata ang hindi." Singit naman ni Nana na ikinatango namin.

Akala ko nga rin na iiyak 'yon eh. Nasanay kasi ako na pinang-iilagan ng mga bata kapag nakikita ako. Kung ano-ano rin kasing panakot ng mga matatanda kapag hindi umuuwi mga anak nila. Kapag nakikita ako, ako agad ang magiging dahilan bakit uuwing umiiyak ang mga 'yon. Ginawa pang panakot. Basta kapag nakikita ako o alam nilang nasa tindahan ako, daig ko pa iyong bangkay sa sementeryo o mga multo.

Nang matapos na kami ay bumalik ako sa tindahan para ipasok ang mga ibang paninda ni Nana. Nang makita kong okay na ay umakyat na rin ako sa aking kuwarto. Nag-decide na rin ako na mag-ayos at tumambay muna sa balkunahi.

"Buksan mo kaya ilaw riyan."

Instead na sundin ang sinabi ni Lulan ay nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

"Kaya ka napagkakalamang bampira ay dahil diyan sa pinaggagawa mo." Sabay tawa pa niya kaya napaharap na ako sa kaniya.

I want to glare at her pero natigil ako nang makita ko reaksyon ng kaniyang mukha.

"Oh sh― Raven!" Halos pabulong na niyang sigaw kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Cover your face!" Sa taranta niya ay pinagbabato niya sa akin ang mga bagay na malapit sa kaniya. Natigil lang siya nang iyong basong may lamang juice ang kaniyang nahawakan. "Mukha mo nga!" Pinanlalakihan pa niya ako ng kaniyang mga mata matapos ilapag sa lamesa ang kaniyang baso matapos uminom.

Napaatras ako lalo sa madilim na parte ng balcony nang may tumawag sa pangalan ni Lulan.

"Sino kausap mo?!"

Sabay kaming napalingon sa baba at nakita namin ang iilang miyembro ng team nila.

"Bakit nandito kayo?! May kailangan kayo?!" Pag-iiba niya ng usapan. Napansin ko pa ang palihim niyang pagsensyas sa akin kaya instead na sumunod ay nangalumbaba na lang akong pinapanuod sila.

RAVENWhere stories live. Discover now