Chapter 26

23.7K 873 89
                                    

Chapter 26

Tahimik lang si Papa sa sasakyan hanggang sa maka-uwi kami. Mas lalo akong kinabahan kasi hindi ko alam kung ano iyong tumatakbo sa isip niya.

Pero sigurado na ako na alam niya.

Kasi hindi naman ganon si Papa.

Siya mismo iyong nagsasabi sa amin na 'wag kaming mangolekta ng kaaway. Na hindi namin alam na baka isang araw, kailanganin namin ng tulong nila. Kaya nga nasasabihan siya ni Mauve na plastic daw. Kaya nga nagulat ako nung sabi ni Mama na nung kabataan ni Papa ay sumasali siya sa rally. Kasi ngayon, walang kala-kalaban sa kanya. Basta trabaho lang. Kapag wala siya sa trabaho, wala siyang problema sa kahit sino.

Tapos biglang ganon.

Fuck.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ay agad kong nilabas sa bulsa ko iyong cellphone ko. Hindi ko kasi matignan iyon kanina. Ewan ko. Para lang akong estatwang naka-upo sa sasakyan na natatakot na gumalaw.

Wala akong nakitang text mula kay Achilles.

Galit ba siya sa 'kin?

Ano'ng gagawin ko?

Ang dami kong kailangang gawin dahil balik trabaho at aral na ako bukas, pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ako makakapagconcentrate sa kahit ano hanggang wala akong naririnig mula kay Achilles.

Naka-tingin lang ako sa phone ko.

Magtetext ba ako sa kanya?

Tatawag?

Sasagot ba siya?

Sumasakit iyong ulo ko kaka-isip kung ano ang susunod kong gagawin. Huminga ako nang malalim. Sinabi ni Achilles sa akin noon na hanggang hindi ako nagsasabi sa kanya na may problema ako, i-aassume niya na ayos lang kami. Baka ganon lang iyon. Nag-ooverthink lang ako kasi guilty ako.

Bahala na nga.

Tinawagan ko iyong number niya. Gusto ko sanang i-loudspeaker iyon dahil magbibihis muna ako kaya lang ay para akong paranoid na baka nakikinig si Papa sa labas ng pinto ko. Ano ba 'yan. Ayoko namang mabuhay nang ganito na bawat galaw ko e inooverthink ko.

"Naka-uwi ka na?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyong boses niya.

Okay.

Sinagot niya iyong tawag ko—good sign 'yon.

"Kakadating ko lang," sabi ko sa kanya. "Nasa daan ka pa?"

"Yes. Traffic."

Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya pero parang iyon na ata iyong sagot niya. Huminga ako nang malalim.

"Sorry kay Papa kanina," sabi ko kasi totoo naman na ang bastos niya kay Achilles e nagpapakilala lang naman iyong tao. Kung nagagawa nga niyang maging civil sa iba na literal na mga kurakot ng gobyerno at mga drug lord, pero dito kay Achilles, hindi niya magawa?

"It's fine," sabi niya.

"Hindi kaya. Ang bastos."

"I mean... a bit. Pero ayos lang. 'Wag mong masyadong isipin."

Nagrequest ako ng FaceTime sa kanya dahil gusto kong makita iyong itsura niya. Ngayon, gets ko na kapag ginagawa niya iyon. Siguro dati nag-ooverthink din siya sa mga sinasabi ko kaya gusto niyang makita iyong mukha ko para magkaroon siya ng clue sa iniisip ko.

Kasi iniisip ko talaga na galit siya sa akin—o kung hindi man galit, nagtatampo kahit kaunti.

"Mamaya na. Nagda-drive ako," sabi niya sa akin.

Alter The GameWhere stories live. Discover now