Lahat kami ay gulat sa nalaman. Nakita ko pa si Kaede na naluha at umiyak ng sobrang lakas. "Oh my god, we didn't know that. I'm so sorry, Athena.."

"Mom, are you sure what you have investigated is accurate?" I said, so mom stared at me with disbelief.

"Really? Yan talaga ang sasabihin mo? Ano, ayaw mong maniwala dahil jan sa galit mong hindi mawala-wala? Kaya hindi nila sinasabi sayo ang totoo dahil yun ang payo ng mga magulang niya!" Hindi natinag ang titig sakin ni mommy. "Okay fine, puntahan mo siya kung gusto mong malaman ang katotohanan!" Dahil ayokong mag-conclude agad, I decided to go to Astheria.

Halos paliparin ko ang kotse ko sa bilis ng takbo at nang makarating sa condo ay agad akong sumakay ng elevator.

I knocked on Astheria's unit's door. "Ano ang atin, Engineer?"

"Can I talk to you? Hindi ka ba busy?" I almost sounded desperate.

"Come in. You want anything?"

"I'm here to confirm something. Is it true that Athena suffered from a brain t-tumour?" Pumiyok pa ako pagkasabi nun. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko kung sakali mang totoo yun.

"Alam mo na?" Mas lalo akong nagulat dahil sa sagot ni Astheria.

"What do you mean, alam ko na? So, totoo nga? Totoong nagkaroon siya ng glioblastoma at hindi niyo man lang sinabi sa akin?" Suddenly I burst out into tears. I don't know what to feel. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"I know may karapatan kang malaman ang lahat pero masyadong confidential ang pangyayari. Hanggang ngayon hindi pa tuluyang naka-recover ang katawan niya mula sa operasyon kaya may iniinom siyang mga gamot at vitamins na inireseta ng doctor niya."

"To tell you the truth, mula pa ng mga bata kami may brain tumor na siya. Nagbakasyon sila kasama ni daddy rito sa Pilipinas noon at nang malaman naming may ganung sakit siya, agad siyang dinala sa labas ng bansa para ipagamot at nagtagumpay naman. Ngunit wala siyang maalala, kami lang ang pamilya niya ang naalala niya. Sinabi rin ng doctor na may chance na babalika ng tumor niya at iyon na three years ago."

"Kailan niyo nalaman na bumalik?"

"Noong kasal ng kapatid mong si Kaede, nung nahimatay siya. Sinabi ng doctor na may glioblastoma siya at kailangang maoperahan ASAP kaya hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sinabihan namin ang doctor nun na hindi ipagsabi. Ayaw din ni Athena na masaktan ka kapag nalaman mo kaya nakipaghiwalay siya sa'yo. Grabe ngang iyak niya noon sa eroplano kasi hindi niya gustong iwan ka."

"But I thought, nagkabalikan sila nung ex niyang si Jamie? Liane told me na may nangyari sa kanila at niloloko na ako ni Athena." Sabi ko.

Naging madilim ang mukha ni Astheria pagkarinig. "Liane? She... what? Walang nangyaring ganoon! Tanginang babaeng yan napakasinungaling! Sasabunutan at sasapakin ko talaga yun! At ikaw naman nagpapaniwala! Hah! Umpisa pa lang ayoko na talaga sa babaeng yun eh! Napakasama ng ugali!" Nanggigigil si Astheriang tumayo. "So yun pala ang sinasabi niya sa'yo? Daren, alam mong hindi ganung klase na babae ang kakambal ko!"

Ibig sabihin, hindi ako niya ako nilolo. Ibig sabihin hindi sila nagkabalikan. Ibig sabihin tama lahat ng sinabi niya sa'kin. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Fvck!

"Pero sana sinabi niyo pa rin sa'kin! Yung mga nagawa ko... yung mga nagawa ko sa kanya..." Napahikbi ako habang bumabalik lahat sa akin ang mga ginawa ko sa kanya.

"Yun ang desisyon ng doctor. And actually, galit ako sa'yo, sa lahat ng pinanggagawa mo sa kapatid ko pero hindi rin kita masisisi dahil hindi mo naman alam ang katotohanan." Tumayo si Astheria at may kinuha sa drawer niya. "Here." Inabot niya sa akin ang isang flash drive. "Nandyan. Nandyan lahat ng mga video simula nung hindi pa siya naooperahan hanggang sa natapos. Panoorin mo, tutal nalaman mo na rin."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now