EPILOGUE : TEN YEARS LATER

132 10 1
                                    

Ten Years Later

Ang pagsasama ng Bright at Win ay hindi kailanman natibag mula ng mangyari ang sampung taon na nakalipas. Hindi maiiwasan ang tampuhan, awayan o kahit anuman na sakuna ang dumating sa kanila subalit lahat ng mga iyon ay nalagpasan nila nang dahil sa pagmamahalan nilang dalawa.... pinagtibay ng kasal at nang maykapal.

“Daddy!” masayang bungad ni Dome sa dalawang ama niya.

Si Dome ang panganay nila Bright at Win. Matalino itong bata na talaga naman na aktibo kahit sa aktibidad sa paaralan nito. Hindi rin naman nakakapagtaka sapagkat mana ito sa dalawang ama.

“Bakit ang saya ng baby na ‘yan?” nakangiting tanong ni Win bago hinalikan sa noo ang pawis na anak kaya agad rin nitong inasikaso ang likod nito para hindi matuyuan ng pawis.

“Papa. I’m not your baby anymore” nakangusong tugon ni Dome bago nito narinig ang matunog na tawa ng kapatid nito na si Cartier.

Ang bunsong kapatid nito na isinilang pagkatapos ng limang taon. Aktibo rin ito sa mga aktibidad na hindi na rin ikipinagtaka ng dalawa.

Natutuwa lang ang mag-asawa na Bright at Win sapagkat napalaki nila ng maayos ang anak nila na kung tutuusin ay mahirap naman talaga.

“Bakit nakabusangot na naman ang anak natin, Mahal?” tanong ni Bright ng makapasok sa bahay nila.

Sinundo lang naman nito ang dalawang anak sapagkat si Win ay nag-asikaso ng pananghalian nilang apat.

Kung tutuusin ay may sarili silang maid pero mas pinili ni Win na ito ay palagi ang magluluto ng pagkain para sa pamilya kaya hindi na rin nito tinutulan ni Bright para hindi na rin humaba ang pagtatalo.

Sa nakalipas kasi na mga araw ay palagi na lang si Win ay pabago-bago ng mood kaya hindi rin matansiya ni Bright kung kailan ito aasarin o susuyuin.

Kahit kasi na maliit na bagay ay pinagtatalunan nila katulad ng sikretarya na kinuha ni Win na agad rin pinagseselosan sa wala naman na dahilan subalit inintindi na lang ito ni Bright sapagkat mahal niya ang asawa.

“Sinabihan ko lang naman na baby. Tapos ayan na nakabusangot na” plain na saad ni Win.

“Siyempre, mahal. Malaki na ang anak natin. Mahihiya na ‘yan na tawagin na baby, ano ka ba?” natatawang saad ni Bright ngunit napatigil rin ito nang dahil sa nakita nito na pagsama ng tingin ng asawa.

“Ohh. baby. H’wag mo naman ako simangutan ng gan’yan” suyo na dugtong ni Bright bago hinila si Win sa pag-upo nito sa pagitan ng hita nito.

“Daddy. Papa. Ako po muna. Mamaya na po kayo maglandian na dalawa” agaw na pansin ni Dome na nahihiya pa sa nasasaksihan sa dalawang ama na ngayon ay nakatapat na sa hapagkainan.

Sa nakalipas kasi ng sampung taon ay hindi pa rin kasi nasanay si Dome na masaksihan ang ganitong eksena ng dalawang ama niya. Pero masaya ito sapagkat hindi nagbabago ang pagmamahal na mayroon ang mga ito.

Inasikaso naman ni Dome ang kapatid at pinaupo sa tabi nito na agad rin pinaglagyan ng pagkain sa plato nito.

“Thank you, kuya” sweet na pahayag ni Cartier bago kumain.

“You’re welcome, baby” tugon ni Dome sa kapatid bago tumingin sa dalawang ama.

“Ano nga pala uli ang sasabihin mo, anak?” tanong ni Win na pinipigilan ang makiliti sa sensaston na binibigay ng asawa sa ilalim ng lamesa.

[COMPLETED] : MY TOUCHABLE BOYFRIEND [WinBright: Short Story]Where stories live. Discover now