MY TOUCHABLE BOYFRIEND 2 🤍

128 9 3
                                    

WIN's POV

Mula ng nangyari ang aksidente sa pagitan namin ng Boyfriend ko ay bigla na lang ito naging cold. Nagsasabay naman kaming kumain sa hapagkainan pero pawang mga kubyertos na lang ang nag-uusap. Ni isang imik, hindi na ako kinausap ni Bright.

Hindi ko alam kung kanino nga ba ako maiinis eh. Sa kan'ya ba o sa sarili ko sapagkat ako naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Bright.

"Love? Mag-usap naman tayo oh?" pagsusumamo ko ng matapos kami kumain ng hapunan.

"Pagod ako, Win. Bukas na lang." walang emosyon na pahayag ni Bright sa akin.

Hindi ko na lang pinilit para hindi na lumaki pa ang sitwasyon. Inintindi ko lahat hanggang sa umabot ng isang linggo.

-

One week later.

"Hindi mo pa rin ba ako papansinin, love?" bulong ko kay Bright habang naka-back-hug ako rito habang nagluluto siya ngayon ng agahan namin.

"Ano na namang hindi pinapansin? Nag-uusap tayo at magkasama tayo, Win." bakas sa inis ang tono na iyon ni Bright bago inalis ang kamay ko sa yakap dito.

Napalabi ako kay Bright habang nakatingin rito. Baka lang naman umepektib ang pagccute ko rito.

"Hindi mo na ako nilalambing. Tumatanggi ka na rin sa gusto ko. Nagsasawa ka na ba sa'kin, Bright?" malungkot kong tanong.

Ayan na naman ang pakiramdam ko na umiinit ang gilid ng mata ko. Mga nakaraang araw ay palagi na lang akong umiiyak nang dahil sa pagiging overthink ko.

"Stop nonsense, Metawin! Ano na naman 'yan pag-iisip mo? Pagod lang ako, okay?" inis pa rin na pahayag ni Bright.

"O-okay. S-sorry" mahina kong pahayag bago tumakbo patungong banyo kung saan hindi ko na napigilan na umiyak pa.

Hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong umiiyak sa maliit na bagay. Hindi rin naman ako ganito dati. Ngayon lang.

Sumasakit rin palagi ang ulo ko at minsan pa nga ay palagi na lang ako nakakatulog sa tuwing umiiyak ako.

Huminga muna ako ng malalim bago naghimalos ng mukha at nag-ayos ng sarili.

'Stop worrying, Win. Alam mong magiging okay rin ang lahat' bulong ko na pahayag sa sarili.

"Aalis na ako. Kumain ka na at  nakahain na ang pagkain sa lamesa" natural na pahayag ni Bright bago ako tinalikuran nito.

"Uuwi ka ba ng maaga? Ipaghahanda kita ng pagkain" naka-kagat-labi na pahayag ko bago umiling.

"Mauna ka ng kumain. Sobrang busy ko ngayong linggo kaya hindi kita masasabayan sa hapagkainan" natural na pahayag ni Bright at diretso ng nilisan ang bahay namin.

Kahit gustuhin ko man na tumutol pero hindi ko magawa sapagkat ayoko naman na magalit lalo si Bright sa akin.

Isang linggo rin akong pahinga. Hindi rin ako tumatanggap ng buyers ngayon sapagkat wala man lang akong matinong maisip. Pinagbakasyon ko muna ang mga employee ko kahit paano.

Kahit na gusto kong umalis ng bahay upang makalanghap man lang ng sariwang hangin pero ang katawan ko naman ang ayaw. Tamad na tamad akong bumangon o kumilos man lang.

[COMPLETED] : MY TOUCHABLE BOYFRIEND [WinBright: Short Story]Where stories live. Discover now