Umiling iling lang ako. "W- Wala,"


"So ayun na nga, he saved me and brought me into their palace. They took care of me and treated me like I'm not different from them," nangingiti niyang wika.


"You stayed there for three months?" tanong ko.



"Yes... I stayed there for two months without recognizing who I am, where I came from... everything! I lost my memories..." tumatango tangong aniya, may lungkot ang labas ng mukha. "Nung nakaraang buwan lang paunti unting bumalik... pero may kulang pa'rin," dagdag niya na ikinagulat ko.


"You... you what?!" hindi makapaniwala ko'ng sabi.


"I got a temporary amnesia," malungkot na sabi niya pa. Umupo siya sa kama at nilaro laro ang kaniyang mga daliring mapuputi at tila inukit mula sa kandila. "Bumalik naman na... pero... hindi ko maalala kung paano akong nakarating sa gitna ng gubat..." tiningala niya ako at binigyan ng isang ngiting tila ba nagsasabing ayos na siya at wala na dapat akong ipag alala pa. Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, pilit binabasa ang laman ng kaniyang isip.


For fuck's sake! I'm a fucking mind reader!


Sumasakit na ang sentido ko sa kakapilit na pasukin ang isip niya, pero wala talaga. Walang nangyayari. Nanghihina lang ako.


"Hey, are you okay?" nag aalalang tanong ni Iaxah nang makita ang ekspresyon sa aking mukha. I forced a smile.


"A— Ayos lang ako," napapalunok ko'ng sagot sa kaniya. Tinitigan niya pa ako na tila ba tinitimbang kung nagsasabi nga ba ako ng totoo, pero hindi na siya nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag.


"P— Pupunta ka ba sa headmaster's office?" pagbasag ko sa sandaling katahimikang bumalot sa aming pagitan. Tiningala niya ako.


Ngumiti siya kapagkuwan. "Ah, yeah, pupunta ako. Samahan mo'ko, ah? Maliligo lang ako sandali tapos daan tayo sa cafeteria. I'm hungry."


Tinanguan ko siya. "Sige, maligo ka na. Bilisan mo, ah?!" pinandilatan ko siya, dahilan para matawa siya at ngingisi ngising kumuha ng damit sa closet niya at tuluyan nang pumasok sa banyo. Napabuntong hininga ako nang tuluyan niya nang mai-lock ang pinto ng banyo.


"Maganda naman yung ipinagbago niya, diba? Medyo hindi na siya maarte tapos mas naging madaldal siya," kunot noo ko'ng tanong sa sarili. I brushed my hair out of frustration. "Aisshhh! Bakit ko pa iniisip yun?! Dapat maging masaya nalang ako dahil nakabalik na siya!" pasigaw ko'ng bulong sa sarili saka tumalon pahiga sa kama. Damn, I miss this comfortable and soft bed of mine. Ngayon ko lang naramdaman ang pananakit ng mga kasukasuhan ko. Bwisit na misyon yun! Magkakanda pasa pasa pa ata ako, peste!











Iaxah's PoV


Nawala ang ngisi ko sa mga labi nang tuluyan na akong makapasok sa banyo. Napalitan ng pagtataka ang bukas ng aking mukha. What happened to her? Napailing iling nalang ako.

Pumailalim ako sa malamig na agos ng tubig na nagmumula sa shower habang inaalala ang mga araw na iginugol ko sa labas ng akademya. Takot na takot ako... pero hindi ko magawang humingi ng tulong. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko noon... at lahat ng iyon ay negatibo.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga saka sinimulang sabunin ang aking katawan. I scrubbed my body and washed my silvery hair gently. Matapos ko'ng maligo ay humarap ako sa salamin sa banyo habang suot ang bathrobe ko. I studied my face. Hmm... my eyes is indeed tantalizing. Pinakatitigan ko naman ang buhok ko at wala sa sariling napangiti. It's beautiful.


Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now