Chapter 10 : Top Village (Part 1)

4.2K 209 11
                                    


Thank you for reading this story guys....

Thank you very much....

Especially as mga..........

BOMOTO

AT

NAGCOMMENT.....

THANK YOU VERY MUCH

"Waaaaaaah....... Mamimiss kita Xyrill. Wala na uli akong makakasama sa kwarto. Huhuhuhuhu" wika ni Shaira at kunyaring nagpapahid nang luha.

"Oa nito! Akala naman nito subrang tagal na nilang magkasama. If I know dalawang araw palang kayong nagkasama. And FYI lilipat lang po sya nang tirahan at hindi po sya aalis nang academy. Kung makareact ka naman diyan akala nito hindi na kayo magkikita pang muli. Dito pa rin sya mag aaral kaya magkikita pa rin kayo." Yza.

"Paki mo! Basta mamimiss ko sya!" sabay yakap sa akin ni Shaira mula sa likod.

Isang araw na ang lumipas magmula nang mangayari yung sa may puno.

Hahahahahaha! hindi pa rin talaga ako maka get over sa nangyari nung byernes doon sa may puno. Natatawa talaga ako sa tuwing naaalala ko yon.

Hahahahahaha. Ano kayang mangyayari kapag nagkita kami ulit.

"Oi! oi! oi! anung nginingiti mo jan ha?" sita sa akin ni Yza habang nakapamewang.

Yan tuloy nakangiti na pala ako nang hindi ko namamalayan.

"Wala, may naalala lang ako."

Ngayon ay araw nang linggo kaya wala kaming pasok. Nandito kami ngayon sa room namin ni Shaira nageempake nang gamit ko. Ngayong araw kasi ako lilipat sa Top Village.

"Sus.... ang sabihin mo masaya ka kasi araw araw mo nang makikita ang E3. Ooooiii... ikaw ha may tinatago karin palang kalandian sa katawan. Basta binabalaan kita Off limit na si Clyster akin sya." Wika ni Shaira sabay kalas sa pagkakayakap sa akin. Umupo sya sa kama kung saan nanduon ang mga gamit ko.

"Oiii ikaw Xyrill ha! Talandi ka rin palang babae ka!" dugtong pa ni Yza.

"Cheh! tsura nyo"

"Maganda" sabay na wika nung dalawa habang nagpose pa.

"Teka" sabay lapit ni Shaira sa mga gamit na nasa kama. "MGA GAMIT KO TO AH? Bakit mo iniempake ang mga gamit ko? Waaaaaah........ wag mong sabihin pati mga gamit ko dadalhin mo? At pati uniform ko, tooth brush ko, sabon, at lotion andito. Waaaah......." sabay takbo papalapit sa akin ni Shaira at yakap sa binti ko.

"Oi! oi! anong ginagawa mo?" pilit ko syang inaalis sa pagkakakapit sa binti ko. " Bitawan mo nga ang binti ko.

"Waaaah! Ayoko! Maawa ka sa akin. Pagdinala mo ang uniform ko hindi na ako makakapasok. Waaaaah! hindi na rin ako makakalabas kasi wala na akong damit. *snif* *snif* Babaho na rin hininga ko dahil pati tooth brush ko dadalhin mo na rin. Waaaaah! ayaw kong bumaho ang hininga ko. Magiging dry na rin ang napakaganda at napakakinis kong balat kapag pati lotion ko dadalhin mo.Waaaah! Ayokong mangyari yon. Maawa ka Xyrill. waaaaah...."

"Hahahahaha! Anong pinagsasabi mo jan? at pwede ba tumayo ka jan at bitawan mo ang binti ko."

"Ayoko! Waaaah..... hindi ko to bibitawan hanggat hindi ka nangangakong hindi mo na dadalhin ang mga gamit ko. Waaaaah.... maawa ka sa akin Xyrill. Hindi na ako makakalabas kapag kinuha mo mga damit ko. At kapag hindi na ako makakalabas hindi na rin ako makakakain at pag hindi na ako makakakain, papayat ako at mamatay. Waaah ayoko pang mamatay. Papakasalan pa ako ni Axcel. Iiyak yun pag namatay ako. Waaaah.... maawa ka Xyrill."

Ace Academy (The School of Magics)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon