Chapter 8: Ace Level Exam (part 2)

4.2K 180 4
                                    

"And now lets welcome our current top 1, Raven Payton."

Mas lalo pang umingay dito sa loob nang arena nang pumasok na yung nagngangalang Raven.

"Burning sun" Sigaw nung Raven habang nakataas ang dalawang kamay tapos may subrang laking fire ball sa taas nito. Mabilis itong bumulusok papunta sa crystal nang ihagis nya ito.

"Wow" lahat na amaze sa ataki nyang yun.

"Wow na wow! Subrang lakas nun ah! He move to level 65 from level 58 and he got aldo an elemental badge.It seems that he is still our top 1! But who knows?"

Tiningnan ko yung badge nya. Kulay red ito and may fire symbol sa gitna. May paikot ikot din ditong red light. Nakatitig din sya sa akin habang naka smirk.

Ano ba ang nais nilang palabasin? Hinahamon ba talaga nila ako.

"Marahil ay umabot na sa inyong kaalaman na dito na rin nag aaral ang water element holder. So.. ano pang hinihintay natin? Let us welcome, Princess Eunice Farr Larkyn"

Biglang natahimik ang lahat nang nandito sa arena.

Teka tama ba ang pagkakarinig ko? isang princess si bestfriend?

Pumunta na sa gitna si bestfriend. Mamaya ko na lang sya tatanungin.

Kinawayan nya ako. Kinawayan ko rin sya.  Sinenyasan ko rin sya na kaya mo yan. Ngumiti lang sya. Lahat nang nga estudyante nakatutuk sa kanya. Inaabangan ang gagawin nya.

Pumwesto na sa tapat nang ace crystal si bestfriend.

"Raging Tsunami"

Wow!

"Wooooh!" biglang umingay uli dito sa loob ng arena. Humanga ang lahat sa ataking yun ni bestfriend.

"Wow! Subrang lakas nang ataking yun. Hindi maipagkakailang isa talaga syang elementalist. Lets see kung anong level ang nakuha nya. I guess we have a new top student. She is in level 59 which mean she is our new Top 4 student. And she got also an elemental badge." announcer.

Mas lalo pang umingay ang arena nang malaman nila ang resulta.

Pagkatapos ni bestfriend Farrah ay nagtawag na yung announcer para sa pag eexam. Sinimulan nyang magtawag sa lower year.

"Oh! Xyrill saan ka pupunta?" tanong saakin ni Shaira nang makita nyang tumayo ako sa upuan ko.

"Pupuntahan ko lang si best Farrah. Icocongratulate ko lang"

"Xyrill hindi kasi sila pwedeng puntahan" Yza.

"Bakit naman 'di sya pwedeng puntahan?"

"Ewan! basta patakaran na kasi yun dito. Na hindi sila pwedeng lapitan sa oras nang exam. Pwera na lang kung sila ang lalapit sayo."

"Ganun ba? May sasabihin pa naman sana ako sa kanya."

"Pero may isa pang paraan?" Shaira.

"Talaga? ano yun?"

"Oo. Ito oh"  sabay bigay sa akin nang isang

"DAHON? Aanhin ko naman ito?"

"Excuse me hindi lang yan ordinaryong dahon. Ginawa kong espicial yan. Kaya nyang magdala nang mensahe" Shaira.

"Eh paano nga?"

"Ibulong mo lang sa dahong yan ang message mo at kung para kanino. Liliad na yan patungo dun sa taong sinabi mo." Shaira.

"Wow ang galing naman. Matry nga natin" binulong ko na dun sa dahon ang mensahe ko kay bestfriend. Wow! Pagkatapos ko kasing banggitin ang pangalan ni best ay lumutang ito sa ere umikot ikot ito sa tapat nang palad ko. Tila ba may hinahanap sya. Mayamaya tumigil ito yung dulo nang dahon nakaturo sa pwesto ni bestfriend. Mabilis itong lumipad patungo sa kinaroruonan bestfriend. Tumigil ito sa harap ni bestfriend. Ilang sandali pa ay lumingon sa kinaruruonan ko. Nginitian ko sya, nginitian nya rin ako at tumango.

Ace Academy (The School of Magics)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon