CHAPTER 2

386 17 0
                                    

KHELLY POV

"Ano bang pinagsasasabi mo? Takang sambit ko dito.

Bumuntong hininga eto at tumalikod.

"Pumasok ka na lang, mamaya masyado ng mataas ang araw. Ani neto at pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko alam kong mahal ko si Kiefer pero bakit para akong nakikiliti sa tiyan?

"Nababaliw ka na Khelly! Sambit ko sa sarili ko.

Dahil ayoko pa pumasok ay nilibot ko ang kabuohan ng lugar at hindi at kasya ang buong araw para libutin to dahil sa laki ng bahay na eto.

"Ang init. Bulong ko.

Tama nga siya medyo mainit na kaya napagpasyahan kong bumalik at pumasok sa loob. Pag pasok ko sa loob ay hindi ko siya nakita.

"Ang laki ng bahay na to. Bulong ko.

May nakita akong isang malaking picture frame na naka display sa taas ng sofa kaya nilapitan ko eto.

"W-wedding picture namen? Takang sambit ko.

Nakadikit eto sa malaking ding ding at sa larawang eto ay naka ngiti ako samantalang siya naman ay naka simangot.

"Ginawa ko lahat para lang makuha yang wedding picture natin. Nagulat ako ng bigla etong sumulpot sa gilid ko.

"May lahi ka bang kabuti?! Inis na sambit ko dito.

"Sorry. Natatawang sambit neto.

Tumingin eto sa picture na naka dikit sa dingding at ngumiti eto. Ngayon ko lang nakita ang ngiting yun sa buong buhay ko siyang nakasama.

"Alam kong ang dami kong kasalanan sayo. Sambit neto habang naka tingin sa picture.

"At hindi ko na maibabalik ang panahon na yu. para maitama ang lahat ng pagkakamali ko. Muling sambit niya.

Nakita kong pumatak ang luha niya at hinayaan lang niya yun.

"Pero kung bibigyan ako ng pagakakataon na bumalik sa nakaraan. Muling sambit niya.

Naka tingin lang ako sa kanya habang nag sasalita eto at hindi ko mawari pero para akong nasasaktan sa mga oras na yun.

"Kung pag bibigyan lang talaga ako, itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Umiiyak na sambit neto.

Tumalikod ako upang hindi niya makita ang luhang pumatak sa mata ko.

"H-hindi na natin mababalik ang nakaraan at sana tanggapin mo na lang ang lahat. Sambit ko dito at iniwan siyang mag isa dun.

Hindi ko maintindihan bakit ganto ang nararamdaman ko na. Nasasaktan ako ng makita ko siyang umiiyak.

"Ano bang nangyayari. Bulong ko sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto kung saan ako nagising at naka tingin lang sa kisame ng kwarto.

"Ano kaya ginagawa ni Kiefer ngayon? Takang tanong ko.

Hindi ko namalayan na naka tulog na ako sa kama habang iniisip ang mga nangyayari ngayon.

"Khelly. Rinig kong tawag saken.

"Hmm. Sambit ko at tinakpan ng unan ang mukha ko.

"Khelly it's dinner time, gising na. Rinig kong sambit neto.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Ezekiel.

"G-gabi na? Inaantok na tanong ko dito.

Tumango lang eto at nginitian ako. Bigla na naman akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko at bilis ng tibok ng puso dahil lang sa ngiti niya.

"Let's go. Aya niya saken.

Nauna etong lumabas ng kwarto habang ako ay naka upo lang sa kama at nakahawak sa dibdib ko.

"A-ano yun. Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko na lang eto pinansin at sumunod na ako sa kanya sa kusina.

"What foods do you want to eat? Tanong neto saken ng makarating ako sa kusina.

"Anything is fine. Sagot ko dito.

Nakita ko namang tumango eto at nagluto na. Pinagmamasdan ko lang etong nag luluto at bigla na naman akong nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso.

"Are you ok? Nagulat ako ng nasa harap ko na pala siya.

"Y-yes, lumayo ka nga! Utal na sambit ko dito.

Sobrang lapit kasi ng mukha niya saken.

"Akala ko napano kana, kanina pa kasi kita tinatanong at naka tulala ka lang diyan. Sambit neto.

Namula naman ang pinsgi ko at yumuko ng bahagya.

"A-ano ba kasi yun? Utal na tanong ko dito.

"Tinatanong ko kung umiinom ka ba ng wine. Ani neto saken.

"Of course I'm not a kid anymore. Mayabang na sagot ko dito.

Narinig ko namang tumawa eto at pinagpatuloy na ang pagluluto. Maya maya lang ay natapos na din to at magkaharap kame ngayon habang kumakain.

"Ezekiel. Tawag ko dito.

Inangat neto ang ulo niya at tinignan ako.

"Why? Naka ngiting tanong neto saken.

"S-si Kiefer gusto kong tawagan. Sambit ko dito.

Nakita ko namang sumeryoso mukha neto at bumuntong hininga.

"May laptop sa kwarto ko at may internet naman dito pwede mong gamitin yun. Ani neto sabay yuko at pinagpatuloy ang pagkain.

Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng guilt sa mga oras na eto.

"O-ok s-salamat. Utal utal kong sambit dito.

Hindi na eto umimik at pinagpatuloy ang pagkain, maya maya lang ay natapos din kame.

"Ako na mag huhugas. Sambit ko dito.

Hindi eto umimik at niligpit lang ang pinag kainan namen.

"E-ezekiel. Tawag ko dito.

Lumingon naman saken to at seryosong naka tingin.

"Why? Tanong neto.

"A-re you mad? Utal kong tanong dito.

"I'm not, kunin mo na lang sa kwarto ko ang laptop katabi lang ng kwarto mo, nakapatong lang sa kama yun. Sambit neto at iniwan na akong mag isa sa dining area.

FORCED MARRIAGE (S2)Where stories live. Discover now