Nakita ko ang isang matandang lalaki na kamukhang-kamukha ni Ismael, habang nasa kanan naman ang isang magandang babae katabi si Isa.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanila nang makalapit ako. They are both smiling, like I am the answer to their long-time prayers. I never felt welcome like this.

"You must be Miss Jothea Alvandra; you look so stunning, hija," bati sa akin ng ama ni Ismael.

"Yes, she's very pretty. Bagay na bagay sa panganay nating si Ismael," komento naman ng ina ni Ismael.

Hinila ni Ismael ang upuan para sa akin para makaupo ako sa tabi niya. Siya naman ang nasa kaliwang parte ng dad niya.

"How old are you na, hija?"

"Twenty po, sir."

Akala ko ay mao-offend sila sa edad ko, pero narinig ko ang malakas na pagtawa ng ina ni Ismael. "Perfect! The younger the better! Right, honey?"

Hinawakan ng mom ni Ismael ang kamay ni Mr. Mondalla. They don't look like divorced parents. They seem to love each other based on their body languages. Parang walang away sa pagitan nila. Unlike my family, who just join forces whenever they try to bully me. I never thought that some family would treat me like a gift when I have always been treated like trash.

"Are you healthy ba, hija?"

Napatingin ako kay Ismael na sa kasalukuyan ay tahimik lang. Naalala kong naninigarilyo nga pala ako at umiinom ng alak. Hindi ko tuloy alam kung paano sagutin.

"I think, ate Thea is very healthy. I heard them last night. They might conceive their first child."

Napanganga ako sa inusal ni Isa. I was about to call her when Ismael did it for me. Natahimik tuloy ang lahat.

"Well, I'm glad that you're having intimate affection with each other," sambit ng ina ni Ismael. "You should maintain that attraction, sweetie, so you can conceive at least twelve children, so Ismael won't have to find another woman to have children with."

"Mother," sabat ni Ismael, trying to stop her mom.

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang dahilan kung bakit kinailangan siyang hiwalayan ni Mr. Mondalla. Kaya siguro concern siya sa kalusugan ko. So, was it really needed to bear twelve children for their family? I can't seem to understand. Mas maraming anak, mas maraming tagapagmana? Maraming magsisikap na palaguin ang pera, ganoon ba? At kapag mas maraming anak ay mas lalaki ang pamilya lalo na kung majority ng anak ay lalaki.

Kaya ko bang maka-twelve? Paano kung hindi? Maghahanap ba si Ismael ng bagong aasawahin?

I should quit smoking and drinking now.

"Hindi pa rin ako pumapayag sa kagustuhan niyo," Ismael stated in his serious tone. Nawala tuloy ako sa pagpapantasya.

"Bakit naman, anak? Galit ka pa rin ba sa amin dahil naghiwalay kami ng mama mo? I thought you understood now," litanya naman ng ama niya.

"I don't understand, 'cause if it was set that I would be the inheritor, why bother to have another ten children?"

"Dahil kung sakaling hindi mo tanggapin, ay may susunod na pwedeng maging tagapagmana," deretsong sagot ni Mr. Alvandra. "All of my relatives have experienced the same situation with their sons. Ipinagpapalit nila ang kayamanan para sa pag-ibig. Tinatalikuran nila ang pamilya nila. But I am not doing that to you, Ismael, because you are free to marry whoever you want, and I will give you what's for you. You just have to make sure you will bear twelve children; then I will be at ease and die at peace."

I bit my lip. Ibang-iba ang usapan ng isang pamilyang mayaman sa hapag-kainan kumpara sa mahirap na kagaya ko, but if you dig in, it was all because of money. Magkaiba ng sitwasyon, pero pareho ng pinag-uugatan. Kung hindi kawalan ng pera, kawalan naman ng tagapagmana.

Hindi ko gustong pangunahan si Ismael pero sa tingin ko ay mas tamang sundin niya ang kaniyang ama. Kahit hindi ako ang pakasalan niya, mas makabubuting siya ang magmana ng kayamanang para sa kaniya dahil karapat-dapat siya roon. Dahil kung hindi siya, baka iba pa ang makinabang.

Well, it is from the point of view of someone who is in survival mode. Pero magkaiba kami ng kalagayan sa buhay. Ismael doesn't need money, which I am. Lalo na ang isang katulad kong napabayaan na nga magulang at sariling pamilya. Ultimong bahay ko ay hindi na rin ligtas para sa akin. Wala akong pupuntahan. Ni hindi ko alam kung aabot pa ba ako sa susunod na buwan dahil limited lang ang pera ko at kailangan ko pang magtrabaho.

Ismael and I were silent all the way back to Lourdez City. Si Isa naman ay nagpaiwan na muna roon dahil gusto niya raw makasama ang kaniyang ina.

Napatingin ako sa kalsadang tinatahak namin. Full of beggars. Kahit pa-dapit hapon na ay naroon pa rin sila sa daan para humingi ng limos. Hindi ko mapigilang isipin na baka ganoon na rin ako sa susunod na mga araw.

*****

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong narito ako sa parking lot. Sa pagkakaalala ko ay wala akong garage sa bahay, ni wala nga akong kotse.

Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Ismael na nakatingin sa akin. His face is resting on the steering wheel while gazing at me intently. Doon ko naalalang kasama ko nga pala siya. We came from their residence which I thought for a moment was a dream. He is a rich man which he kept from me. Lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko, kung gaano ko siya pagsalitaan ay wala naman pala akong karapatan.

"Nasa'n tayo, Ismael?"

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Where stories live. Discover now