Chapter 36: Strands (Part 3)

Start from the beginning
                                    

"If that's what you're suggesting, Porkchop ko, do you think you have any connection with the chancellor to discuss this case? If not, wala tayong mapapala para kausapin siya. He's a busy and aloof person. All we got to do is to have the power in this campus state. And that brings us the USG. The election is upcoming and we need Zuleen to take the highest position as she aims the presidential throne. Kailangan natin siya para mabago ang sirkulasyon ng hierarchy."

"Ang ibig mo bang sabihin, we need to support Zuleen to become a USG President so in the near future, she can help us to eliminate discrimination against all TVL students. Is that what you were planning?"

"Precisely. At ako na ang bahala para kausapin siya."

Napangiti si Hyrana na tila nabigyan ng pag-asa.

"Makakaasa kayo sa amin! We will vote for her. I'll be taking that us a gratitude to all of you. Maraming salamat sa inyo. Masaya akong naging kaibigan ko kayo at nakakasama ngayon." Pasasalamat niya.

We hugged her tightly. Hindi namin lubos isiping malala ang pinagdadaanan ng mga ka-batchmate namin rito. We are not aware and we are not the only one who was deprive and discriminated. Kaming lahat pala ay nakukulangan sa pamamahala ng nasa sa itaas. We need good implementation of education.

Ano bang nangyayari sa paaralang ito?


__(=_=)__


TUMUNGO NA kami sa pinakadulong part ng TVL area.

Ito na ang last na pupuntahan namin. The most end and cliff-edge of ZSU. Maraming sign boards na nakapaskil sa bawat daanan namin. Ipinagbabawal pumasok ang mga Acads dito. May mga buildings pang nakatayo rito and that would be the IA (Industrial Arts) Department Buildings. Medyo masukal ang daan bago makapasok dito dahil sa mga tanim at bakuran ng mga AFA students.

I can say na maingay rito. Not because of people's audible verbal sounds but the screeching of metal bars as they clanging and ripping inside the storey buildings.

"Sakit sa tenga!" Sigaw ko.

"Nasa IA tayo, mga bes. Kaya i-expect niyo nang maingay rito. Siguro nagpuputol sila ng mga bakal."

"Wala akong ma-sight here na guwapo. Akala ko mga hot boys sila, nagmukha lang silang sunog!" Pintas ni Lando sa mga kalalakihan sa tabi-tabi.

Maraming napapadako ang tingin sa amin dahil dayo lang kami rito. Masasama ang tingin nila sa amin na tila isang kasalanan ang mapadpad ang tulad naming mga Acads.

Biglang may bumagsak na lalaki sa harapan namin at tumalsik ang mga dugo nito sa aming mukha at damit.

Sh***t!!!

"KYAAAAAHHH!!!"

Binulabog namin ang lugar sa nangyari. We were so hysterical na makakita ng taong duguan. Patay na ito dahil kita naming bumulwak ang mga mata nito at bituka sa tiyan. Nanginginig pa ang katawan nito.

I think he's electrocuted.

We gazed up. At nakita namin ang mga estudyanteng nasa itaas na nag-i-install ng electrical components sa hibla ng mga kuryente. Isa-isa silang bumaba gamit ang mga tali sa kanilang beywang at nagsilapit sila sa bangkay.

"Itapon niyo na 'yan." Utos ng lider sa kanila.

"Bakit niyo na lang siya itatapon?! Tao yan hindi basura! Wala ba kayong mga konsensiya o awa man lang sa namatay?!" Pigil ko sa kanila.

"Ilan na rin ang namatay rito. At bukod d'on, walang may pakielam sa buhay namin para kaawaan pa kami ng kahit na sino, maging ang school na ito o pamilya namin."

K-12 War Series #1: Academic SeasonWhere stories live. Discover now