Chapter 2: Flag Ceremony

253 13 14
                                    

"In politics, nothing happens by accident. If it happens, you can bet it was planned that way."
– Franklin D. Roosevelt

Sahee's POV

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Sahee's POV

NAKARAMI na akong distansyang itinakbo ngunit hindi ko pa mahagilap 'yung mga ka-batchmates ko. Ang ingay ng paligid at nagkakagulo sila. Marami ang nalalagutan ng hininga sa harap ko mismo at pumaplakda sa daan. Napapapikit na lang ako habang tumatakbo. I feel sorry for them dahil naapakan ko na sila nang hindi ko sinasadya. End of the world na ba?!

Nagtanong ako sa natapatan kong lalaki sa pagtakbo.

"Kuya, bakit kayo tumatakbo?!"

"Wala ka na d'un!" Hasik niya at naunang tumakbo.

Bumaling ako sa aking kaliwa sa isang babae.

"Ate, may nangyayari po bang hindi maganda?"

"Malay ko beh! Basta, delikado rito! Huwag mo nang ituloy mag-enroll! KYAAAAAHHHH!" Bigla siyang nadaganan ng mga tao at lumubog sa ilalim at nawala sa paningin ko. Nababahala na talaga ako sa sitwasyon namin. Hindi na ito maganda. Kinuwit ko naman 'yung taong nasa harapan ko para magtanong. Lumingon siya.

"Kuya, could you just please let me know what was happening?!"

"Bakit mo ako i-ni-English?! Teka! Private student ka ba?"

"Huh? Hindi-"

"Umalis ka na rito! Para sa mga public student lang ito. Wala ka sa tamang lugar para ipagsiksikan mo pa iyang bilbil mo sa gulong 'to!"

Ano raw?

"P-Pero..."

Nakalayo na siya sa akin bago ko pa masambit ang sasabihin ko.

"...p-public student din ako."

Napaisip ako.

As far as I remembered, the tall girl told me a while ago when we went down from the bus she reason out this flag ceremony. Alam kong hindi iyon ang dahilan nang lahat ng ito. Hindi ibubuwis ng estudyante ang kaniyang buhay na mamatay sa daan para lang makahabol sa flag ceremony. Unless makabayan sila. I knew there's something wrong.

__(=_=)__


IN THE MIDST of chaos, my eyes got dazzled to a shiny thing.

Nakasisilaw.

I realized it was just my friend. Malapad na noo pala iyon ni Ehseng na nasinagan ng araw. Nang makalapit ako sa kaniya, tinakpan ko agad ang noo niya para hindi makaperwisyo sa ibang tao.

"Sahee!" Masayang bulalas ni Ehseng nang makita niya ako. Napayakap siya sa akin habang pinipisil niya ang bilbil ko. I was a bit distracted to her enormous bulky forehead causing reflective glare of sunlight. "Akala namin patay ka na, sayang." Dismayado niyang sabi.

K-12 War Series #1: Academic SeasonKde žijí příběhy. Začni objevovat