💚MGH | Chapter 1 | Si Cedrick |

19 0 0
                                    


CEDRICK'S P.O.V

[SIMULA]

"Sabay kana sakin bro." saad ko sa classmate ko na si Leo.

"Salamat nalang pre. May pupuntahan pa kasi ako, malapit lang naman mula dito. Lalakarin ko nalang." tugon nito.

"Sigurado ka bro?"

"Oo pre. Salamat nalang. Sige una nako ha." ani ni Leo at naglakad na paalis.

10 minutes later…

May nakita akong babae na patawid sa daan at may suot itong headset kaya siguro hindi niya namalayan ang truck na paparating sa kanya. Mukhang walang preno ang truck dahil pagewang-gewang ito.

Tinigil ko kaagad ang kotse ko at bumaba tsaka dali-daling tumakbo papunta sa babae at tinulak ko siya papunta sa kabilang side, at parang nag-slowmo ang mundo ko nang makita kong malapit nang bumangga sa'kin yung truck. Pumikit nalang ako at tanggap ko na na ito na ang katapusan ko. Nag-flashback kaagad sakin ang mga memories ko simula nong bata ako. Pero hindi ko akalain na may biglang kukuha sakin, parang mabilis na hangin ang pumasan sakin. Nang nasa sahig na ako sa sidewalk ay napadilat ako at tanging green na suot lang ng nagligtas sakin ang naaninag ko.

"Ang bilis niya." tanging mga salita na lumabas sa bibig ko.

Nang bumalik na ang diwa ko ay napatingin ako sa paligid at ang daming tao. Nakita ko rin ang truck na nakabangga sa isang poste.

"Thank you po kuya ah. Salamat po talaga ng marami." sambit nong babae na niligtas ko kanina.

Parang pino-proseso pa ng utak ko ang nangyari. Hindi ako nakapagsalita agad at ang una kong ginawa ay tumayo. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang daming tao na nakatingin sa'kin.

Sa di kalayuan ay nakita ko ulit yong naka-green na suot at nasa taas ng isang maliit na building at parang nakatingin sa'kin.

"Sino siya?" tanong ko sa isip ko.

He or she save my life. Wala na sana ako ngayon. Utang ko sa kanya ang 'tong buhay ko ngayon.

3 months after…

I still can remember that green hoodie guy. Oo, lalaki siya, at nalaman ko yun nang naging sikat siya sa bayan namin. Ang dami na niyang naligtas na buhay. He's like a hero for us. But no one knows kung ano ang pangalan niya, tinawag lang namin siyang green hoodie guy kasi yun yung palagi niyang suot. We also never saw his face.

Hanggang ngayon I'm still hoping na makausap ko siya kahit sandali manlang. Just to thank him for my life, for my second life.

–––––

I'm Cedrick Dee Garcia, isang 2nd year college student sa La Tieggo Unibersidad.

I'm also from a broken family. My mom and dad had a bad marriage, they always fight for things that hindi naman talaga mahalaga. They don't agree on each other, so ayon, they both decided na maghiwalay nalang.

Hindi ako sumama kay mom or dad. I want to give my self a peaceful life. Ayaw ko ring sumama sa isa sa kanila kasi feeling ko yung sakit na mararamdaman ko at hindi ko kakayanin.

Binilhan nalang nila ako ng bahay at binigyan rin ng credit card. I can buy whatever I want ng hindi nababahala sa gagastusin.

About my gender pala, I'm bi. I'm attracted to both male and female. Pero... wala akong jowa ngayon. Ewan, parang its hard to find the right one nowadays eh. Nagkalat na ang fake love ngayon kaya ayaw ko muna.

Well about naman to my past relationships, those are all fake. Those people that I loved or who loved me below my age 21 is just part of my childhood life. Tsk.

Tama na ang kuwentuhan. Kailangan ko pang pumasok sa school. Magpe-prepare pa ako sa sarili ko.

Bumangon na ako tumingin sa salamin tsaka naglinis ng muta sa mata. Tumayo na ako pagkatapos ay humikab pa nga. Lumabas na ako sa kwarto ko. By the way, isang palapag lang ang bahay ko. You know, simple on the outside, rich look in the inside.

Chineck ko muna ang panahon sa labas ng pinto, at hindi pa pala talaga tumitigil ang ulan. Grabe talaga 'tong school namin, ayaw parin isuspend kahit mala bagyo na ang ulan at hangin. Ginawa pa kaming mga college na waterproof at sakitproof ng school namin.

Bumalik nako sa loob at dumiretso na sa shower para maligo. After awhile, pumunta na ako sa room ko at magbibihis na ako. Naka-towel pala ako ngayon. NAKA TOWEL. Baka kasi manilip kapa, alam kona pagkatao mo. haha kidding.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong kumain ng breakfast. Toasted bread lang kinain ko tsaka mainit na coffee. Nag mouthwash na ako pagkatapos at tsaka nagsuot ng bag. Ready na ako kaya lumabas na ako papunta sa garahe at sumakay ng kotse.

Ang lakas parin ng ulan. Lord tama na, may plano po ba kayong lunurin na naman ang buong mundo?

*Kumulog at kumidlat.

Hehe, joke lang po Lord. Sige po, bantayan niyo po ako ha. Peace be with you po.

20 minutes later…

Nakarating na ako sa harap ng gate ng school namin. At kahit isang student ay wala akong makita, kaya lumapit ako sa guardhouse at nagtanong kay kuya guard.

Hindi paman ako nakakapagsalita ay sumagot na si kuya guard.

"SUSPENDED." bigkas ni kuya guard.

"SUSPENDED... SUSPENDED... SUSPENDED..." paulit-ulit na salita sa utak ko.

"Tang*na naman oh. Gumising pa talaga ako ng maaga eh suspended lang naman pala." inis na saad ko.

"Oy, bawal magmura dito." aning kuya guard.

"Ay sorry po. Sige po mauna na ako."

"Sige ingat."

Lumabas na ako sa gate at nagdrive na pauwi. Hindi katagalan ay bigla akong napahinto nang makita ko sa tabing daan ang tatlo kong tropa na nagsitakbuhan.

Bumusina ako at huminto sa unahan nila. Nakilala siguro kaagad nila ang kotse kaya sila huminto at tumakbo papunta sakin.

Kumatok pa sila sa pinto at agad ko namang binuksan yon. Nasa backseat sina Cristoff at Anthony tsaka nasa tabi ko naman si Gio.  Basang-basa ang mga ito pati ang mga bag nila.

Mr. Green HoodieWhere stories live. Discover now