💚MGH | Prologue |

27 1 0
                                    


Habang pinagpapatuloy ko ang ginagawa ko ay bigla akong nakarinig ng mga katok sa labas kaya napatigil ako at bumaba. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at baka dumating na si tita kaya binuksan ko kaagad ang pinto.

Pero laking gulat ko nang bumungad sa'kin si Cedrick na halatang lasing na lasing na.

"Hoy! Bakit ka andito? Gabi na oh!" gulat na saad ko.

"Diba sabi mo kailangan mo ng tulong?" lasing na pagkasabi nito.

"Kanina yon. Pero ngayon kaya ko na'to. Sabi ko naman sayo na wag nalang kasi lasing kana."

"Dipa naman ako lasing eh. Di ako lasing."

"Anong hindi! Umuwi mana, kaya ko na'to." naiinis kong saad.

"Hindi. Kaya ko pa naman eh. Tulungan nalang kita."

"Wag na nga sab-"

Napatigil akong magsalita nang biglang sumuka si Cedrick.

"Oh ayan kasi. Hindi pala lasing ha." ani ko.

"Sige na, umuwi kana. Hindi rin kasi kita pwedeng patuluyin dito at baka dumating bigla si tita. Pagagalitan pa ako non." dagdag ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla namang nagtext si tita.

"Bukas pa ako makakauwi. Bantayan mo yang bahay d'yan ha." pagbasa ko sa text ni tita at napakamot ng ulo.

"Napakamalas ko naman oh." ani ko.

Wala na akong choice kundi ang ipasok sa loob si Cedrick. Hindi narin kasi nito kayang magmaneho tas mukhang uulan pa nga. Nakahiga na siya sa sahig kaya kahit na mabigat ito ay pinasan ko siya.

Pumasok na kami sa loob at umakyat na ako sa second floor kung saan nandon nag kwarto ko. Sa kwarto ko nalang siya dadalhin kasi dalawang kwarto lang kasi ang meron tong bahay na'to tas kay tita pa yong isa.

Pagbukas ko sa kwarto ko ay agad ko siyang nilapag sa kama at hinayaang matulog. Bumalik nako sa project ko at baka hindi ko ito matapos.

Habang focus na focus ako sa paggawa ng project ko ay bigla akong napalingon kay Cedrick. Hinuhubad nito ang suot niyang damit. Hindi ko nalang ito pinansin.

10 minutes later…

Malapit ko nang matapos ang project ko, mabuti nalang dahil inaantok na ako. Napatigil ako nang biglang bumangon si Cedrick sa kama, ewan ko kung lasing pa ba ito, pero... parang...

Lumapit ito sakin at tinanong ako kung tapos naba ako.

"Matulog ka nalang jan. Kaya ko na'to." tugon ko.

Lumapit pa ito ng kunti sakin at biglang inagaw niya sa kamay ko ang ballpen na ginagamit ko pansulat.

"Oy gagi akin na yan! Cedrick naman eh!" naiinis kong saad.

Sinusubukan kong agawin ang ballpen pero hindi ko makuha-kuha.

"Akin na yan sabi eh! Mahal yang ballpen na yan." ani ko.

Tumigil ito at tumitig sakin. "You can't afford to lose this ballpen? Mahal? Ganyan din ako sayo eh. Mahal kita and I could never afford to lose you too." biglang turan nito.

Napawalang imik nalang ako, natatawa ako dahil ang corny pero mukhang seryoso siya. Ano kaya nainom nito?

"Anong pinagsasabi mo jan? Cedrick umayos ka nga!x"

Bigla nitong nilagay ang ballpen sa kama at tinitigan ako ng seryoso niyang mukha.

"Kapag kinuha mo yan. Hahalikan kita ng walang tigil." seryosong turan nito.

"H-ha? Cedrick, bro… anong nangyayari sa'yo? Nangti-trip kaba?"

Hindi ako naniwala sa sinabi niya at agad kong kinuha ang ballpen ko at tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hinila papunta sa kanya at hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw.

End of prologue...

Mr. Green HoodieWhere stories live. Discover now