"Pucha naman, hindi na lang pumasok sa kwarto muna e." mahina kong bulong sa sarili.



Naghubad na lamang ako ng aking damit para isuot ang swimwear na kulay bronze. One-piece lang ito na may butas sa may tiyan. Kumuha ako ng long sleeves polo as a cover up. Nagdire-diretso ako pababa, ngunit nasilayan kong wala na ang magkasintahan sa dulo ng palapag at ang pintuan ni Ann ay nakasarado na ngayon.




Pagkarating ko sa pool area, nadatnan kong nakapwesto na sina Tito Martin at Dad sa gilid kung nasaan nandon ang mahabang table at mga kumportableng upuan. May iba't ibang pulutan at alak na ring nakahanda.


"Oh, shot!" aya sa'kin ni Tito Martin.


"Hoy, may pasok pa 'yan bukas." saway ng tatay ko.


"Sus, kaonti lang! Kayang-kaya 'yan ni Michelle. 'Di ba, Mich?" sabay abot sa'kin ng isang shot glass na puno.


Oo, shot puno talaga!



Inabot ko ito nang walang imik at mabilis na tinungga. Walang enerhiya kong tinanggal ang cover up at tinapon ito sa isang sun-lounge, at agad na nag-dive sa pool.


"Woooooh! Lakas ha, walang chaser-chaser." pang-aasar sa'kin ng tito ko pagkaahon ng ulo ko. Sabay ko ring nakita ang dalawang pigurang naglalakad patungo sa direksyon namin.



Habang ang isa ay nakasuot lamang ng beach shorts, ang isa naman ay nakasuot ng yellow gold na string bikini, kitang-kita ang hubog mula leeg hanggang balakang. At ang nakakainis pa, nakapulupot ang isang braso ng lalake sa kaniya at hinihimas-himas ang tiyan niya. Umahon akong muli para kumuha ng maiinom.


Nang makalapit sila sa'min, walang muwang kong hinarap si Anntonia dahil kinakausap pala ako nito.

"I didn't notice you have tattoos." tiningnan ko ang mukha nito na ngayo'y nagpapabalik-balik ang tingin sa may braso ko at sa tagiliran ko.

"Oh yeah, I had a tattoo artist come over when I was at the penthouse."


"Those look cool." singit naman nitong si Ivan. Sinamaan ito ng tingin ni Anntonia, I even saw her gritting her teeth.


Chill, woman. He's all yours - sa isip-isip ko.



I took a few more shots until I feel it burn my stomach, kaya naman dahan-dahan akong muling lumusong sa pool para magpalamig. Lumangoy ako hanggang dulo. Nang maiahon ko ang ulo ko, nakita ko na naman silang dalawang naglalampungan sa may pool stairs. Isinabit ni Anntonia ang mga braso niya sa leeg ni Ivan. Nakatalikod siya sa akin, kaya napaiwas ako ng tingin nang lumingon ito. 


Umahon ako sa hagdang nasa banda ko at agpaalam na lamang ako.


"Oh, ang bilis mo lang naman ata." sabi ni Dad sa'kin.

"My head hurts already, dad. I'm a bit tipsy na rin." kumaway na lamang ako sa kanila bago tumalikod. Natigilan ako nang may maramdaman akong malambot na kamay na humawak sa akin. Pagkalingon ko rito ay inaabot pala niya ang cover up na naiwan ko.


Blanko lamang ang ekspresyon nito. She licked her lips and left it agape, not knowing if she's gonna say something or not. Instead, she pulled me towards the door that separates the pool area and the inside of our house. Nagmistulang nakatago kami rito dahil may malaking halaman na humarang sa amin at sa mga taong dinig naming nagtatawanan ngayon.


She pursed her lips while looking at my torso. She lifted her gaze and flashed me her eyes that are saying something. Alam ko ang tinginan niyang gano'n. Ibig sabihin, may pabor na gusto niyang matanggap, ngunit hindi ko alam kung ano ito. My gaze stayed with hers until she lifted her fingers and touched the tattoo that is marked on the side of my chest. She's just staring at it while I'm observing her hand.

Hindi ko napigilang mapa-exhale nang mabilis at malakas dahil sa paraan ng pag-eksamina niya rito. She traced it with her three fingers, and glided them towards my shoulder down to my forearm where my other tattoo is marked.



"Hmm." iyon lamang ang tanging imik niya sa'kin bago niya inalis ang kaniyang kamay. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil nakatingin lamang ang mga mata niya sa akin. Hindi ito galit, hindi ito masaya. Her eyes are just slowly fluttering, as if she's saying something that I should be getting. 




I got back to my senses when she laid my cover up over my shoulder before she walked away again, towards the people by the pool.





*end of flashback*




Pagkaalis ko ng mga kamay ko sa aking mukha, nagbabadya nang bumaba ang araw. Kailangan ko nang umuwi.



Inihanda ko na lamang ang sarili ko para sumakay sa motorsiklo.


Bigla kong napagtanto na sa darating na Linggo ay kaarawan ko na. Marami pa pala akong aasikasuhin.





Anntonia, maihahanda ko ba ang sarili kong harapin ka?





==============================================


A/N ---- TOTOO BA 'TO? I gained another 1k reads in one day? saan kayo nanggagaling, kinikilig ako :(


Two chaps in one go dahil malakas kayo sa akin ;)


slooooow burn kung slow burn. Hindi ko na rin kaya sa totoo lang.





- blue

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now