"Bilisan niyo, 10 minutes left!"

Ang bilis naman ng oras.

Tahimik kong pinasok ang ilang kwarto. Pero wala akong nakita. Mukhang tama si Red may ilang bahagi ng mansion na iilan lang ang mga guwardiya.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang malaking painting.

A beautiful, emotionless lady with two different coloured eyes, pale white skin, and a perfect aristocratic pointed nose, she has long brown hair that is curly on its tips. She is not smiling, but still, her perfect red lips are so catchy that it will grab your attention.

Natulala ako habang tinitigan ito at biglang bumalik sa alaala ko ang gabing iyon. Kung saan una naming nakita ang buong pagmumukha niya.

Even though this lady in the painting seems mature and different. I'm sure the lady is none other than Rain!

Hindi ako pwedeng magkamali! Siya ito!

"Fuck!" Napamura na ako nang makarinig na ng mga putukan.

Kasunod ang malakas na tunog ng alarm na umalingaw-lingaw sa buong mansion.

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng putukan hanggang makita ko si Dwight na nakasandal sa pader. Binaril ko ang ilang guwardiyang kasalukuyang nagha-hunting sa kanya.

"May tama ka." Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo sa tagiliran at balikat niya. Agad ko siyang inalalayan. Kailangan na naming makalabas dito. May nakita naman na akong ebidensiyang buhay si Rain.

"Hahaha, a-akala...ko m-mamatay na ako na w-walang sa-saklolo." Pilit pa siyang tumawa. Siraulo talaga.

"Shit! Umalis na kayo! Papatayin ko ang power connections ng buong mansion. Gamitin niyo iyon para makatakas. Nag-aabang na ang chopper sa labas. I will just save Zero!"

Mukhang nakikipaglaban na rin si Red.
Nahanap nila pati ang pwesto niya!

We need to get out from this hell. Hoping, all of us.

***

Alaine POV

"Young lady!"

"What happened?" I ask.

Medyo nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa biglaang pagbangon. Napatingin ako sa paligid ko. Nasa kwarto na ako habang nakabantay sa akin ang ilan sa mga underlings ng Ponos. Halata ang pinagsamang takot at pag-aalala.

"Y-you were discovered lying unconscious at the veranda." Tila hirap na hirap ito. Habang unti-unti namang bumabalik sa alaala ko ang nangyari.

"We're very sorry, young lady! We failed to protect you. We will gladly accept your punishment!" Sabay-sabay silang napayuko at hindi na ako matingnan.

"The assassin. Where is he?" malamig kong tanong.

Tiningnan ko ang orasan. Hindi naman pala ako matagal na nawalan ng malay. Mabuti na ring hindi pa dumadating sila Grandpa.

Nilingon ko isa-isa ang mga tauhan ko nang wala akong makuhang sagot.

"T-they escaped, Young Lady. They used a chopper." They? Ibig sabihin may mga kasama pa pala siya!

Agad akong tumayo pero dinaluhan nila ako para pigilan. "What the! I need to check the CCTV!" anas ko.

"But you haven't rested, young lady. And Doctor Sanchez needs to examine you."

Umiling ako. "I'm fine, okay! No need to call her." Nagkatingin sila at parang ayaw sundin ang utos ko pero sa tindi ng galit na ipinapakita ko ay wala na rin silang nagawa. Sinundan na lamang ako papunta sa control room.

The Rise of the Phoenix Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon