XI - I Needed Someone to Distract Me

Magsimula sa umpisa
                                    




But I won't ever be ready to face her. I mean, not anytime sooner. Maybe in a few days pa. I think it's valid na magalit din muna sa kaniya as she's acting like a child simula nang magkita kami ulit. Sabi namin ------


Biglang tumunog ang phone ko.




🩷Sister Bestie 4ever My Rock🩷 is calling...

*End*                 *Accept*


Kaninang umaga dinabugan ako ng pinto, tapos kanina tinulakan ako ng pinto. E kung ipitin ko kaya 'to sa pinto? Bakit naman 'to tumatawag? 


I decided to ignore her call hanggang sa tumigil ang pag-ring ng phone ko. Ngunit nag-ring ulit at siya pa rin ang tumatawag.



🩷Sister Bestie 4ever My Rock🩷 is calling...

*End*                 *Accept*



Sigh.




Pinindot ko ang berdeng icon at nilapat ang phone sa tainga ko.


"........"


Hinintay ko itong magsalita ngunit ni paghinga ay hindi ko marinig.


"Hel------" anong trip n'on? Binabaan ako bigla.


"Madam, ipapasok ko po ba ang sasakyan?" tanong ni Manong kay Mom.

"Not necessary, Ma and Michelle will just go down. Pakitawag na lang si Anntonia, Manong." utos ni Mom. Saan sila pupunta? Binuksan ko ang pintuan sa side ko at sinara ito bago ako umikot papunta sa side ni Mamita para alalayan siyang bumaba. Pagkasarado ko ng pintuan ng sasakyan, sakto ay bumalik na si Manong kasama si Anntonia. Suot pa rin niya ang black tube dress niya, natandaan ko na naman kung paano nakapulupot ang braso ni Ivan sa kaniya kanina.


Nang makalapit siya sa akin, malinaw agad sa mukha niya ang pagkainis. Pero kahit galit ako sa kaniya, gentlewoman pa rin ako kaya pagbubuksan ko sana siya ng pinto ngunit hinawakan din niya ang door handle na nagpadaloy ng kuryente mula sa kamay ko hanggang sa batok.


I miss holding her soft hands.


"Get your hands off." Okay, nevermind, hindi ko na pala miss.

"Edi huwag, pagbubuksan na nga e." I murmured to myself.

"What?"


I just chose to ignore her and proceeded to enter the house. Napatigil ako sa tapat ng pintuan dahil tumunog na naman ang phone ko.


Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon